Chapter 4- Si-Ney Itey

21 1 1
                                    

"Michelle, anong pinagsasa-sabi nitong babaeng to? May iba kang gusto? At itong pangit na Drake pa na ito?"

"Ehem, excuse me di hamak naman na mas gwapo ako sa'yo no! At least sakin lahat ng girls type ako. Ikaw, KAPATID MO LANG kaya wag kang masyadong assuming, pre."

Binitiwan ni Micheal ang mga kamay ko at kamuntikan ng masuntok si Drake kung hindi dahil sa pag bukas ng pinaka dulong cubicle.

May batang lalaki na naka hoodie na pupungas-pungas ang lumabas.

"Ano ba naman yan. Kala ko makakatulog ako ng maayos dito..." nag stretching sya habang naka pikit padin ang mga mata.

Parang naka slow-mo yung mga sumunod na pangyayari.

Daaahaan dahaaang paaadiilaaat yuuung laaalaaakii aaaaat tuuuumaaaakboooo siiii Draaaake paaapuuuntaaaa saaaa laalaaakeee aaat aaagaaad tiiinaaakpaaaaan aaang kanyaaaang mgaaa maaataaaa.

Oh diba, slow-mo effect.

"Hoy, ano ba! Bitawan mo ko!"

"Trust me, kid, you do NOT want to see this."

Nagpupumiglas pa rin yung lalaki at naka tingin lang sila Michelle at Micheal.

Binatukan ko silang dalawa at natauhan naman sila at nagbihis na. Sinenyasan ko si Drake na tanggalin ang kamay nya sa mata nung maliit na lalaki.

"Pambihira ka kuya, 'bat mo ginawa yun?!"

"Eh kasi nga, pang teenagers yung view kanina, bata. SPG, kaya wala ka ng pakialam dun," pagpaliwanag ni Drake.

"Hoy 3rd year na ako!" Sigaw nung maliit na lalaki.

"Ay, ganon? Hindi halata. Anyway, ano ba pangalan mo?" Tanong ko.

"Ney. Ney Taylor." Sabi nya at nagkamayan kami. Teka, parang nakita ko na yung apilido nya noon sa clinic nung nag volunteer ako. Baka relative lang.

"Ay! Muntik ko ng makalimutan! Michelle ipapakita ko yung mga pictures nyo sa principal mamaya unless—"

"—unless magsorry kayo at huwag nyo na ulit aawayin si bespren. Intiendes?!"

Nanlaki ng sobra ang mga mata nung kambal at mabilis na patangu-tango. Nag exit na kami ni Drake kasama si Ney.

"Ches, uwi na tayo. Sobrang pagod na ako... *yawn*"

"Mauna ka na sa parking lot. Kukunin ko pa yung mga gamit ko sa tent." Pagkasabi ko nung 'mauna ka na' ay umalis na agad si Drake. Bastos na lalaki. Tsk.

"Ano, ate? Ano yung nasa banyo kanina? May ginawa kayo ni kuya?"

"Hindi kami, ibang tao. Saka Cheska nalang. Parehas lang tayong 3rd year,"

"Ay, ganun? Anong section? 3-D ako,"

"3-B kami ni Drake. Yung lalaking kaka alis lang."

Tumango si Ney at nagpaalam na sa akin. Ako naman, dumiretso na sa tent para kunin yung bag at sketchpad ko. Hay, buti nalang kaunting drawings palang yung nandun (kay Drake yung karamihan kaya siguro sabi nila pangit daw yung drawing ko).

Nagluto si mama ng ________ at katabi nito ang note na;

Cheska/Drake,

Umalis kami ni Robert for business matters baka abutin kami ng umaga. Here's dinner and nasa ref yung pang bfast nyo tom.

          -momxoxo

Huh. So ako nanaman ulit maiiwan dito kasama yung mga yaya.

"Bakit? Anjan si Drake, ah?" You might ask.

Nope. Kakaalis nya nga lang eh. Ni hindi na kumain.

"Manang! Ate Molang! Nagsikain na po ba kayo?! Aalis po muna ako, ha?! Byers." Sigaw ko. Bibili nalang muna ako ng bagong sketchpad at makapag palamig muna sa mall. Doon na rin makakain. Hindi ko feel yung luto ni mama ngayon eh.

*

Habang nasa Starbucks ako, umiinom ng kape habang nag ii-sketch, may nasagap ang peripheral vision ko sa may bintana. Si Ney ba 'yun?

I tapped the glass window to get Ney's attention. Mabuti na lang napatingin sya. Sumenyas ako na pumasok sya. Pumasok naman sya.

"Ano gusto mo? Libre ko kasi baka nadidistorbo kita," sabi ko kay Ney pag upo nya sa harap ko.

"Naku, hindi na. Actually, tambay tambay lang kasi medyo bored." Tumango na lang ako at binili ko pa rin sya ng cookies and cream frappe tulad ng sa akin.

Nilipat ko yung page ng sketch pad ko at sinimulang i-drawing ang mukha ni Ney. Ang ganda niya para sa isang lalaki. Mas maganda pa sya sa tunay babae, nakaka-insecure much.

We chatted about some stuff we have in common. Parang parehas kami na mahilig sa anime at manga, parehas kami ng paborito na band: R5. Kung hindi niyo sila kilala—have you been living under a rock?Ang galing kaya nila!

Anyway, habang ginu-guhit ko yung mukha ni Ney, syempre kailangan usisain ko ng mabuti ang mukha nya. Napansin ko yung pagkabilog ng mata niya, mahahabang pilik mata, nunal sa pagitan ng mga kilay, medyo matangos na ilong, at labi na manipis sa taas habang katamtaman ang kapal sa ibaba.

"Tapos na!" Sabi ko na ikinagulat ni Ney.

"Ang alin?"

"Ah, wala, wala..." sagot ko habang pinipirmahan yung sketch.

"Uy, gabi na pala. Uwi na ako, Cheska. Thank you dito," sabi niya habang papatayo na at dala-dala yung frappe. May laman pa 'yun? Naka dalawa na ako tapos hindi pa sya nakaka-kalahati?

"Sabay ka na sakin, maya-maya lang andito na si Drake." Tumango sya. Nag text sa akin si Drake kanina na nakita daw sila nung babae niya nung tatay nung babae. Kaya ayun, takbo-sakay kotse-takas.

*

Matapos ang mga bente minutos ay dumating si Drake sa Starbucks at bumili ng [machiato].

"Uy, ikaw yung bata kanina sa may banyo ah. Close pala kayo ni Bespren?"

"Hindi nga ako bata! Third year na nga ako eh!" Tinignan niya si Drake na puno ng inis.

Humigop lang ng kape si Drake. Sinabi ko sa kanya na isabay na natin pauwi si Ney dahil on the way lang yung tinitirhan niya.

"Ches-not, samahan mo nga ako sa tindahan ng cellphone, bibili ako ng bago. Nawala kanina sa pagtakas ko yung iPhone eh."

Tinanong ko si Ney kung okay lang ba sa kanya na samahan namin si Drake, pumayag naman sya kaya go kami.

*

"Sir, pa fill-up lang po ng form," sabi nung teller na parang may something sa mata dahil pikit ng pikit habang todo ngiti kay Drake. Ang landi.

Teka, up close, halatang bagong apply lang ng lipistik si Ate ha.

"Ate, excuse me lang po," tumingin lang sya sakin na mukhang diring-diri. "Meron ka pong lipstick sa ipin," sabi ko ng pabulong. Since sobrang lapit ng fes nya sa ulo ng isang nagsusulat na Drake, malamang narinig din ni bes yun.

"Pfff," ang reaksyon ni Drake pagkasabi 'nun. Mabilis namang pinunasan ni Ate yung ngipin nya.

*

Nakuha na ni Drake tung phone niya (na next week pa maa-activate) kaya umuwi na kami. Kasama si Ney. Ang gwapong si Ney. Hay.

"Dito nalang ako, salamat sa kunganomanyungininomkokanina ha, Cheska. Thank you din sa paghatid, bye!" Batid ni Ney pagkababa na ng sasakyan at nagta-takbo papasok sa isang kainan. Dun sya nakatira?

=======

comments?? share to he world and voooootteee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bespren kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon