Chapter Seven

18.7K 470 21
                                    

SERYOSO na si Gaizer pagdating nila sa main office ng property ni Mr. Herera. Kararating lang din ng ginoo. Iginiya sila nito sa maluwag nitong opisina. Inilatag ni Alexa sa harapan nito ang mga designs niya at ang on-going plano ng buong village.

"It looks like a new city. Nice," komento ni Mr. Herera sa iginuhit niyang plano para sa village.

"It's open for editing, sir. I want to hear your suggestions," aniya.

"That's okay. I trusted you both. Good job," ani Mr. Herera, malapad ang ngiti.

Napatingin siya kay Gaizer. Nginitian lang siya nito.

"So, when do you plan to start the construction, Sir?" pagkuwa'y tanong ni Gaizer sa ginoo.

"We can start anytime this month. We started to free-sell the areas. It's up to you; if you prepared your men, let's get started," sabi nito.

"Next week is okay for me. How about you, Miss Alexa?" sabi ni Gaizer.

"Ah, I'm prepared," mabilis niyang sagot.

"Good. So, let's have lunch first," pagkuwa'y alok ni Mr. Herera.

Pagkatapos ng tanghalian ay nag-ikot sila sa malawak na lupain na sinisimulan nang pinapatag at binubungkal ang malalaking puno. Napansin ni Alexa na mas magaling makipag-negotiate si Gaizer kaysa kay Franco. Mayroon itong honey voice na madaling makaakit ng kausap. Lahat ng suhesyon nito kay Mr. Herera ay aprobado kaagad.

Inalok pa sila ng ginoo ng suite para sa kanila. Nakalimutan ata nito na si Franco ang fiance niya. Gusto nitong mag-stay sila overnight sa lugar. Hindi man lang siya makasingit sa usapan ng dalawa. Mabuti na lang tumanggi si Gaizer sa alok ng ginoo. Idinahilan na lang nito na may pupuntahan pa silang ibang project.

Alas-tres ng hapon sila nakaalis sa lupain ni Mr. Herera. Nagtataka si Alexa bakit hindi sa daan pabalik ng Maynila ang tinatahak nila. Papasok na sila sa beach area.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya.

"May dadalawin lang akong importanteng tao," anito.

Huminto sila sa malawak na lupain na may sirang tarangkahan. Ipinasok nito ang sasakyan. May nakita siyang burol. Tumigil sila sa tapat ng magarang puntod. Pagbaba nito ay sumunod siya. Inilabas ni Gaizer ang bouquet ng bulaklak na binili nila sa bayan. Kaya pala bumili ito ng kandila. Dadalhin pala nito sa puntod ng yumao nitong ama.

Nakita din niya sa wakas ang puntod ng yumaong si Engr. Lucio Sta. Maria. Katabi nito ang puntod ng ama ni Gaizer na si Engr. Hector Sta. Maria. Naka-tiles ang sahig ng puntod maging pader. Mas malaki pa ang libingan ng mga ito sa kuwarto niya. Pinapanood lang niya si Gaizer na nag-aalay ng taimtim na dasal sa mga yumao.

Pagkatapos ay hinarap siya nito. "Ikaw. Hindi ka ba magpapakilala sa soon to be father in law mo?" sabi nito.

Mariing kumunot ang noo niya. "Father in law? Baka naman grandfather in law," pagtatama niya.

"Both. Tinatawag din ni Franco na daddy ang daddy ko. They're close to each other. Kaya nga inggit na inggit ako kay Franco dahil mas close sila ni Daddy."

May kung anong kumurot sa puso niya. "Bakit, hindi ka ba close sa daddy mo?" usisa niya.

Lumuklok sa unang baitang ng hagdan si Gaizer. Nanatili naman siyang nakasandig sa puno ng talisay.

"No. Siguro dahil hindi ako lumaki sa piling niya. Mas malapit ako sa mommy ko. My parents separated when I was twelve years old. Isinisi ko lahat kay daddy bakit kinailangang bumalik ni Mommy sa Japan. I know the reasons are. My dad having an affair with other woman. Nagalit ako sa kanya kaya ako nagdesisyon na lumayas sa murang edad. Tumira ako kay lolo at siya ang nagpaaral sa akin hanggang sa magtapos ako ng college. Nagalit din ako sa mommy ko dahil nag-asawa siya ulit. Feeling ko wala akong lugar sa pamilya ko. Noong namatay si Lolo, kinuha ako ni Mommy. Ang kaso, hindi kami nagkasundo ng stepfather ko. Bumalik ulit ako rito at tumulong sa Sta. Maria Group of Companies. Pero hindi ako nabibigyan ng break. Para akong langaw na walang pirmanenteng madadapuan," seryosong kuwento ni Gaizer.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon