PROLOGUE

5 1 1
                                    

Pasukan na naman at alam kong karamihan sa mga estudyante ngayon ay hindi excited, bakit? Syempre umpisa na naman ng kalbaryo nila, andyan yung pag gawa ng sandamakmak na assignment, projects, mga kaek-ekan ng mga teachers may maipagawa lang sa mga estudyante nila, bagong classmate, bagong teacher, bagong  kaibigan? Hmmm. Pwede! Pero syempre panibagong pakikisama na naman sa mga bagong mukha, let say mga transferee kung meron man. Kung sa iba kalbaryo ang tingin nila kapag pasukan na, para saken hindi.. sa totoo lang excited nga ako eh. (hahaha) Sa tingin nyo, bat ako excited?

Dahil sa baon? Kay crush? Hindi ah! Grabe naman, mas gusto ko lang talaga ang pumasok at makagraduate, kaya lang matagal pa! Fourth year highschool pa lang ako eh, mahaba haba pa ang journey ko, may willing kaya na sumama sa journey ko?

Ang Pamilya ko, sila Clarence Tuazon at Marienella Enriquez (childhood bestfriends) ang mga taong malalapit saken, at alam ko na suportado nila ako pati na din ang mga gusto kong maabot sa buhay.

Unahan ko na kayo ha, hindi mayaman ang pamilya na pinanggalingan ko, hindi din kami mahirap, may kaya lang, sapat na yung nakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, natutustusan yung mga pangangailangan namin, at higit sa lahat nakakapag-aral kami,  apat kasi kaming magkakapatid, oo tama yung nabasa nyo apat kami! May kuya ako, may Ate at si bunso. Dalawa na lang kaming nag aaral sila Kuya at Ate kasi nakapagtapos na at pareho na silang may magandang trabaho. Simple lang ang pamilya namin, kung ano yung meron sapat na yun, hindi naman kasi kami pinalaki nang magulang namin na nakukuha lahat ng gusto, kung may gusto kang isang bagay, paghirapan mo. Ganyan ang pagpapalaki samin, hindi tulad ng iba na isang sabi lang nasa kamay na agad nila yung gusto nila. Nakakainggit diba, pero mas okay na din yung ikaw yung naghirap para makuha mo ang isang bagay kaysa iba ang gagawa para sayo.

Iilan lang yan sa mga impormasyon tungkol sa pagkatao ko.. at alam kong kanina nyo pa gustong malaman kung sino ba ako, at ano ang magiging takbo ng storyang ito, well the long wait is over, magpapakilala na po ako sa inyong lahat...

Ako nga po pala si.....

ELLIANNA LOUISE S. ROMUALDEZ

o mas kilala sa pangalang "ELi" don't get me wrong people, hindi ako tomboy ha and babaeng babae po ako! Promise! Mas gusto ko lang yung pangalan na "Eli" 

At samahan nyo po ako sa aking journey at alamin natin kung saan patungo ang aking storya.

Close to my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon