ONE

4 0 0
                                    

- ELi -

"St. Matthew Academy, andito na naman ako ulit!" sambit ni Eli habang naglalakad papasok sa gate ng campus. First day of school, madami dami na din ang tao sa loob ng campus, naroon yung may nagkukwentuhan, nagkakamustahan at yung iba parang nag aadjust pa lamang. Habang naglalakad sya, may dalawang babae na papalapit sa kanya.

"Twin!!!" Clang.

"Muy!!!" Ella.

"Makasigaw parang ang layo ko sa inyo." Tugon ni Eli sa mga kaibigan.

"Sorry naman, excited lang na makita ka! Na miss kaya kita!" Sabay yakap ni Clang kay Eli.

"Oy Muy, ako din na miss kita! Nagsasawa  na kase ko sa mukha ni Clang eh. Hahaha" singit ni Ella.

"Hahaha. Gagi ka talaga muy, asarin ba si twin? Sorry di ko kayo namiss!"Sabay nalukot ang mukha nang dalawa. Natawa naman si Eli sa reaksyon ng mga kaibigan. "Hahahaha. Epic! Syempre joke yun!" bawi naman ni Eli sa sinabi.

"Mas gagi ka talaga Twin/Muy! Kainis ka!" Sabay na tugon ng dalawa.

"Love nyo naman!" sabay akbay ni Eli sa dalawa.

"Oy Muy, classmates pala tayo ulit!" Ella.

"Talaga?" Napahinto naman si Eli sa paglalakad at inalis ang pagkaka akbay sa kaibigan.

"Bakit twin? Hindi mo tinignan yung form mo?" Tanong ni Clang.

"Ah. Hindi eh yung room lang natatandaan ko." paliwanag ni Eli.

"Kahit kailan ka talaga." Natatawang sabi ni Ella.

"Edi ayos! Buo tayong---" hindi naituloy ni Eli ang sasabihin ng may bumunggo sa kanya at dumaan pa ito mismo sa kanilang harapan.

"Tabi nga! Paharang harang naman kasi sa daanan, may benches naman at sa gitna pa talaga kayo nagtsismisan. Tsk!" Sigaw ng lalaki na tuloy tuloy lamang sa paglalakad.

Nagulat naman ang tatlo sa nangyari at nakatingin pa din sila dun sa lalaking nagtungo sa Admin Bldg.

"Transferee?" Clang.

"May attitude si kuya." Ella.

"Ma at Pa!" Eli.

"Ano yun Twin/Muy?" Sabay na tanong ng dalawa kay Eli na napalingon sa kinatatayuan ng kanilang kaibigan.

"Ang sabi ko malay ko at pakialam ko dun! Ang lawak lawak ng daanan tapos sa gitna pa talaga natin dumaan tapos hindi man lang nag excuse, bastos lang." giit ni Eli.

"Naku Twin, aga aga at first day na first day highblood ka, hayaan mo na nga yun." pagpapakalma ni Clang sa kaibigan.

"Tama si Clang, Muy wag mo pansinin yun. Tara na at baka mahuli pa tayo." aya ni Ella sa kaibigan.

Napahinuhod naman nila ang kaibigan at agad na tinungo ang kanilang classroom, maingay ang buong klase nang dumating sila, may nagkukwentuhan, nag aasaran, nagpapatugtog, nagtetext, nagseselfie at yung iba tahimik lang, may mga dati na silang kakilala at yung iba transferee. Nagpapasyahan nilang sa may bandang likuran sila mauupo malapit sa may bintana.

"Twin, sa gitna ka na lang namin ni Ella ha. Kapag walang sitting arrangement." paliwanag ni Clang.

"Ayaw nyo talagang nahihiwalay ako sa inyo at sa pinag gitnaan nyo pa talaga ako." Tugon ni Eli sa sinabi ng kaibigan.

"Eh kasi naman pag may sitting arrangement, ang layo ko sa inyo tapos yung mga nakakatabi ko, nalunon ata ang mga dila, ang tatahimik!" Ella.

"Daldalera ka kasi!" Eli.

"Naku friend, kung ako sayo babawas bawasan ko na pagiging madaldal ko, nakakahiya naman kasi sa mga makakatabi ko." Pang aasar ni Clang, naikinatawa naman ni Eli.

"Lakas mang asar ha, pag sya naman inasar oa magalit." saad ni Ella sabay tingin kay Clang. "At ang lakas makatawa isa din naman sya," patama ni Ella kay Eli.

Natawa naman ang dalawa sa sinabi ng kaibigan. Sa kanilang tatlo si Ella palagi ang tampulan ng tukso ganun pa man natural na sa kanila ang mag asaran, kaya siguro madali silang nagkasundo at naging matalik na magkakaibigan. Sa lahat ng naging kaibigan ni Eli, sila Clang at Ella lang ang nanatiling nasa tabi yung iba kasi lumipat ng school at nangibang bansa dahil na din sa trabaho ng mga magulang.

"Good morning!" Bati nang isang Gng. Agad na naman tumahimik ang buong klase ng magsalita ang Gng. na nasa harapan. "I'm Mrs. Acosta and I will be your adviser this year. So now, can we start introducing yourself one by one? Lets start at the back." agad naman tumayo si Clang at nagputa sa harap.

"Hi! Goodmorning! I'm Clarence Tuazon, but you can call me Clang, 16 years of age. Yung iba sa inyo kilala ko na kasi naging classmate ko na before and yung iba alam ko transferee, so I'm hoping we could be friends." panimula ni Clang. Sumunod naman si Eli.

"Hello! I'm Ellianna Louise Romualdez, Eli for short, 16 years old as what Clang says, hope we could be friends along the way." Agad na bumalik si Eli sa kanyang upuan at nag umpisa naman si Ella na magpakilala.

"Hi! I'm Marienella Enriquez, Ella for short, 16 years old. Sana maging mas masaya ang huli nating taon sa highschool at may mabaon tayong memories good man yan o bad, and lets do our job as a student, be responsible in our own actions. I hope we could be friends." talagang ang haba ng pakilala ni Ella, tatakbong president ng klase? May pa speech speech pang nalalaman, mga kaek ekan talaga ni Ella.

Habang patuloy pa din ang pagpapakilala ng iba pa nilang kaklase naging magaan na ang mood sa loob ng classroom, yung iba kasi nilang kaklase akala mo first time pa lang magpapakilala, tapos may nagpapatawa pa kaya mas naging maingay at puno ng tawanan ang unang araw ng klase. Nang matapos ang lahat, magsasalita sana si Mrs. Acosta ng may kumatok, agad syang lumapit sa may pinto at lumabas.

Close to my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon