Simula

642 84 409
                                    

Tears

Masakit para sa akin na malaman ang pagkamatay nang lola. Lalong-lalo na sa aking mommy, saksi ako sa pag-mamahal na ipinadama ni lola at mommy sa isat-isa, especially sa akin.

Pinag-mamasdan ko ngayon si mommy na nakatunghay sa puntod nang lola, ilang araw na rin itong walang gaanong tulog. Nag-alala na kami ni daddy sa kanya lalo na ang mga kuya ko.

Ako ang bunso, at may dalawa akong kuya. Ni isa sa amin walang kina-kausap ang mommy. Umiiyak lang ito lagi, nahahabag ako sa itsura nang aking ina. Masakit rin sa akin ang pag-kamatay nang lola, naalala ko pa noon, siya ang tanging takbuhan ko sa tuwing papaluin ako ni mommy.
Hindi ko na napansin ang biglang pagtulo nang masaganang luha mula sa aking mga mata.

Niyakap agad ako ng kuya Clark ko. Mas masakit sa mga kuya ko ang nangyari, lalo na kay daddy, ang makita ang kalagayan nang aming ina ay sobrang sakit. Almost two months nang patay si lola. Pero parang sariwa pa rin sa amin ang nangyari rito.

Hinila na ako ni kuya patungo sa sasakyan, nag-pahila na man ako kay kuya. Lutang parin ako hanggang ngayon. Inatake si lola sa sakit sa puso. Ayon sa mga kasambahay, hindi na daw ito nagising, nang dalhin na man ito sa hospital, dead and arrival ang nangyari.

Umaandar na ang sasakyan, habang nakatanaw sa unti-unting lumiliit ang imahe nina mommy at daddy, nauna na kaming umuwi sa Hacienda Janeiro, malungkot ang mukha nang dalawa kong kapatid.

Bagsak ang aking balikat nang pumasok sa mansyon, tinungo ko ang aking kwarto. Kinuha ko ang aking unan at niyakap. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako nang makarinig ng katok sa pinto.

"Pasok! Sigaw ko.

Agad namang iniluwa ng pinto si Rudy, my bestfriend since birth. Matalik na mag-kaibigan ang mommy niya at daddy ko. In fact, magkababata kami, mas matanda siya sa akin nang tatlong taon.

Nakangiti itong lumapit sa akin, at ginulo nito ang mahaba't maalon kong buhok.

"How are you? Tanong nito na may pilit na ngiti sa mga labi.

"Still not fine, I'm worried about my mom, she's loosed weight". Malungkot kong tugon dito.

Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap dito, ngumiti ito sa akin, na waring nagsasabing lakasan ko raw ang loob ko.

"Let's go! hindi ka pa nag-didinner,kinatok ka raw nang mga kuya mo ngunit hindi ka raw sumasagot, sabi nila baka tulog ka pa, at baka rin pagod ka sa biyahe kanina."

"Masarap lang siguro ang tulog ko." Sabi ko at nag-patiuna nang lumakad para bumaba.

Iginala ko ang tingin sa baba habang nasa hagdanan ako, at nang makababa dumiretso na ako sa may dining room, samantalang nakasunod na man sa akin si Rudy.

Malungkot akong lumapit sa mesa, wala na naman si mommy, si daddy lang at ang dalawa kung kapatid ang nasa hapag.

Napasulyap na man sila sa akin. Nasa may kanan ako umupo katapat nang kay kuya Mike. Tumabi na man sa akin si Rudy. Na katapat na man ni kuya Clark.

Nilagyan nang kanin at ulam ni dad ang aking plato, tahimik kaming lahat na kumakain, ni isa walang nagsasalita. Hanggang sa matapos kumain sina kuya Clark at Mike.

"Dad, una na ako pupuntahan ko pa ang rancho". Si kuya Mike.

"Me too dad, pupuntahan ko pa ang bagong panganak na kambing".

Mag-kasabay na tumayo ang dalawa, tango lang ang naging tugon nang aking ama sa dalawa kong kapatid.

"Dad si mommy po?, Ako.

Instead, nag-pakawala si dad nang malalim na hininga at malungkot na tumingin sa akin.

"Don't worry about your mom, she's gonna be okay." Tugon ni dad sabay tapik sa aking balikat.

"I gotta go princess." Sabi ni dad sabay halik sa aking noo.

"Please, iho, take good care of my princess, bibisitahin ko lang ang mga pananim sa hacienda".
Si dad na nagmamadaling umalis.

Sinundan ko na lamang nang tingin ang papalayo kong ama. I remember the day, noong buhay pa si lola, this big house or may I say mansion was full of laughter and happiness before.

Hindi ko naubos ang aking pagkain, napa-sulyap ako sa taong katabi ko. Naka-igting ang panga nito habang kumakain.

"Rud, thank you for being there for me". Malungkot kong tugon dito.

"Its my pleasure Calla." Sagot nito sa akin habang pinupunasan nito ang gilid nang labi.

"I miss my mom, her smile, and the way she cared for us." Sabi ko sa malungkot pa rin na boses, bigla na namang tumulo ang masaganang luha mula sa aking mata.

"Hush-, I'm here baby, don't cry please." Concern na alo sa akin nang kaibigan, niyakap ako nito at isinandal ang aking ulo sa malalapad nitong dibdib.

Tahimik akong umiiyak sa dibdib nang kaibigan, maingat nitong hinaplos ang aking likod. Tiyak akong basa na nang luha ang t-shirt nito.

Ang alam ko lang ngayon ay mabigat ang aking pakiramdam at ang makitang malungkot si mommy ay parang punyal na tumatarak sa aking puso.

"Do you know where my mom is?" Tanong ko sa kaibigan, na bakas sa mukha nito ang concern sa akin.

"In her room, hanggang ngayon hindi pa rin siya kumakain".

Kumalas ako ng yakap rito at agad kong tinahak ang kwarto nina mommy, mabuti na lang at bukas ito, tahimik akong pumasok, at natagpuan ko ang aking ina, she's peacefully sleeping.

Nangingitim ang dalawang mata nito, nahahabag ako sa aking ina, nangangayayat na rin ito, nawala ang dating sigla nito. Maingat kong hinaplos ang makinis nitong mukha. I kissed her in her forehead then down to her cheeks.

"I love you mom, please mom, come back to us". Mahinang bulong niya rito.

"I really missed you, we missed you mom". Tahimik akong umiiyak, nilisan ko ang kwarto nito na may bigat sa dibdib.

Susunod sana sa akin si Rudy but pinili kong mapag-isa muna, nirespeto na man nito ang desisyon ko.

Pumunta ako sa kwadra para puntahan ang kabayo kung si Sapphire.

I want some fresh air, gusto ko munang mag-libang sa pamamagitan nang paglilibot sa buong Hacienda Janeiro. Naabutan ko si Mang Baste na nag-papakain sa mga kabayo.

"Mang Baste, pwede ko na po bang sakyan si Sapphire"?, tanong ko dito.
Napalingon na man ito sa akin at bumati.

"Magandang umaga po senyorita pwede na man po!".

"Magandang umaga rin po".

Agad na nilapitan ko si Sapphire, at hinimas-himas ko pa ang kulay puti kong kabayo.

Pinalabas ko muna sa kulungan ito at tinapik-tapik pa, mukha namang nagugustuhan nito ang aking pag-himas sa kanya.

Maingat akong sumampa kay sapphire. At pina-takbo ko na ito sa mabagal na paraan.

"Ingat po kayo senyorita."

"Opo salamat po."

Ang lawak nang hacienda nila daddy, may mga puno nang niyog, mangga, at iba pa, sa kabilang dako ay may mga bahay nang mga trabahador nang hacienda.

Nililipad nang malamig na hangin ang maalon at mahaba kong buhok, naipikit ko ang aking mata para samyuhin ang hatid ng sariwang hangin.

Tanaw ko dito ang mga taong nagta-trabaho sa mga pananim sa hindi kalayuan. Naisipan kong huminto sa may punong mangga, bumaba muna ako, saka ko itinali si Sapphire. Sumasakit na rin sa balat ang hatid nang sinag nang araw.

Chasing Him (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon