CHAPTER 1

5 3 0
                                    

Claine POV

Isa lang naman ako sa mga babaeng tanging hangad ay magkaroon ng tahimik,maayos at matiwasay na buhay.

Ako ay isang 2nd year college student.

Araw ng linggo at huling
araw na ito ng bakasyon dahil lunes na ang simula ng panibagong pasukan. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang rin naisipang bumili ng mga panibagong note book,papel,ballpen at iba pang gamit sa school..basta masyado ko lang kasi  in-enjoy ang bakasyon kaya ito ako naghahabol.

Maaga pa lang ay nag  desisyon na akong magayos ng sarili ko para makapunta ng mall at bumili ng mga panibagong gamit.

Pababa na ako ng hagdan at mula roon amoy na amoy ko na ang niluluto ni Mommy. Parang ginanahan tuloy ako.Masarap kasi talagang magluto si Mommy especially sinigang and adobo na special dishes nya talaga.
By the way nasa business trip kasi si Daddy ngayon kaya kaming dalawa lang ni Mommy ang nandito sa bahay.Yes, may kaya naman kami medyo malungkot nga lang kasi dalawa lang kaming anak at si Ate ay bumukod na, mas pinili nya kasi maging independent sa buhay bali nasa ibang bansa sya nag aaral ngayon pero syempre hindi rin naman matitiis nila Mommy at daddy si ate so pinadadalhan naman nila si ate at sa ayaw at gusto nya wala siyang magagawa.Super close kami ni Ate kaya nga nalulungkot ako kasi puro nalang kami Video Call pero okay na rin feeling ko masaya naman sya doon.

"Oh Claine,let's eat." Napangiti naman ako kay mommy at umupo.

"Uhm..Mom kaylan po pala ang uwi ni daddy by the way?" Tanong ko habang nagsasandok ng kanin.

"I think next week pa daw anak"Sagot ni mommy ramdam ko naman ang lungkot dahil Sure  na mi-miss nya na si Daddy.Ayiie.After kumain..lumabas na ako at kumuha ng taxi dala kasi ni Daddy ang kotse kaya wala akong choice.

"Saan po tayo Maam?"Tanong ni manong driver.

"Sa Mall po!"Sagot ko at saka Tingin sa bintana.Habang Nasa kalagitnaan kami ng traffic naisipan kong mag music na muna.Puro kasi busina ang naririnig ko.Hayss.Pero Napalingon ako sa bintana ng mapansin ko ang isang lalaking nakaupo sa passenger seat, mukang ka edad ko lang naman sya..Matangos ang ilong,Mistiso at ang pula ng labi. Agad akong napa-iwas ng tingin ng bigla nya akong lingunin.

"Love me like you do..la la— " para akong sira habang sinasabayan yung kanta.Pasimple ko naman ule sya nilingon at nakita kong nakangiti sya pero diretso na ule ang tingin nya.

"Nahuli nya kaya ako!?"tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya.

"Huh?Maam sino pong nahuli ?"nagulat naman ako ng biglang sumagot si Manong.

"Ah..eh wala po hehehe"Grabe tong traffic ka-stress.

Entering his worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon