Chapter 4

2 1 0
                                    

Claine POV

Nang matapos ang klase napagusapan namin ni Chloe na sabay kami uuwi.At dahil nauna kaming i-dismiss ako ngayon ang nagaantay dito sa hallway ng school sa may bandang gate.Tinext ko na siya. Sinabi naman niya na papunta na siya.

Panay ang tampal ko sa braso ko kasi feeling ko may lamok na kumakagat nito.Kani kanina pa kasi ako nandito.Quarter 7:00 na ng gabe at siguradong traffic pa.

Ngunit na agaw ng atensiyon ko ang isang lalakeng nakapamulsang naglalakad palabas ng gate.Agad akong nagiwas ng tingin ng bigla siyang lumingon sa gawi ko.
Nakaramdam tuloy ako ng kaba.Naalala ko kasi na siya yung lalakeng center of attraction kanina.

Kita kong huminto siya sa paglalakad at tinanaw pa ako ng mabuti.Napayuko nalang ako at umiwas sa tingin niya.

Maya maya pa nakatanggap ako ng text mula kau Chloe.

Cloe...
"Claine,una ka na mukang matatagalan pa ako dito eh,Mah ibibigay kasing mga handouts yung isa namin prof."

Agad kumunot ang noo ko sa text ni Chloe.Sa tagal kong nagantay eh mauuna rin pala ako.Pero ayus lang naman.

Agad ko rin siyang nireplayan.

"Ganun ba,osige magingat ka nalang pauwi ah."

At agad naman siyang nag reply.

Chloe...
"Sorry talaga claine..take care okay."

Tanging reply niya.Tinago ko na ule ang cellphone ko at saka nagangat ng tingin dun sa lalakeng nakapamulsa kaso wala na siya dun.

Agad akong nagpasiyang umalis na sa school. Nang makalabas agad akong nagpalinga linga para makahanap ng masasakyan.

Lilipat sana ako ng pwesto sa kabilang kalsada ng may dalawang maskulado at lasing na lalake ang lumapit saakin.

"Oh..ang ganda nito tol"usal ng isang lalake habang sinusuri ang kabuuan ko.

"Akin na lang to tol,paubaya muna sakin."usal naman ng isa.Napakunot ang noo ko at nagpapalit palit ng tingin sa kanilang dalawa.

Agad akong dinalaw ng kaba at takot dahil mukang hindi maganda ang nangyayari. Hindi rin ako makasigaw dahil nasa medyo madilim na parte ako ng kalye at bihira lang ang mga taong dumadaan.

"Miss pwede bang malaman pangalan mo?"ngingisi ngising usal nung isa.At dahil nga masyado na akong natatakot mabilis  na akong naglakad palayo pero hinarang pa rin nila ako.At ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko.

"S-Sandali.. padaanin niyo a-ako!"kinakabahang usal ko.Pero sabay lang silang tumawa.

"Ang ganda naman ng kutis mo miss." akmang hahawakan ang pisngi ko kaya agad akong umatras.

"L-Lumayo kayo sa a-akin!"natatakot na talaga
ako.Pero nagkatinginan silang dalawa at saka sabay na tumawa.

Nanginginig na ang mga binti ko sa takot at tila hindi ko na maigalaw ang katawan ko para makalayo sa kanila.Inaakma ko ring ihahampas ang bag ko sakanila.Pero patuloy pa rin sila sa paglapit saakin.Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko,napapikit na lang ako sa takot.Damn this situation!

Pero bigla kong iminulat ang mga mata ko ng makarinig ng isang malakas na suntok mula sa aking harapan at agad na napanganga sa dalawang lalake na  nakahandusay na sa lupa.

Nabigla ako sa nangyari at agad kong tinignan ang isang matangkad na lalake na nakatayo na sa harap ko.Nag angat ako ng tingin sa kanya at agad akong napanganga ng mamukaan ko siya.Yung lalake kanina.

Darn.I feel safe with him now.Agad akong napatayo.

"S-Salamat"naiiyak ng usal ko.

"Bat ang careless mo?" Bulong niya saakin.

Entering his worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon