Kabanata 4
Death
"Kumain ka na." Napaigtad siya sa kinauupuan nang biglang may magsalita malapit sa pintuan. Nang inangat niya ang tingin ay nakita niya ang babae kanina na masama ang tingin sa kaniya habang may bitbit itong tray. Inirapan siya nito at nagtungo sa maliit na mesa at inilapag doon ang dala. "Kung ako lang ang masusunod ay pinalagyan ko ng lason na nakakamatay iyang pagkain mo para wala ng problema."
Umirap ulit ito sa kaniya. "Huwag kang gagawa ng ikakagalit ko, babae. Wala kang ideya kung anong kapahamakan ang pinasok mo," she tsked. "Mga tao nga naman. Hindi iniisip ang kahihinatnan ng gagawing kilos."
Hinayaan niya itong magsalita nang magsalita. Wala rin naman saysay kung maglalahad siya ng opiniyon dito lalo na at ramdam niyang hindi siya gusto ng babae at ganoon din naman siya rito. Kailangan niyang magpanggap na wala siyang ibang intensiyon dito sa loob ng mansiyon para hindi siya pagdudahan at paalisin.
Ang iniisip niya ay ang hamon.
"Mamaya ay may magdadala rito ng damit na masusuot mo. Kung gusto mo maligo, may banyo riyan," may itinuro ito sa bandang kanan. Sinundan naman niya ito ng tingin at napakunot ang noo.
Nagtatanong na tiningnan niya ito. "Nasaan diyan?"
Sa hindi niya mabilang na pagkakataon, inirapan na naman siya nito bago naglakad patungo sa itinuro. May tinulak ito doon at tumambad nga ang sinasabi nito. Kasing-kulay ito ng pader at wala man lang busol kaya hindi niya alam na may pinto pa pala roon.
"Ito, kita mo na?" Sarkastiko nitong saad sa kaniya. "Mamamatay ka na nga lang, dagdag perwesiyo ka pa. Pabigat talaga ang mga katulad mo."
Gusto niya itong sagutin pabalik ngunit nang maalala ang lihim niyang plano, pinakalma niya ang sarili at pilit na ngumiti na nauwi naman sa ngiwi nang makitang nakatitig ito sa kaniya na animo'y pinakiramdaman siya.
Ngunit ganoon pa rin ang tingin nito sa kaniya, masama na para bang may gagawin siya rito.
"Mamamatay ka," walang pakundangan nitong sabi at umalis sa silid.
Napapantastikuhang tiningnan niya ang nilabasan nitong pinto.
Nababaliw na ba siya? How could she uttered such statement.
Nilapitan na lang niya ang pagkain at nagsimulang kumain. Pagkatapos ay saka naman may kumatok at pumasok sa silid niya. Walang imik na inilapag nito ang paper bag na dala sa kama at umalis ng walang sabi.
Kibit-balikat na kinuha niya ito at tiningnan. As expected, the things inside are clothes.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis, nakatayo ngayon si Meos sa harap ng pintuan ng silid. Kasalukuyang naglalaban ang utak niya kung pipihitin ba niya ang busol para makalabas o hindi. Inip na inip na siya sa loob at gusto niyang makalanghap ng hangin.
Napakagat-labi siya.
Susundin ko ba ang sinabi ng doktor? Tanong niya sa sarili. Napagtanto niya na hindi naman masama hindi maging masunurin kaya dahan-dahang umangat ang kaniyang kamay sa busol at pinihit ito pabukas.
Napabuga siya ng hangin at bahagyang sumilip doon. Nang makitang walang tao, maingat na inihakbang niya ang paa palabas at tahimik na isinara ang pinto.
Inilibot niya ang paningin ngunit purong madilim na bahagi ang nakikita niya. May kaunting liwanag na nakasilip mula sa bintana at sapat na iyon para makita ang kaniyang nilalakaran.
"Kailangan na natin siyang ilabas dito hangga't maaga pa," nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses na pamilyar sa kaniya. Ito ang boses ng lalaki kanina na nakita niyang may suot ng white plain tee-shirt. Para hindi makita, kaagad siyang nagkubli sa kulay itim at malaking kurtina na nasa gilid niya.
BINABASA MO ANG
Casket in the Backyard
VampireThe death of the president of Dark Village exploded like a bomb. People were shocked upon learning Darius Hale death, and many of them wanted to know if he was given a proper burial so, Meos Monroe and friends came up with a plan. A dare which chan...