UNANG YUGTO

5.2K 138 1
                                    




Abandoned. Unfortunate. Cursed. Pampalipas-oras. Panakip-butas. Pang-one-night stand. Pang- one time. Pang-kabit. Hindi seneseryoso at hindi dapat seryosohin. Kinakaibigan para mapakinabangan.

Kinamulatan ni Nyke ang ganitong trato ng lipunan sa pagkatao niya. Iyon bang buhay siya pero parang hindi. Nandiyan pero wala. Nakikita pero ayaw tingnan. Iniiwasan kasi marumi. Mabaho. Bulok. Walang ibang hatid kundi malas at kapahamakan.

Pero sa kabila ng mapanghusgang mga mata ng lipunan, natuto siyang tumayo sa sariling mga paa at tumagal sa buhay na hindi nakasandal sa

iba. Nahubog ang prinsipyo na huwag umasa sa mundo at sa proteksiyon ng ibang tao. Pagkat ang sarili niya ay obligasyon niya lang.

Narinig niya ang mga yabag ng papalapit na bantay ng kulungan. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa malamig na sahig ng selda at mahigpit na humawak sa mga rehas na bakal. It's funny how she gets used to this place. Parang kusina lang ng apartment niya.

"Ythanaika Andrada," tawag ng police.

"Ako po iyon, chief." Agap niya.

"Laya ka na." Sabi nito at binuksan ang kulungan.

Congratulations to her another breakthrough. Mabagal siyang naglakad palabas. May nagpiyansa ba sa kanya? Imposible. No one is stupid enough to bail her out. Kahit pa wala siyang kasalanan. Subok na niya kung paano maglaro ang hustisya sa mundo. Laging hindi patas. Umiiral lamang kapag mahihirap ang nasasakdal pero kung mayaman, bulag iyon at bingi. Nagkataong ang nakabangga niya kagabi ay hindi lamang mayaman at kilala sa lipunan, hawak din nito ang batas sa bayang iyon.

Inayos niya ang sarili at ang magulong buhok habang sumusunod sa police officer papunta ng front desk.

"Pumirma ka rito." Ini-umang nito ang logbook sa kanya.

Kinuha niya ang nakakabit na ballpen at pumirma.

"Ano iyan? Laya na?" Lumapit sa kanila ang isa sa mga kasamahan nitong officer na kagagaling lamang sa silid na nasa kabila.

"Oo, inosente daw, eh."

Inosente daw. She smiled bitterly. Tiniklop niya ang logbook pagkatapos pumirma at ibinalik sa opisyal. Pumihit siya at nasumpungan ang matatalim na titig ng apat na lalaking naghihintay sa kanya.

Apat. Exactly.

Rynn. Wayve. Rogue. Kreed. The broken-hearted heartbreakers.

"What are you doing here?" She asked coldly. Was it them? The bunch of stupid who bail here out?

Walang sumagot sa apat na kapwa nakaigting ang mga panga. Kunting sundot na lang at parang uumbagin na siya. Banas na nagmartsa siya palabas ng presinto. Sumunod sa kanya ang apat. Mistulang maiitim na apoy na nagliliyab sa kanyang likuran. Maintaining a considerable distance so as not to burn her alive.

Pagdating sa labas ay tumingala siya at lumanghap ng hangin. Gutom, pagod, inaantok, nanlalagkit. Gusto niyang makauwi na agad sa apartment niya. Napanguso siya nang matanaw na malayo pa mula roon ang sakayan.

"There's a car at the parking. We leave it to you to find it." Nagsalita si Rogue na pinipigil ang galit sa malamig at mababang tono.

"I can find my own car." Pabarang sagot niya at naglakad papuntang sakayan.

"Damn it, Ythanaika!" Angil ni Rynn na humarang sa daraanan niya.

"Just this once, Nyke. Stop being so stubborn." Ani Wayve na nanggagalaiti din.

"It's fucking useless arguing with her, guys. I told you." Lumapit sa kanya si Kreed at walang babalang kinarga siya na animo'y isang sakong bigas.

"Put me down, you asshole!" Pinagdadabog niya ang likod nito hanggang sa nakadama siya ng pagkahilo dahil sa pagpupumiglas.

Tagumpay siyang naipasok nito sa loob ng itim na Mercedes Benz. Agad naman siyang ikinulong nina Rogue at Wayve sa gitna ng mga ito. Habang mabilis na lumigid sa driver's seat si Rynn at sa tabi nito ay si Kreed na ngumisi sa kanya. Nang-aasar.

Nanlupaypay siya. Akala niya may lakas pa siyang makipagbasagan ng ulo sa mga lalaking ito. But her battle last night and these four jerks sticking up their noses to someone else's business is draining her to boot.

Humikab siya. Sa gutom at pagod. Bumigat ang takulap ng kanyang mga mata at tinangay siya patungo sa panandaliang katahimikan. Sa dimensiyon kungsaan hindi niya kailangan ng baluti para protektahan ang kanyang puso.


HEARTBREAKERS 01: BREAKING THE HEARTBREAKERS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon