Kabanata 1
Meos
Naabutan ni Meos ang mga kaibigan na nagpupulong sa sala ng bahay kinaumagahan. Nasa kalagitnaan pa siya pababa sa hagdan ay rinig na rinig na niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Napailing siya at inalala ang nangyari kagabi.
Bakit nga ba siya pumayag sa kalokohan ng mga ito? Dare? At sa kasamaang palad ay siya pa ang unang natapatan ng masamang bote na ipinahamak siya. Kung hindi rin naman siya kalahating-tanga ay sana hindi siya nag-iisip sa kung anong posibleng bagay na ipapagawa sa kaniya ng mga kaibigan.
Siguro ipapagawa ng mga ito sa kaniya ay ang simpleng pagkuha ng number ng crush niya. O, pwede rin naman na ayain niya ng date ang lalaking habol nang habol sa kaniya. Malapit na rin naman ang Puso Day kaya siguro konektado roon ang ipapagawa ng mga kaibigan niya.
Pero, hindi rin. Dise-nueve na siya para roon.
"May naisip na ba kayong dare?" Tanong niya nang makalapit sa mga ito na kaniya-kaniyang upo sa sahig. Napatingin siya sa malawak na sofa na ni isa man lang sa kanila ay walang umuukupa. Buntong-hininga na umupo siya sa malawak na upuan. "So?"
Naunang magsalita si Heleria. "Wala pa pero, may list of possible dares na kami na pinagpipilian, 'di ba?" She said and looked at the three girls who nodded their head at Heleria.
"Anyway," simula ni Sari. Naka-indian sit ito sa sahig habang may chips na nakalagay sa maputi at mahaba nitong hita. "Alam niyo na na ang bagong balita na kumakalat ngayon sa village?" Tanong nito at ngumuya. Sabay-sabay tumango ang tatlo maliban sa kaniya.
Kunot ang noo na tiningnan siya ni Hiraya. "Hindi mo alam?"
Napairap siya. "Hindi ako tumango kaya, hindi."
Bigla naman tumayo ang isa sa kanila, si Demona na laging may nakapaskil na ngiti sa labi. "May kukuhanin lang ako," tinuro nito ang pintuan papunta sa kusina.
Tumango siya. "Sige, layas."
Nang makaalis ito ay saka niya isa-isang tiningnan ang mga kaibigan na may kaniya-kaniyang mundo. Si Sari, ngumunguya ng chips. Si Hiraya at Heleria na ngayon ay nakatutok ang mga mata sa cellphone.
Tumaas ang kilay niya sa nasasaksihan. Ilang taon na nga ulit niyang kasama ang mga ito sa bahay? Isa? Dalawa? Hindi. Siyam na buwan pa pala. Sa loob ng siyam na buwan na iyon ay hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang muntikan mapahamak dahil sa mga kalokohang taglay na nadadamay lang naman siya.
Kapag tatanggi siya? Sasabihin ng mga ito na, 'Kill joy, Meos. Kill joy.'
At dahil ayaw niyang patayin ang kasiyahan ng mga ito ay sumasama na siya. Hindi naman siya nagr-reklamo na dahil nakakaramdam din siya ng saya tuwing kasama ang mga ito.
"Mr. Darius Hale, may-ari 'yon ng mansion na nasa dulo ng village na 'to, 'di ba?" Napatingin siya kay Heleria. "Iyon 'yong kumakalat na balita ngayon sa village. Kakalibing pa raw niya kahapon," nagkibit-balikat ito. "Mukha namang hindi kapani-paniwala. Ni hindi nga nabalitaan kung nagpalamay ba ang pamilya nito," umiling-iling ito ngunit nasa cellphone pa rin naman ang atensiyon. "Kawawa. Hindi man lang naabutan ng pamilya ang huling hantungan nito."
Sa ikalawang pagkakataon sa umagang ito, umirap siya. "Drama. Hindi mo naman kamag-anak ang namatay."
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Siyempre, ka-village natin 'yon. Hindi natin alam kung nabigyan ba ito ng desenteng libing o baka itinapon lang kung saan ang bangkay niya."
"Heleria," rinig niyang saway ni Sari. "Tumahimik ka nga. Nananahimik ang patay at kung anu-ano pang teorya ang pumapasok sa isipan mo."
"Duh, I was just telling you all what's on my mind."
BINABASA MO ANG
Casket in the Backyard
VampireThe death of the president of Dark Village exploded like a bomb. People were shocked upon learning Darius Hale death, and many of them wanted to know if he was given a proper burial so, Meos Monroe and friends came up with a plan. A dare which chan...