Mataman siyang nakikinig sa pakikipag-usap ni Liam sa tinawag nitong Lance. "So, nasa bahay ka ngayon?" Wika nito. Kung hindi lang nakakahiya ay tinanong na niya ito.Napansin naman ni Liam na tila tahimik na tahimik ang babaeng kasama at mukhang interesado sa pakikinig nito. Kaya agad na nagpaalam sa kapatid. "Okay bro, see you later," aniya saka binaba ang tawag ng kapatid.
Bumaling siya kay Dani na noon ay tahimik pa rin. "Sorry, tumawag ang kapatid ko. Halos three years din kaming hindi nagkita. Nasa PMA pa siya noong lumipad ako papunta ng US," aniya ngunit nagulat sita ng napabulalas si Dani.
"Sundalo ang kapatid mo?" Gulat na turan nito. Maging siya ay nabigla sa inaktong iyon ni Danielle. Nang mapansin nitong natigilan siya ay tila nahiya ito at binaling sa labas ang tingin. Hanggang sa magsink in sa isipan ang narinig na pag-uusapn ni Dani at ang mama nito.
"Akala mo ba hindi ko alam na gustong-gusto mong pumasok sa PMA ay dahil nagsundalo ang lalaking kinababaliwan mo. Wake up Dani, nandito sa showbiz ang buhay mo at ano ang gagawin mo kung naging sundalo ka. Sayang ang ganda at talento mo."
Umaatingawngaw sa kaniyang isipan. Kaya nga siguro naging interesado si Dani nang banggitin niyang sundalo ang kapatid niya.
Kinabahan si Dani, malaki kasi ang posibilidad na kapatid ng bagong direktor ang lalaking matagal nang pinanabikang makita.
Muli ay napansin ni Liam ang pananahimik ng babae at tila malalim ang iniisip nito. Nang untagin niya ito. "Ahemmmm." Tikhim upang pukawin ang pansin nito.
Tumingin ito sa kaniya kaya simpatikong ngumiti siya dahilan para lumabas ang magkabilaang biloy sa pisngi. Hindi siya masyadong nangiti dahil ayaw niyang nalabas ang biloy niya. Hindi niya kasi alam kung bintahe ba niya iyon o hindi dahil para sa kaniya ay sa babae lamang bagay ang pagkakaroon ng biloy.
"Direk," turan ni Dani. Agad siyang nahimasmasan. Siya tuloy ang natulala. "Nandito na po tayo," dugtong pa nito.
"Okay," aniya saka mabilis na pinarada ang sasakyan. Nang buhatin nito ang may kalakihang bag nito ay agad na sanang tutulungan. "Let me," aniya.
Aangal pa sana si Dani ng hawakan nang buhatin na ni Liam ang bag niya. "Direk, ako na lang po. Kaya ko naman po." Awat niya ngunit tuloy-tuloy lang ito at sumaludo pa sa security guard nila.
"Direk wait," habol pa dahil mataas ang takong ng shoes niya.
"Saan ang studio kung saan kayo may guesting?" Tanong nito na nakahinto.
"Ako na lang direk," muling turan at kukunin na rito ang bag niya.
"No, dadalhin na kita roon," giit ni Liam. Akmang nag-aagawan na sila sa bag niya ng makarinig siya ng pagtawag mula sa pamilyar na tinig.
"Dani!" Malakas at tila galit na boses. Sa kung saan.
Agad na hinanap ang pinanggalingan noon at nakitang ang mama nga niya iyon. Napabitaw siya sa kaniyang bag. Mabilis na lumapit ang mama niya at masama ang tingin sa kanila ni Liam.
"Mommy," alanganing turan. Naramdaman naman ni Liam ang panginginig ng boses ni Dani sa pagdating ng mama nito.
"Ma'am, sorry kung na-late si—."
"I'm not talking to you!" Galit na sabad nito.
"Tell me Dani! Sino ang lalaking ito at bakit niya buhat-buhat ang bag mo? Sagot!" Mataas na boses ng ina na alam niyang nagtitimpi.
"Mommy, wala po kaming ginagawang masama—."
"Sagutin mo ang tinatanong ko! Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ni Paulo. Nag-aalala na at baka hindi ka raw sisipot tapos naririto ka lamang at nakikipagharutan sa kung sino-sino lamang." Giit ng ina.
BINABASA MO ANG
Montecalvo Siblings: The Director Love Affair(Completed)
RomansaSa mundo ng showbiz, ang isang artista ay para sa ka-loveteam lamang nito. Paano kung ang ititibok ng puso ay hindi kayang kontrolin ng reyalidad. Na sa bawat paggiling ng linte ng camera ay pighati ng iyong puso. Makakaya mo bang tignan na ang baba...