Kabanata 5

2.7K 102 1
                                    

Kabanata 5

Esmee

Nang makarating siya sa taas, dalawang pinto lamang ang naroon. Kulay itim at pula. Pinagmasdan niya ang paligid at katulad sa ibaba, madilim din ngunit may liwanag na nakatakas mula sa sikat ng araw. May malalaking kurtina rin ang mga bintana na aakalain mong alerdye ang mga tao rito sa sinag ng araw.

Napalingon siya sa kaliwa niyang banda nang may maramdamang presensiya. At doon, nakita niya ang bata sa gitna ng pasilyo na matiim na pinagmamasdan siya.

Ngumiti siya. "Hi," bati niya.

Hindi ito ngumiti pabalik. Nanatili lang itong nakatayo at pinagmamasdan siya.

Nauwi sa ngiwi ang ngiti niya. Bakit ang hilig manitig ng mga tao rito sa mansiyon? Wala naman siyang ginawang kasalanan sa mga ito kaya nakakapagtaka lang. At ang kinababahala niya ay baka mahalata sa kaniya na may balak siya kaya nandito siya sa loob ng mansiyon.

Lihim siyang napabuntong-hininga. Hangga't hindi pa siya gumagawa ng hakbang, hindi siya nito pagdududahan at papaalisin. Maliban na lamang kung may makakaalam sa kung anuman ang kaniyang iniisip.

Tiningnan niya ulit ang bata. Ganoon pa rin ito sa kaniya, nakatitig.

Ngumiti ulit siya. Hindi katulad kanina, nilakihan pa niya ang ngiti at masigla ang boses na bumati ulit.

Ngunit wala pa ring epekto iyon sa bata.

Bumagsak ang balikat ng dalaga. Paano ba magpagaan ng loob ng isang bata? Wala siyang karanasan sa bagay na iyon.

Tipid na lamang niya itong nginitian at tumalikod. Nakakahakbang pa lang siya ng isa ay biglang nagsalita ang bata na kanina lamang ay tahimik na pinagmamasdan siya.

"What's your name?"

Natigilan siya. Ang malamig nitong boses ay sapat na para tumayo ang balahibo niya sa batok. Napahawak siya roon at humarap ulit dito.

"Meos Monroe," sagot niya. "Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Esmee... Desmerald Hale."

Natigilan na naman siya.

Hale.

How is she related to the late Mr. Darius Hale?

Gusto niya itong tanungin ngunit naalala niyang bata ang kaharap niya. Ayaw niya naman banggitin sa harap nito na wala na si Darius Hale na ngayon ay isang estranghero pa rin sa kaniya. Estranghero pero kailangan niyang malaman kung nabigyan ba ito ng maayos na libing o hindi.

Wala naman siyang mahihita kung malalaman niya iyon.

"How old are you?" Tanong ulit niya.

The kid titled her head as if deciding if she will answer her question or not.

Napangiti siya nang iangat nito ang kanang kamay at ipinakita ang buong palad.

"Five," tipid nitong sagot at ibinaba ang kamay saka mabilis na tumalikod. Hindi pa rin nawala ang ngiti niya nang nilapitan niya ang bata at kinalabit sa balikat.

Mabilis naman ulit itong humarap sa kaniya.

Lumuhod siya sa harap nito at hinawakan ang dalawang kamay. "Do you want to play?"

"Hide and seek?"

Umiling siya. "No. Dolls?"

Napasimangot ito. "I want to but, he will get mad if someone enter his room."

Kumunot ang kaniyang noo. "Who's he?"

"He..." hindi pa nito natatapos ang sagot ay mabilis nitong binawi ang kamay sa kaniya at tumakbo. Pumasok sa kulay itim na pintuan na kaharap lang ng kaniya. Ilang segundo siyang natulala roon hanggang sa makarinig ng yabag palapit sa kaniya.

Casket in the BackyardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon