Chapter 7

2 1 0
                                    

Claine POV

Tila hindi pa din maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Dion kanina.

Bakit sinasabi niya saakin toh?

"Yes she's my fiance but I don't even like her."

"Yes she's my fiance but I don't even like her."

Anong ibig niyang sabihin?
Hindi niya gusto ang mapapangasawa niya? This is so ridiculous. Like hindi naman pwedeng hindi niya mahal ang fiance niya or else may matinding dahilan ang lahat.

Teka...Come to think of it Claine hindi mo dapat pakielaman pa sila.

Bumalik kame ni Chloe sa second subject namin.Hindi ko na rin ikinuwento sa kanya ang mga nangyare baka kung ano nanaman ang isipin nun eh.

Buong subject akong wala sa sarili. It's so bothersome that I can't focus on what I was supposed to do.Hindi ko alam,sadyang hindi ko maifocus ang isip ko sa sinasabi ng lecturer namin.Hay..erase it on your mind Claine.

Matapos ang tatlong subject. Agad akong nagprepara para umuwi.Nakatanggap naman ako ng Text mula kay Chloe na hindi pa siya makakauwi at makakasabay saakin dahil may researching project sila,naintindihan ko naman yun at may ipinadala na si Mommy para magsundo saakin.

Habang naglalakad ako sa hallway tila may pumukaw ng atensiyon ko.May narinig akong boses na nagmumula sa palikong hallway at feeling ko nagaaway sila.

Mabilis kong sinilip kung sino ang mga ito.Hindi rin ako nahirapan dahil kitang kita agad sila kapag lumiko ka ng hallway.

Napatakip ako ng bibig sa gulat ng makitang si Ayesha at Dion ang nagaaway.

What's happening to that two?

Kitang kita ko ang pustura ni Ayesha,naka spaghetti top at denim skirt sya.She looks so beautiful.Matangkad,mistisa at magaling pagdating sa pormahan.I'm thinking how could Dion doesn't even like her?

"Come'on Dion we're getting married soon so can you just go with me to prepare for it?"ramdam ko na ang pagmamakaawa ni Ayesha pero alam kong di sya susuko.

"I told you Ayesha, I don't even like this marriage!"napipikon na sigaw ni Dion.

"But this is already settled and if dad's will know that you don't want to marry me-"

"Can you just shut the fuck up?!"

Napanganga ako sa sinabi ni Ayesha.Tama nga ko ipinagkasundo lang silang ipakasal.Now I know why Dion doesn't even like that marriage.Pero sa anong kadahilanan naman at balak silang ipagkasal? That
question was bothering me.Meron saakin gustong malaman yun.

Mabuti na lang nagsiuwian na ang ilang mga estudyante sa building na ito.

Pansamantala silang natahimik at tinititigan lang ni Ayesha si Dion na nakaiwas naman ng tingin at halatang naiirita.

"Come'on Dion,Let's go."sa pagkakataong ito hinawakan na ni Ayesha ang braso ni Dion.

Pero gulat ako ng biglang naglikha ng ingay ang nasanggi kong lata ng pintura kaya naman agad akong napatakip ng bibig at sa sobrang kaba na makita nila akong nakikinig sa pinaguusapan nila agad ko itong pinulot.

"Damn Claine!?"gulat na gulat si Dion ng makita ako.

Now I'm done.Darn it.What excuse should I'm going to say?

"K-kanina ka pa ba nandiyan?"gulat at titig na titig na tanong ni Dion saakin.

Hindi naman ako nakasagot.

"Fvck! Look narinig mo ba lahat ng pinaguusapan namin?"

Hinilamos ni Dion ang kanyang kamay.He title his neck and stare at me.

"Uh-rinig na rinig kase ang sigawan niyo-"
hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong hinawakan ni Dion sa braso at hinatak palayo doon.

Hind ko namalayang nakalabas na kami ng Campus at sumama ako sa kanya.

"D-dion si Ayesha ba't iniwan mo-"

Ramdam ko ang malakas ng kalabog ng aking dibdib.I don't  even know what's happening.

"Listen Claine I'm begging you.Ano man ang narinig mo pwede bang atin atin nalang."kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa.

Napakunot naman ako ng noo.

"O-oo naman."agad akong napatango at ngumiti ng puno pa din ng pagtataka.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin.
Nandito nga pala kame sa isang park.May mangilan ngilang tao na lang ang dumadaan.

Napahinga ako ng malalim at saka binasag ang katahimikan.

"Ngayon alam ko na kung bakit ayaw mong pakasalan si Ayesha."

Agad naman siyang bumuntong hininga at tumingin saakin.

"How did you know her name anyway?"tanong niya.Liningon ko siya pero agad siyang nagiwas ng tingin.

"Uh-basta.Hindi na mahalaga yun!"napangiwi ako at nagiwas din ng tingin.

"You heard that all right.Ipinagkasundo lang kame."mula sa pagkakausal ng mga salitang yon humugot siya ng malalim na hininga at saka ibinuga ito.

Tinignan ko siya ng nagtataka-look.Saka naglakas loob magsalita.

"Uhh..pwede ba ko magtanong?"

Nilingon niya ko at saka sya marahang tumango.

"Sure"

Entering his worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon