Chapter 1

1K 45 0
                                    

Choice.

This is always Nyke's tough battle when it shouldn't be that hard because she has her freedom. The freedom to choose. The freedom to have a choice.

Pero sa labing-walong taon niya sa mundo, natanto niyang kahit may kalayaan siya, hindi niya basta-basta makakamtan ang buhay na pipiliin niya.

Na kahit may kalayaan siyang piliin ang katotohanan, hindi pa rin niya maiwasang magsinungaling.

Kahit gusto niyang sumaya, kailangan niya munang masaktan. Dahil ang nakapaligid sa kanya ay ganoon din ang ipinaglalaban.

Kalayaan at kaligayahan sa gitna ng hindi patas na sistema ng kapalaran.

Nag-angat siya ng tingin at pinahid ang mga luha. Saglit niyang tinitigan si Samuel na nakayuko at nakaigting ang mga panga.

Mula sa ama ay nilipat niya ang mga mata kay Bitrizia na matigas ang mukhang naghihintay ng kanyang sagot. Beside the old woman is Faye Tang. Praying for her downfall.

Mukhang kabado din ang babae sa kabila ng kumpiyansa sa sarili pero nasa mga mata ang inaasahang tagumpay.

Huli niyang binalingan si Rynn. His eyes were sharp and dark. In between the darkness is a shadow of fear and uncertainty.

Nadudurog ang puso niya habang nakikita ang takot na iyon sa mga mata ng binata. Hindi ito dapat makaramdam ng ganoon. He is a ruler. An emperor. He has the control over the life and death of his people.

Huminga siya ng malalim at mahigpit na pinagsalikop ang mga kamay sa kanyang kandungan.

"Nai, alam ko po na hinahangad ninyo kung anong makabubuti sa pamilyang ito. Kung ang pagmamahal ko kay Rynn ay makakasira sa ating lahat, nakahanda po akong umalis. Pero hindi ko po siya hihiwalayan. Hindi ko po isusuko si Rynn." Matapang niyang pahayag.

This is her choice and whatever happens, she is going to fight for it.

Sumulyap siya kay Rynn na napamura ng mahina at yumukyok sa pagkakaupo. She even caught when a tear fell from his eyes.

He must have been expecting that she would gave up on him. Hindi niya ito masisisi kung ganoon ang iniisip. Wala pa siyang napatutunayan para bigyan ng seguridad ang pagmamahal nito sa kanya. Ito lagi ang lumalaban para sa kanya.

"Kahit na umalis ka, bahagi ka pa rin ng pamilyang ito. May mga katibayang nag-uugnay sa iyo rito. Kaya hindi pwede ang relasyon ninyo ni Rynn." Sagot ni Bitrizia sa mariing pagsasalita.

"Nainai, that's enough. She already give you her answer." Sumingit si Rynn.

"That is not for you to decide." Masungit na bato ng matanda sa apo. "Haven't you even considered that you have a fiancée in China waiting for you?"

Tumingin ang binata kay Faye at napailing na lamang. Samuel stood up and went to him. Gently tapped his shoulder. A signal to refrain.

Faye is looking at her full of so much hatred now. The anticipation of victory is gone.

Pero hindi siya nagpapaapekto. Tumikhim siya para maibalik sa kanya ang atensiyon ng lahat.

"Hihilingin ko po kay daddy na ipawalang-bisa ang adoption papers." Malungkot niyang tiningnan ang ama.

Tumango si Samuel. Saglit siyang yumuko. Wala sa kanilang apat ang nasa madaling posisyon ngayon.

Bitrizia is fighting for the reputation of the family and preserving the tradition to expand the empire for the next generation.

HEARTBREAKERS 01: BREAKING THE HEARTBREAKERS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon