Chapter 2

910 47 0
                                    

Nang sumunod na araw pagkatapos ng klase ni Nyke ay nakaabang sa kanya sa labas ng pamantasan si Samuel.

Kaninang tanghali ay tumawag ito sa kanya at niyaya siya ng hapunan sa labas. Humalik siya sa pisngi ng ama at nagmano rito. He is her real father. Unti-unti na 'yong nag-sink in sa kanya. Pero hindi pa rin niya mahimay ang nararamdaman pagkatapos ng lahat.

"How's your day?" Tanong nito habang nagmamaneho.

"Okay lang naman po." Sagot niya at ngumiti ng tipid.

Tumango ito. "Pupunta si Rynn sa hotel mamaya. Baka isasama niya ang mga kapatid mo dati sa ampunan. Sina Nico at Bryan."

"Talaga po? Saan sila nagkita?"

Tumawa ito. "Hindi ba nasabi ni Rynn na nagtatrabaho sa kanya ang dalawang iyon? He hired them after graduation."

"Abala po si Rynn, baka nakalimutan lang niyang sabihin sa akin." Napangiti siya. But the surprise is very evident in her voice. Kumusta na kaya ang iba? Kapag may oras, bibisita siya sa ampunan.

Samuel brought her to a Chinese restaurant. Agad silang sinalubong ng isa sa mga crew at iginiya sa VIP room na pinareserba nito.

Ramdam niya ang ligalig ng ama. Kaya kahit marami siyang gustong itanong ay pinili niyang tumahimik na lamang. Masasagot din naman siguro ang mga tanong niya mamaya kapag nagsimula na itong magpaliwanag. Iyon naman ang dahilan kaya nandito sila.

"Nabusog ka ba?" Tanong nito pagkatapos niyang ubusin ang potato pudding para sa dessert.

Tumango siya. Halos nasimot niya lahat ng inorder nito para sa kanya. Nagpunas siya ng table napkin sa bibig matapos inumin ang apple juice.

"You had your mother's eyes. Very charming." Napalunok ito at hindi naikubli ang paglatay ng pait sa mga mata. "Your mother was a mistress of a wealthy businessman when I met her in Boracay. She was doing a commercial shoot. I was completely taken, then. Para akong baliw na sinusundan-sundan siya buong araw hanggang sa napansin niya ako."

"Naging kayo po ba ni Mama?" Sinalinan niya ng wine ang crystal glass nito.

"I don't really know. Baka ako lang ang nag-iisip na kami. We dated several times. In between those dates, doon ka nabuo. Pero hindi niya sinabi sa akin. Nasa China na ako nang malaman kong nanganak siya. Nakilala ko na rin noon ang ina ni Rynn." Dinampot nito ang baso at nilagok ang laman.

"Totoo po bang masamang babae si Mama? Pati ba kayo iyon din ang tingin sa kanya?" Nag-ulap ang mga mata niya sa naiisip.

"Maaring nagkamali ang iyong ina sa mga pinili niyang desisyon sa buhay. Pero hindi siya masama. You were born because she is a good woman. She chose to have you over her career because she is a good mother. Sa tingin mo ba mamahalin ko siya kung isa siyang masamang babae?"

Tumango siya kasabay ng pagpatak ng mga luha. Alam niya iyon. Kaya nga sa kabila ng panghuhusga ng lipunan ay nanatili ang paniniwala niya sa kabutihan ng kanyang ina. Kahit na kailan ay hindi niya ipagkakaila na anak siya nito gaano man ito karumi sa paningin ng mga tao. Nakakagaan sa pakiramdam na bukod sa kanya may ibang naniniwala kung anong pinaniniwalaan niya.

"Nagkasakit po siya. Alam nyo po ba iyon?" Kinuha niya ang panyo na iniabot ng ama.

"Alam ko. Pinagamot ko siya. But her illness was in stage four. There's no remedy. Noong namatay siya ay kukunin sana kita pero ayaw kang ibigay sa akin ng tiyahin mo. Sinubukan kong bigyan ka ng sustento. Hindi rin iyon tinanggap ni Mailyn. Later that year, nalaman kong tinakot siya ng pamilya ko kaya niya tinanggihan lahat ng tulong."

HEARTBREAKERS 01: BREAKING THE HEARTBREAKERS ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon