Chapter 1- CatDog

28 3 0
                                    

Cheska
======

May bespren akong playboy.

Bakit ko siya bespren? Nakalimutan ko na.

Bakit siya playboy? Hindi ko rin alam eh.

* * * *

Unang araw ng intramurals sa paaralan namin, ang Danford University. Naka upo ako ngayon sa bleachers habang chini-cheer ang bespren kong si Drake. May laban siya against 3-A sa badminton men. Isang puntos nalang nga ay mananalo na ang seksyon namin.

"Go bespreeeen!" Sigaw ko. Pero mas nakaka-bingi pa din yung sigaw ng mga fans niya. Kung palakasan siguro ng sigaw ng fans ang laro, champion na si Drake.

Ganito kasi 'yon. Bukod kay Regner Daniel, siya yung isa pang parang heartthrob ng unibersidad. Tapos sa lahat ng babae sa batch namin, lima nalang ang hindi pa niya nagiging girlfriend.

Una, ako. Dahil bespren nga diba? Parang si Drake na yung kuya na I never had. So parang incest pag naging kami.

Pangalawa, yung transferee na imported na kaklase din namin. Bakit? Kasi may boypren na. At yung boypren niya naman ay si KC da model. Opo, marami pong taga Danford ang mga model. Saka binawalan ko si Drake na agawin yung imported na girl, kaya ayun.

Pangatlo, si Yel. Si Maryel Erika Danford. Naging classmate na namin siya ni Drake for nine years and ngayon lang namin nalaman na yun pala ang pangalan niya. Kasi nga, before, nag di-disguise siya as a nerd pero itong bitch of the batch na si Magdugo este McBlood na pala, ibinunyag ang kaniyang sikreto.

Pang-apat at lima, ang bitches of the batch: sina Michelle Wuord of Class D at si Liannah Magdugo—este Mcblood na pala— of Class B.

Playboy si Drake. Pero pag binawalan ko siya sa isang bagay, sumusunod yan. Kasi pag hindi, isusumbong ko siya sa daddy niya na boss namin ni mama.

Si mama ang personal chef ng mga Guzman. I repeat 'personal chef' hindi maid lang na tagaluto. At ako, since doon na din kami nakatira sa mansion nila, at may konti akong talino, ako ang tutor ni Drake. Five years old palang ako tinataguyod ko na tong si Drake sa kanyang studies buti nalang nga at cooperative siya.

"In! 3-B moves on to semi-finals. Congratulations!" Sabi nung announcer.

Nagtatatalon at nagsisisigaw yung mga katabi ko dahil nanalo kami! Most importantly si bes ko nanalo!

I grabbed his sports bag tapos lumapit ako sa kanya. Yayapusin ko sana siya kaya lang basa siya ng pawis kaya nahinto ako sa harap niya.

"Hoy, Ches-not, aakapin ma ba ako hindi?" Drake opened his arms para akapin ako pero umiling lang ako.

"Ayoko, basa ka ng pawis. Oh," initsahan ko siya ng tuwalya para pamunas.

"Ayoko din neto. Halika ka nga dito, Ches-not!" At ayun hinug niya ako.

"Ew! Wag kanga. Basa ka ng pawis!"

"Arte nito. Ches-not talaga, tsk." Aba at may gana pa siyang magtampo. By the way, Ches-not ang tawag niya sakin dahil ang pangalan ko is Cheska at wala daw akong chest kaya Ches-not. Gago talaga. Meron namang konting laman.

Swerte ba ako na bespren ko 'tong gagong to? Oo at hindi. Oo, kasi kahit papano may kaibigan ako (take note, gwapo pa), may trabaho at may natitirhan kami ni mama after what happened. Hindi, dahil ayaw sakin ng mga madlang girls at pagirls. Pangit akish; oily face, morena, pangit manamit, frizzy hair, naka salamin, pero medyo matangkad.

"Hoy, babaero, ililibre mo pa ako ng lunch!" Hinabol ko siya dahil nauna na siya papunta sa cafeteria.

He shouldered his bag and faced me habang naka cross arms.

Bespren kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon