"ALEXA."
Parang napaso at dagling binawi ni Alexa ang kamay na hawak ni Gaizer. Hinanap niya ang boses ni Franco na tumawag sa pangalan niya. Sabay pa silang tumingin ni Gaizer sa main door. Humahakbang palapit sa kanila ang kanyang fiance.
Nagulat siya nang bigla siyang nilapitan ni Franco at hinagkan siya sa pisngi. First time nito iyong ginawa.
"Nag-lunch ka na ba?" tanong sa kanya ni Franco.
"Ah, oo. Kagagaling ko lang ng Cavite," aniya.
Hinawakan ni Franco ang kanang kamay niya saka siya iginiya patayo. Pagkuwa'y tinapik nito ang balikat ni Gaizer.
"Sandali lang, Gaizer. Kakausapin ko lang si Alexa," paalam ni Franco.
Tumango lang si Gaizer.
Nagmamadali naman siyang sumama kay Franco. Pumasok sila sa elevator. Habang papaakyat sila ay bumitiw sa kamay niya si Franco saka ito humarap sa kanya.
"Sorry naging busy ako sa labas. Nasorpresa lang ako sa mga isyu tungkol sa atin. Kumakalat sa kumpanya ang isyu na peke ang planong pagpapakasal natin. Nakarating kay daddy ang balita na pakitang-tao lang daw ang relasyon natin," sabi nito.
Hindi na siya nagtataka. Noong isang linggo pa usap-usapan ang tungkol doon. "Hindi ko alam kung sino ang nagsimula. Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa kasal. Pati si Gaizer, pinagdududahan tayo," aniya.
"Talaga? May hinala nga ako na may kinalaman siya sa nangyayari."
"Bakit?" takang tanong niya.
"Of course, hindi papayag si Gaizer na mapupunta sa akin ang mana. Malamang alam na niya ang tungkol sa sulat ni Lolo."
"Kung pagpapakasal ang solusyon, puwede naman siyang magpakasal kung talagang gusto niyang makuha ang mana."
"Asa kang magpapakasal siya. Wala nang amor sa babae si Gaizer. Naluto na ng pera ang utak niya. He just love flirting with woman."
"Ang gulo naman ninyo. Bakit hindi na lang sundin ang nakalagay sa Last Will and Testament ng lolo ninyo?"
"Iyon na nga ang problema. Nawawala ang Last Will na pinirmahan ni Lolo. Hindi makapag-deside ang anak ng abogado ni Lolo dahil hindi nai-endorse nang maayos sa kanya ang records ni Lolo, 'tapos nawawala pa ang Last Will. Wala ring karapatan si Lola sa yaman ni Lolo. Hawak namin ang sulat ni Lolo pero wala iyong pirma at hindi notarized ng abogado.
"Paano nangyari 'yon? Saan nanggaling ang walang pirmang dokumento?" usisa niya.
"Kinuha namin iyon sa abogado ni Lolo. Ang masama, hindi rin kami sigurado kung tama ba ang sulat na nasa amin. Xerox copy lang iyon kaya posibleng may karugtong iyon na pirmado. Nakausap ko si Atty. Sandoval. Ni-review niya ang recorded na video tungkol sa mga sinabi ni Lolo tungkol sa mana. Nabanggit doon na mapupunta sa apo ni Lolo na unang mag-aasawa ang mana. Iyon ang pagbabasehan ng abogado dahil hindi na makita ang Last Will ni Lolo. Kaya gusto ni Daddy na maisakal tayo hanggat hindi pa nakikita ang Last Will. Sana nga ay hindi na iyon makita. Kapag kasi naikasal ako, awtomatikong ang abogado na mismo ang mag-aasikaso ng papeles at maglilipat ng rights ng kumpanya sa pangalan ko. Matatabunan na ang Last Will," kuwento ni Franco.
Ramdam niya ang desidido nitong makuha ang mana. She felt uneasy while putting herself in the messy situation of the Sta. Maria. She just thought that once she was committed legally to the Sta. Maria's family would shoulder the consequences, too.
"Magulo ang pamilya n'yo. Baka puwede namang pag-usapan n'yo na lang ni Gaizer ang tungkol sa mana at paghatian ninyo," suhesyon niya.
"Hindi puwede 'yon. Hindi papayag si Daddy na mahati ang mana dahil malaki ang naging hirap niya para manatiling nakatayo itong kumpanya. Gagawa ng paraan ang kabilang panig para hindi matuloy ang plano namin. Kung alam na ni Gaizer ang tungkol sa sulat at video ni Lolo, malamang kung hindi siya magpapakasal kaagad, tayo ang guguluhin niya," anito.
BINABASA MO ANG
Obsession 1, Owning Her (Complete) Under Editing
General FictionThis is a revised version Teaser PUMAYAG si Alexa San Diego sa desisyon ng Papa niya na pakasalan ang nag-iisang anak ng boss nito na si Franco Santa Maria. Guwapo ang binata, business minded, at sikat na modelo. Si Franco mismo ang lumalapit sa kan...