thirty-two. ♥ Love hurts. <\3

2K 39 26
                                    

Hello readers! Musta kayo? Take care and God bless guys! :*

Must enjoy reading! Mwuahh!

Like - Comment - Vote - Be my fan

____________________

THE NEXT DAY:

Kathryn Povs

Hindi kami nagtagpo ulit ni Dj 'nun kahapon. Umuwi na ako kaagad pagkatapos nung nag-usap kami ni Nikka.

Sa totoo lang, triple badtrip nga ako kahapon eh.

Yung pagrereklamo ni Dj

Yung hindi man niya lang ako sinundan o hinanap

Ng dahil sa bwisit na ex pala ni Dj na si Nikka.

Kapal ng mukha niya. Sa bagay, toys naman talaga yung face niya eh. Hahaha!

Nandito ako ngayon sa desk ko, minudmod ko mukha ko sa desk ko. Hindi kami sabay ni Dj ngayon dahil nga away kami. Diba?

Recess time na namin, kaso pinauna ko na sila Julia doon sa canteen.

Gusto kong mapag-isa.

Nakita ko kanina mukha ni Dj kaso di ko lang siya pinansin.

Tss. Pake ko sa kanya?

Walang hiya siya!

"Are you sleepy?" Naputol naman ang pag-eemote ko ng narinig ko ang boses niya behind my back.

Takte naman oh! Anong ginagawa niya dito?

Hindi ko siya sinagot.

"Hayy. Kailan mo ba ako kakausapin?" Tanong niya sa akin. "Okay fine, sorry kahapon dahil sa inasal ko. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yun eh. Sorry dahil masyado akong naging reklamador kahapon. Hindi ko lang talaga naisip kahapon na makasarili naman pala ako. Please, patawarin mo na ako Kath. Please? Di ko kayang mawala ka dahil sa salitang 'yun. Kath, please patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita." Dagdag pa niya.

Natahimik ako.

Hindi lang naman ako doon galit eh, pati na rin sa gaga mong toy.

Di mo rin ba naisip na gusto ko lang na magquality time tayo?

Sa bagay, wala ka naman yatang pakialam sa paligid mo eh.

Hinayaan ko siyang magsalita, hindi ako sumagot o tumingin man lang sa kanya.

Nakamudmod parin yung ulo ko sa desk at nakapikit.

Di naman niya makikita mukha ko kasi nakaharang ang mahaba kong buhok eh.

"Kathryn. Please? Patawarin mo na ako. Sorry." Niyugyog niya ako.

Bahala siya jan.

"Hi Dj!" Nainis naman ako ng narinig ko ang boses ni Nikka.

What the fuck?! Anong ginagawa niya dito?

Oh holy shit!

"N-Nikka?!" Boses 'yun ni Dj na parang gulat na gulat rin siya sa nakita niya.

Bahala na, di pa rin ako gumagalaw at kumikibo.

Bahala silang mag-usap.

"Well, It's me. I missed you." Narinig ko yung boses ni Nikka na parang inaakit niya si Dj.

Oh shit.

Hindi 'to pwede.

Agad akong gumawa ng paraan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Chance For Love. ♥ | KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon