Kabanata 21

146 75 21
                                    

Bond
Kinaumagahan, nagising ako na maganda ang gising, mababait ang dalawang babaeng katiwala nang kapatid ko, I forgot their names.

But I do like the both of them, nine thirty ang open nang flowershop, tumutulong ako sa pag-aayos nang mga bulaklak sa lalagyan nang mga ito, sinasaway nila ako.

But still I insist, nag-eenjoy naman ako sa ginagawa, marami ring mga customer na bumili at nagpapadeliver.

Tumunog ang aking cellphone, hindi ko na tiningnan kung sinong tumawag, basta ko nalang ito sinagot.

"Yes hello."

"Nasaan ka sa baguio?" Salubong sa akin na tanong ni Kuya Mike.

Boses pa lang nito kilala ko na, naiimagine ko ang magkasalubong nitong kilay, at ang madilim nitong aura, naiiling na lamang ako dito.

"Magtatanong pa ako sa mga kasama ko dito, mamaya Kuya, itetext ko nalang sayo."

"Ngayon na." Utos nito sa akin, kunot noo naman akong nakikinig rito.

"Wait, I'm gonna ask them."

Sabi ko nalang, dahil tiyak akong hahaba pa ang usapan namin kung hindi ko ito susundin.

"Malapit sa country club village, hindi ka mapapagod na hanapin dito ang Lilrose Flowershop Kuya, dahil kilala ito dito." Saad ko dito.

Pinutol agad nito ang tawag. Muli ay hinarap ko ang aking ginagawa. Nang hindi sinasadyang masagi sa aking isipan ang problema nang kompanya namin.  Itinigil ko ang ginagawa at naupo sa upuan. Napahilot tuloy ako sa aking ulo.

"Mam Calla, may problema po ba." Tanong ni Ara sa akin. Ngumiti lang ako nang tipid dito at umiling.

"Nothing Ara, may naaalala lang ako."

Ngumiti itong muli sa akin at tinapik-tapik nito ang aking balikat, at nilisan na ako nito at pumunta sa garden.

Tinungo ko muna ang kwarto kung saan ako umuokopa, kinuha ko ang cellphone at idinial ang numero ni mommy, nagriring lang ito, hindi nito sinasagot ang kabilang linya. nagtataka tuloy ako, at nakarinig ako nang katok sa labas nang aking pintuan.

"Sino iyan?"

"Its me." Sagot naman ni Kuya Mike, medyo nagulat ako. Ang bilis naman ng mokong na ito.

Mabilis na binuksan ko ang pintuan nang kwarto, at walang sabi-sabing niyakap ako nito nang mahigpit, kahit gulat man ako sa ginawa nito, hinayaan ko lang ito.

At ikinulong nito ang aking magkabilang pisngi nang dalawa nitong palad, pinukol ko ito nang nagtatanong na mga mata, his stare was so tense na hindi ko yata matingnan nang diretso.

Ibinaling ko ang tingin sa bintana nang kwarto para mawala ang kabang hindi ko alam, ngunit pilit naman nitong hinuhuli ang aking tingin.

"Kuya ano ba!! Piksi ko na rito.

Hindi lang kasi ako komportable sa ginagawa nito. Bigla naman itong natauhan sa ginagawa at muli ay niyakap ako nito nang buong higpit, nagpaubaya nalang ako dito.

"Kuya, may problema ba?" Malumanay kong tanong rito.

"Hayaan mo muna akong yakapin ka, I'm leaving princess, aasikasuhin ko lang ang kompanya natin sa singapore." Saad nito sa akin.

Napakalas naman ako nang yakap dito, at tumitig sa mga mata nito.

"Biglaan naman yata Kuya." Saad ko dito.

"I need to." Malungkot nitong turan. Napanguso tuloy ako, mamimis ko talaga si Kuya.

"Ilang months ka doon kuya?"

"Depende sa sitwasyon princess, kung kailan mareresolba ang problema doon."

Hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha, inalo agad ako nito at mabilis na kinabig nang yakap, hinalikan ako nito sa aking noo, napapikit naman ako sa ginawa nito.

"Be good ha! Habang wala ako, no boyfriends." Saad naman nito, nagtataka naman akong napatitig dito.

"Over protective ka parin noh kuya, wag ka ngang OA." Nakangiti kong sabi dito.

"I'm serious, don't you dare, or I'm gonna wring their neck on my two bare hands."

Hindi ko alam kong seryoso si Kuya, pero natatawa talaga ako dito, mga bata pa lang kami, palagi nalang itong nagagalit sa twing may lumalapit sa akin noon, kaya nga si Rudy lang ang naging kaibigan ko noon, dahil matalik na magkaibigan sila ni Kuya.
Seryoso ang mababakas sa mukha nito, naiilang tuloy ako dito.

"Totoo ang sinasabi ko Calla." Maya-maya'y saad nito sa akin.

"And I believe you Kuya." Sagot ko nalang dito.

Para tila ngayon ko lang napansin ang panlalalim nang mga mata nito, wala sa sariling napahaplos ako sa mukha nito, para naman itong napapasong dumistansiya nang kaunti sa akin, nagtataka naman akong napatingin dito.

"Don't baka hindi ko na mapigilan."

"Anong ibig mong sabihin Kuya." Nagtataka kong tanong rito.

Bigla itong umiwas sa akin at nakita ko ang frustration sa mukha nito, napasabunot ito sa sariling buhok.

"Its nothing." Balewalang sabi nito at ngumiti lang sa akin na parang wala lang.

"Fix yourself, at may pupuntahan tayo." Sabi nito at muli ako nitong hinila para yakapin at halikang muli sa aking noo.

Hanggang ngayon, nalilito parin ako sa nararamdaman ko, alam kong mali ito, pero pwede ko ba itong maramdaman at may katugon din ba kaya ang nararamdaman ko kung sakali??

Nagpakawala ako nang malalim na hininga at tumitig sa gwapong mukha ni Kuya Mike. May chance kaya ako kung sakali, oh baka naman masaktan lang ako muli, mahirap magtiwala, lalo na kong alam mo mismo sa sarili mo na mahirap.

Kaya ko pa bang sumugal? Hangga't kaya ko pang pigilan ang nararamdaman ko, itatago ko ito, ako lang naman ang siyang nakakaalam, mabigat man but I know I can handle this, darating din ang araw na mawa-wala rin ito.

Nasundan ko na lamang ang likod nang aking kapatid. Isinara kong muli ang pintuan at sumandal, weird man, but I know I'm falling for my brother. Napahawak ako sa bandang puso ko at pinapakiramda-man, how come that it happen?

Tulala akong pumunta sa banyo at naligo, pagkatapos ay pumili na ako nang damit, I choose to wear some sweater at maong pants, at ginamit ko na rin ang rubber shoes ni ate, since magka-size lang kami, maginaw pa naman dito kahit nga summer.

Lumabas na ako at hinanap ang kapatid, nakita ko ito na may dalang bulaklak, nakangiti itong napatingin sa akin at ibinigay ang isang pumpon nang white roses, taos puso ko naman itong tinanggap at inamoy pa.

"Do you like it?" Tanong nito sa akin.

"Of course naman Kuya, syempre galing sayo eh—"  Sagot ko naman dito, napansin kong parang ngumiwi ito nang tinawag ko itong Kuya, pero baka guni-guni ko lang iyon.

"Mam Calla ang gwapo naman nang boyfriend niyo." Si Lourdes na kinikilig pa.

"Naku—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang hilahin na ako nito sa labas, gusto ko lang sanang itama ang sinasabi ni Lourdes.

"Excited Kuya!! Bulalas ko agad dito.

"Of course, I want to be with you this time." Saad nito.

At mabilis na pumasok sa kotse nito, ganon rin ako. At mabilis na pinaharurot nang takbo ang sarili nitong kotse.

Lihim kong kinapa ang sarili, hindi ko na yata naiisip si Gabriel, masaya ako pag kasama ko si Kuya, pero nalulungkot rin dahil sigurado akong matagal-tagal rin kaming hindi magkikita nito.

Isinandal ko nalang ang likod sa kotse nito at napasulyap dito, nahuli ko itong nakatitig sa akin, pinandilatan ko lang ito, pero ang totoo, ang lakas nang kabog nang dibdib ko.

"Ayusin mo ang pagdrive kuya, alam kong maganda ako."

"Wow!! yabang naman."  Natatawang saad nito sa akin.

Hoping that your enjoying this chapters, pls don't forget to votes, and comments. Thank you!

Chasing Him (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon