Puro tunog lang ng motor ang maririnig dito sa isang race track kung nasaan ako. Puro hiyawan ng mga taong criminal at mga makasalanan, they are all screaming like crazy, kanya-kanya silang sigaw kung sino ba ang sinusuportahan nila para sa drag race na to. Tangina halos ang naririnig kong sigaw eh puro pangalan lang ng mukhang unggoy na kalaban kong to. May pa kuskos-kuskos pa siya ng paa niya sa sahig. Eh nagmumukha siyang unggoy na may lahing manok.
"Woohhh! magsisimula na ang mainit na laban sa pagitan ng baguhan at ng ating hari dito!" Sigaw ng patpatin na MC ng drag race na to. Taena kunting ubo na lang liliparin na to eh. Tsaka hari pala tong kalaban ko hindi halata mas mukha siyang alipin.
"Sa bilang ng tatlo magsisimula na tayo ihanda niyo na din ang mga pusta niyo" tangina na e-excite ako.
"Isa!" lalo pang lumakas ang sigawan ng magsimula ng magbilang ang MC, sinimulan ko naman ng i-start ang engine ng motor ko at pinihit pihit ang manibela nito. Wala din akong helmet at kahit anong safety gear na suot.
"Dalawa!" lalo kong tinodo ang pagpihit sa manibela to the point na umuusok na yung tambotcho nito.
"Tat--" di ko na pinatapos ang sinabi ng MC at agad na akong umarangkada siguro nagulat sila sa ginawa ko panu ba naman yung kaninang sigawan nawala at para silang natameme na ewan.
Diretso lang ang tingin ko at chill na chill lang na nagmamaneho. Napalingon naman ako bigla sa right side ko ng bigla na lang sumulpot ang hangal na unngoy ma manok na to. Maypa ngiti ngiti pa siyang nalalaman eh yung ngipin niya parang ilang taon na di nasaan ng toothbrush.
"Hey baby" malandi niyang sabi kung hindi lang ako nagmamaneho kanina ko pa binangasan ang hinayupak na to tangena baby daw. Imbes na pansinin ay ngumisi na lang ako at tinodo ang pagmamaneho.
Puro sigawan pa din ang maririnig sa buong paligid hindi ba sila napapagod? nagulantang naman ang buong sistema ko ng bigla na lang muntikang matumba yung motor ko. Shit! sinusubukan niya bang patumbahin ako or maybe nagpapapansin tong hinayupak na to.
Dahil sa ginawa niya mas lalo akong naging alerto dahil sinubukan niyang sipain yung motor ko. Puta mabuti at naka over take ako.
"OH! Bat ka umiiwas!?" tanong niya sabay Halakhak. Putanginah! Imbes na pansinin siya ay i-pinagpatuloy ko na lang ang pagmamaneho at lalo pang binilisan. Pero ayaw paawat ng hinayupak na unggoy na t. Sinusubukan niya talagang patumbahin ako dito. Pero hindi ko naman hahayaan na mangyari yun.
Medyo hininaan ko ang andar ng motor ko at hinihintay siyang medyo lumapit I have a wonderful plan. Hindi nga ako nabigo at tuluyan na siyang lumapit pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung braso ko at pilit na pinilipit taena. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinabig ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
Pero agad akong umiwas sa kamao niyang puntirya ay ang mukha ko dinadaan niya sa dahas ang lahat sana sa boxing ring na lang kami naglaban kung suntukan din naman ang gusto niya. Dahil sa inis ay agad kong isinara ng mahigpit ang kamao ko at sinuntok siya sa mukha na ikinagulat ng lahat yung iba parang nagalit dahil bigla nila akong minura habang yung iba naman nah che-cheer pa.
Tss. Yan ang napapala ng mga hangal na tulad niya. Pagkatapos ko siyang suntukin sa mukha ay sinipa ko ng buong pwersa yung motor niya kaya halos tumilapon siya kung saan man.
Nang makabawi ako sakanya ay humarurot na ako dahil kunti na lang malapit na ako sa finish line. Ang then in just a snap of a finger ako nga ang nanalo. Bumaba na ako sa motor at kinuha yung bag ko pero napangisi ako bigla sa pagharap ko.
Well pinapalibutan lang naman ako ng mga mga tao dito. Someone's holding a knife, a gun, a piece of wood and some are baseball bats. Mga hangal anong problema nila? hindi ba nila matanggap na natalo yung unngoy na yun slash king daw nila dito. Eh wala palang binatbat yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/178430298-288-k295949.jpg)
YOU ARE READING
The 13 Campus Hearthrob and the Brat
Novela JuvenilThis story is kinda weird and funny. But I'll assure you you'll enjoy and love this srory.