5 Dreams Goddesses

3 0 0
                                    

~~~~~~~

Natapos ang araw na puno ng makabuluhang pangyayari. Biruin mo sa loob ng isang araw ay napakadaming nangyari.

Nakilala ko ang pinaka-kinaiinisang tao sa Campus tapos may love team na muling nabuo.

Nandito na nga pala ako sa bahay at una kong pinuntahan ay si Ate Iris na nasa shop nya.

"Nandito na ako te"- wika ko pagkapasok ko ng shop.

"How's your day?"- tanong ni Ate Iris.

"It's okey but it's make me tired"- wika ko at pabagsak na umupo sa couch na nasa loob ng shop.

"Okey lang 'yan, masasanay ka rin"- wika ni Ate Iris.

Napatingin naman ako sa mga design nya kaya may naalala akong isang mahalagang bagay.

"Ate, pwede mo ba akong itago ng gown ang bikini kasi kasali ako sa beauty pageant sa school at ikaw lang ang kilala kong magaling magtahi ng mga gown at swim-suit."- wika ko tapos sinabayan ko ng puppy eyes para hindi na sya makatangi.

"Syempre naman, kailan ba?"- nakangiti nyang tanong.

"Next Friday pa naman pero sa Monday na yung rehearsal at ate, kung pwede ang kulay ng gown ay Blue na plain pero makinang na parang may glitters."- wika ko.

"O sige na, pero gusto ko wag ka munang papasok sa sewing room ko para surprise yung susuotin mo tsaka ako na rin ang bahala sa swim-suit mo"- wika ni Ate na ikanasaya ko.

"Yehey! Salamat ate. You're the best of all"- wika ko at kiniss ko sya sa pisngi sabay takbo papunta sa bahay namin.

**********

Narito na ako ngayon sa school at mula rito sa hallway second floor ng Igneous building ay tanaw ko ang nagkakagulong kababaihan at kabaklaan ng Maastricht University dahil sa pagdaan ng Syranide.

"Ana, Anong tinitignan mo dyan?"- tanong ni Violet sabay silip sa baba.
"Ay! Ang Syranide, ang gwapo talaga ni Vlad."- wika ni blood na tila nangangarap ng gising.

"Don't tell me na may gusto ka kay Vlad kahit binubully ka nila?"- wika ko kay Violet.

"Sa kanilang lahat, si Vlad lang ang hindi Bully, kung hindi nga lang magkababata si Vlad at si Razzle ay baka hindi sya kasama dyan."- wika nya na ikinataas ng kilay ko.

"Hindi naman halatang crush mo sha eh no! Lahat yata ng tungkol sa kanya eh alam mo eh!"- wika ko at nginitian nya lang ako.

"Oo nga pala, marunong ka bang kumanta?"- tanong sa akin ni Violet.

"Of course, marunong akong kumanta"- wika ko.

"Kung ganon, sumama ka sa akin!"- wika nya at hinatak nya ako bigla.

"Where are we going?"- tanong ko sa kanya.

"Basta, malalaman mo rin"- wika nya.

Nang narating namin ang lugar ay doon lang din pala sa room kung saan namin dinala si Violet kahapon matapos syang bulihin ng Syranide.

"Guys! Marunong daw syang kumanta"- masayang bungad ni Violet kila Jade, Myrtle at yung kambal.

"We, sample nga"- wika naman ni Rose.

"Oo nga"- wika ni Myrtle.

"Sample, sample, sample!"- sigaw nilang apat.

"Okey fine,"- wika ko at tumahimik naman sila.

Never Enough

I'm trying to hold my breath
Let it stay, this way
Can't let this moment end
You set off a dream with me
Getting louder now
Can you hear it echoing

Take my hand,
Will you share this with me
'Cause darling without you

All the shines of a thousand spotlights,
All the stars we steal from the night sky,
Will never be enough,
Never be enough.
Towers of gold are still too little,
These hands could hold the world but it I'll,
Never be enough,
Never be enough...

For me
Never, never
Never, never
Never for me
For me

Never Enough
Never Enough
Never Enough
For me
For me
For me...


"God! You have a angelic voice"- manghang sabi ni Jade.

"Kung ganon, meron na tayong tatlong vocalist"- nakangiting sabi ni Rose.

"Anong ibig nyong sabihin?"- nagtataka kong tanong.

"Kahapon kasi napag-usapan namin na gumawa kami ng isang grupo ng mga musikero dahil si Violet ay magaling mag-piano tapos si Myrtle ay magaling mag-gitara at bihasa naman sa Drum si Rose."- wika ni Rich.

"Kaya tayong tatlo nila Rich ang magiging Vocalist"- wika ni Jade na ikinalaki ng mata ko.

"No! Ayoko! Hindi ako sasali sa banda nyo!"- wika ko.

"Ana, sumali ka na, please"- wika ni Violet at nakanguso pa.

"Ayaw mong sumali, Amethyst Nyanza Alexandria Quincy"- wika ni Jade kaya wala na akong nagawa kundi ang sumali dahil sa oras na tawagin ang buong pangalan ko. Automatic na mapapasali talaga ako.

"Okey,fine. Sasali ako pero ano muna ang pangalan ng Band natin?"- tanong ko.

"Yes! Anim na tayo"- masayang sabi ni Violet.

"Actually, pinag-iisipan pa namin ang tungkol dyan"- wila ni Rich.

"What if, the Dreaming Girls?"- suggestion ni Rose.

"Ang panget naman, parang sinasabi mo naman na hanggang pangarap nalang ang lahat ng ito"- wika ni Myrtle.

"Myrtle is Right. Dapat mag-isip tayo ng pangalan na tatatak sa puso at isip ng mga tao, yung tipo na marinig palang nila ang pangalan ng grupo natin ay sasabihin na nila na 'Nandyan na ang mga Dyosa ng Tanghalan!"- wika naman ni Jade.

"Masyado ka namang Advance
Mag-isip. Dapat maipapakita ng pangalan ng grupo natin na kaya nating abutin ang mga bituin, I mean, ang mga pangarap natin sa pamamagitan ng pagkanta at pagtanghal sa entablado"- wika naman ni Rich.

"Kung makapagsabi ng advance akong mag-isip eh mas advance ka pala mag-isip kaysa sa akin!"- wika Myrtle at inakmaan sya ni Rich na babatukan sya.

"Tumahimik na nga kayo. Maging seryoso naman kayo."- wika ni Jade.

"Wait, may naisip na akong pangalan pero hindi ko alam kung ok lang sa inyo to"- wika ko.

"Paano namin malalaman kung maganda kung ayaw mong sabihin?"- wika ni Violet.

"Pwedeng maghintay? Wag kang atat!"- wika ko sa kanya.

"Okey, fine! Don't be mad!"- wika ni Violet in a sarcastic way.

"What if, Dreams Goddesses"- wika ko.

Nagtinginan sila na tila nag-uusap sa isip. Matagal din silang nagtinginan at nag titigan. Tumingin sila sa akin ng sabay-sabay.

"Approved!"- wika ni Rich at na ikinatuwa naman namin.

——————————

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Million Dreams (The Journey Of The Dreamers)Where stories live. Discover now