DALA na ni Alexa ang maleta niya sa Herera village. Alas siyete ng umaga siya umalis ng mansiyon pero nagpaalam muna siya kay Lola Amara. Pinabaunan pa siya ng matanda ng pinaluto nitong beefsteak. Bigyan daw niya niyon si Gaizer.
Tumambay siya sa private house na pinapagamit sa kanila ni Mr. Herera. Wala pa roon si Gaizer. Malaki na ang improvement ng construction. Nakialam siya sa kusina at pinainit sa microwave ang dala niyang ulam. May naisaing nang kanin ang katiwala.
Inihanda na niya ang tanghalian sa hapag kainan. Mamaya ay narinig na niya ang boses ni Gaizer na may kausap na lalaki sa labas. Sinilip niya ito mula sa bintana. Kausap nito ang foreman. Nang mapansin niyang papasok na ito ay pumuwesto na siya sa harap ng hapag. Nasorpresa ito nang makita siya.
"Oh, you are finally here!" bungad nito.
"I've just arrived," aniya.
Umupo ito sa katapat niyang silya. Nagsalin kaagad ito ng kanin sa plato.
"Nagpadala si Lola ng beefsteak para ulam natin. Hindi ka pala nagpaalam sa kanya no'ng umalis," sabi niya.
Hindi natuloy ang pagsandok ni Gaizer sa steak. Matamang tumitig ito sa kanya. "Tulog pa siya noong umalis ako," anito.
Iniwasan nito ang steak. "Masarap ang steak. Ako ang nagluto," pagsisinungaling niya.
Tumikwas ang isang kilay nito. "Sigurado ka? Kapag ako sinumpong ng allergy lagot ka sa akin," sabi nito.
"Ano? Allergic ka sa beef?" untag niya.
"Hindi. Allergic ako sa oyster sauce. Si Aleng Lucy kaya ay nilalagyan ng oyster sauce ang steak."
Bigla siyang kinabahan. "Ahm, si Aleng Lucy talaga ang nagluto. Nilagyan talaga niya ng oyster sauce," pag-amin niya.
"Kita mo. Mabuti siguresta ako."
"Allergic ka pala sa oyster. Hindi ko alam."
"Ngayon alam mo na. Iilan lang na lamang dagat ang tinatanggap ng katawan ko. Take note; hindi ako puwede sa hipon, crab, mussel, at iba pang may mga shells."
"Bakit kailangan ko pang i-take note?" natatawang tanong niya.
"Take note ulit; you're born to be my wife and cook my meal everyday. So dapat alam mo lahat ng puwede at hindi ko puwedeng kainin," sabi nito.
"Tumigil ka. Huwag kang assuming," aniya pero masaya siya sa narinig.
Mabuti na lang may nalutong tinolang manok ang katiwala. Iyon ang inulam ni Gaizer. Naiisip niya ang Last Will habang pinagmamasdan niya si Gaizer na kamakain. Hindi pa siya handang ibigay rito ang mga iyon.
Kailangan niyang maging maingat para hindi siya sumabit sa kaguluhan sa pamilya nito. Maghihintay lang siya ng tamang tiyempo o 'di kaya'y sikretong ipaparating niya rito ang papeles at hindi kailangang malaman nito na sa kanya nanggaling.
"Ano pala ang sabi ni Lola kanina?" mamaya ay tanong ni Gaizer.
Ang sarap nitong panoorin habang kumakain, nakakatakam dahil ang guwapong ngumuya. Namumukol ang muscles nito sa panga, na dumagdag sa kamachuhan nito.
"Uh, nagtatampo si Lola. Iniisip niya na nagtampo ka o galit sa kaniya," aniya.
Gaizer grinned. "Lola knows how hard for me to defend my rights to the company. Alam niya ang katotoohanan na ako lang ang may karapatang magmana ng kumpanya. Gustuhin ko mang magtampo pero hindi ko siya matiis," seryosong pahayag nito.
She felt Gaizer's frustration. Ang hirap ng sitwasyon nito. "Pero kung alam mong tama ka, dapat ipaglaban mo. Siguro may malalim na dahilan si Lola Amara bakit hinayaan niyang magdesisyon si Sir Roger para sa kumpanya."
BINABASA MO ANG
Obsession 1, Owning Her (Complete) Under Editing
General FictionThis is a revised version Teaser PUMAYAG si Alexa San Diego sa desisyon ng Papa niya na pakasalan ang nag-iisang anak ng boss nito na si Franco Santa Maria. Guwapo ang binata, business minded, at sikat na modelo. Si Franco mismo ang lumalapit sa kan...