Chapter 2- Kiss your Princess

8 2 0
                                    

Nagising ako ng madaling araw nung may narinig akong kalabog.

Lumabas ako at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Mr. Guzman na nasa counter habang mina-masahe ang kanyang nakakunot na noo.

"Mr. Guzman, coffee po?" Tumingin siya sakin at ngumiti. Kahit may pinoproblema nakakaya pa rin ngumiti ni boss!

"Sure. Prepare me something to eat while you're at it. Dalhin mo nalang sa office ko, dear. Thanks." Sabi niya at lumabas na ng kusina. Let me make it clear ha, I'm not a maid in Guzman household. Nagkataon lang na ako yung nagising. Hehe.

Nilagay ko na yung food sa tray at dinala sa office ni Mr. Guzman. Pagkalapag ko nun sa lamesa, sinabihan niya ako na tawagin si Drake. Nako, patay.

"Eh, Mr. Guzman-"

"Ano ka ba, Cheska. Para namang hindi tayo close, tito nalang,"

"Ah, hehe, t-tito, umalis po si Drake kanina eh. May bibilhin daw po. Ewan ko lang po kung andyan na siya." Tangna, sinungaling ka Cheska Adrianne Torres. You know too well kung na saan si Drake.

"Sige, go check."

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at nag text kay Drake.

To: Drakola

Hoy and2 na daddy mo. Uwi na dali! Sabi ko my bnili ka kaya myt as well buy sumting

Sent 1:34AM

*

From: Drakola

Walanjo ka sabi mo nxt wk pa? Omw

Received 1:39AM

*

Mabuti naman. Sinabi ko narin kay Mr. Guzman na pauwi na yung anak niya at bumalik na ako sa tulog.

* * * *

"Sunog!" Sigaw ko.

Hep hep, wala talagang sunog. Trip lang namin ni Drake yan na pag may madadaanan kaming tao na umiihi sa pader, sisigaw kami ng sunog.

Ang Danford University ay mga thirty minutes away from Camelle Homes. Kaya sa buong biyah eh pine-peste ako ni Drake tungkol dun sa kagabi na dinistorbo ko daw sila nung babae niya. Pucha, ako pa yung sinisisi bakit daw sinabi ko na next week pa yung uwi nung tatay niya. Malay ko ba na mapapa-aga yun ng uwi, diba?

Tahimik lang ako buong biyahe dahil inaantok pa ako. Kinulang yung tulog ko dahil mga alas tres palang, gising na gising na ako.

Diba sabi ko kay Mr. Guzman na may binili lang si Drake? May binili nga siya. Pang prank sakin.

Mahimbing akong natutulog nun, mga twenty minutes simula noong pag-kausap ko kay Mr. Guz—tito. Tapos na-feel ko na parang may something tumitibok sa may ulunan ko. Akala ko nung una pulso ko lang sa ulo pero nung medyo tumagal hinawakan ko...

SHIT BA'T ANG DULAS?!

"AAAAAHH!! EW! EWWWW!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

"PAKYU DRAKE OLAVIO GUZMAN!"

Pumunta si Drake sa may bintana at initsa ang palaka. Idinikit niya yun sa may mukha ko kadiri! So pumunta ako sa banyo para mag hilamos.

Pag labas ko, naka upo si Drake sa kama ko at bumubungisngis ng tawa. Paglapit ko, at hindi niya napansin, nakita ko na pinapanood nya yung video nung kanina. Leche, siraulo talaga 'tong isang 'to.

"PAPATAYIN KITANG WALANG HIYA KAAA!!" Sigaw ko kay Drake at sinakal siya. Natatawa parin ang ulol habang sinasakal.

"Hoy anyare dito?!" Sigaw ni tito. Binitawan ko si Drake at ipinaliwanag kay tito ang ginawa niya.

"Olavio, cellphone mo. Dali!" Halos magkandarapa naman si Drake sa pagbigay nung phone niya. Maya-maya pa...

"BWAHAHAHAHA LANGYA HAHAHAHA!!!"

Ayon, pinagtulungan ako nung mag ama. Bigla namang pumasok si mama sa kwarto na may worried face-confused face-nagpipigil tawa face.

"HAHAHAHA sorry nak... pero kasi... HAHAHAHA!"

"Che kayo sinu-suportahan niyo pa yung kauutuan niyang ulol na 'yan!" And then nag walk out ako at umakyat sa attic.

Pambihira, ako na 'yung nabiktima eh. Pati pa ba naman si mama? MGA KUNSINTIDOR! MGA... MGA... Ano yung tawag dun? Yung walang ma-feel.. Ayun! MANHID. MGA MANHID.

Ice cream, pancit canton, unan, where art thou? Kayo lang ang makakapag comfort sa akin.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto (na nasa sahig). Hindi ko sana bubuksan pero kasi naamoy ko yung bagong luto na pancit canton kalamansi flavor. Kaya gumapang ako papunta sa pinto at binuksan ito.

Staring up at me is the handsome face of my best friend. Nasa left hand niya yung pancit canton, nasa right hand yung isang tub ng ice cream at naka ipit sa kili-kili yung paborito kong unan na si Butas.

Agad kong kinuha si Butas mula sa kanya at baka mag amoy maasim pa pati na rin yung ice cream. Kukunin ko na rin sana yung pancit canton kaso hindi daw ibibigay ni Drake 'yun kapag hindi ko siya pina akyat. Hmp. Insensitive na tao. Nag e-emote ako dito, hello? Pero wala akong magagawa, pancit canton my labs.

"Uy," kinulbit niya ko sa braso. "Uy, sorry na,"

Niyapos ko lang si Butas at sinimulang kainin yung ice cream.

"Aaah! Ang sakit! Brain freeze!" Sigaw ko habang hawak ang sentido ko dahil sa sobrang bilis kong sinusunud-sunod yung subo, edi ayun.

"Ayan kasi, masyadong matakaw. Tsk tsk. At least confirmed na na meron kang brain,"

"Wala na, nag init na ulit ulo ko. Hmp!" Tumalikod ako sa kanya at sinimulan na yung pancit canton.

Inakap ako ni Drake mula sa likod at binulong ang mga salitang sobrang pagsisisihan niya:

"Sorry na. Pwede mo akong i-dare ng kahit ano. Pambawi sa ginawa ko."

Kilala ko si Drake. Mas maarte pa sakin yan. Ayaw niya sa mga kadiring mga bagay. Yung sa palaka kanina, naka gloves siya.

"Humuli ka ng palaka sa labas. Walang gwantes ha, then kiss it on the mouth. Malay mo siya na princess mo."

"H-ha? Kahit ano wag lang 'yon!"

"Hoy madugas ka sabi mo kanina kahit ano. Take it or leave it." Tumalikod na ulit ako sa kanya at kumain ulit.

Kinuha ko yung phone ko at pinanood yung video ni Drake na kahalikan yung palaka. Biglang natahimik si Drake, ha-ha. Pero dahil may konti naman akong bait, nangako ako na walang ibang makaka-alam nun.

Bumaba na kami sa kotse at sobrang bilis may mga fangirls na agad na pumalibot kay Drake. Hay nako.

"Hoy, ma una na ko. Bye," sigaw ko at lumangoy na sa sea of fangirls papunta sa building namin.
==============

gusto ko saka ko lang I-upload yung next chapter kapag meron na akong at least ten chapters na reserve.

oh well thanks for reading

vote, comment, share! harthart

Bespren kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon