Truth or Dare

50 2 0
                                    

"Guys, di daw papasok si ma'am. Truth or Dare tayo!" pang-aaya ng kaklase ko.

"Ge, sali ako." then naupo ako sa lapag.

"I'll spin the bottle!" Sabi ng isa kong conyong kaklase.

Habang umiikot yung bottle, medyo nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko. Geesh! Para tuloy akong bakla. =____=

"Teka! Teka! Sandali! Sali ako!"

Wait what?!

That's her voice.

"NO!"

"I...I mean...uhm... yung bote kasi.. m-malapit na sa akin tumapat. Sige Gwyne, sali ka." Pagsisinungaling ko.

"Sus Jboy! Pakemi ka pa! Gusto mo namang sumali si Gwyne."

"Gosh! The ex effect! HAHA!"

"Uyy! Huwag ka nang torpe! Ako nga nagkagirlfriend na, ikaw na lang wala pa sa barkada natin."

"Kayo naman oh! Past is past. Friends kami ni Jboy." pagdedepensa ni Gwyne.

And that's what hurt the most. Yung taong minahal mo noon hanggang ngayon nang lubusan at sobra-sobra, isang kaibigan na lamang ang tingin sa'yo. It just hurts to know that she was the only girl that made my heart skip whenever she smiles and she only sees me as a friend.

"Haha. Maya na natin pag-usan yung relasyon ni Gwyne at Jboy. Sa ngayon, tapusin natin itong truth or consequence natin."

So ayun na nga, umikot yung bote sa kung kanino at nakakatawa lang kasi puro consequence yung pinipili nila tsaka yung mga consequence nila ay lalabas sa room, pupunta sa quadrangle, tatalon sa gitna. Haha! Buti nalang hindi pa tumama sa akin yung bote kasi wala na akong mukhang ihaharap sa mga pinapagawa nila. Ang mean talaga ng mga kaklase ko.

"Ang daya ng bote! Hindi pa tinatamaan si Gwyne at Jboy! Kainis! Nakakahiya yung ginawa ko kanina." Pagrereklamo ng kaklase ko.

"Love kasi kami ng bote." -Gwyne

"Love niyo yung isa't isa kamo! Hahha! Peaceyow!"

Sana nga. Sana nga love niya rin ako.

Bumalik na kami sa room at bumalik sa paglalaro. Pinaikot na yung bote at...

"HALA! Ang daya! Ba't sa akin tumapat?"

"Ang choosy mo! Kami nga hindi kami nagrereklamo!"

"Mahiya ka naman! Baka maturn-off si Gwyne sa'yo."

"Truth or dare?" Tanong ng katapat ko.

"D-dare na nga lang!"

Dare yung pipiliin ko kasi kung truth, for sure na tungkol kay Gwyne yung itatanong nila.

"Uhmmm. I'll be the one to say kung ano ipapagawa natin." At nakangisi pa na parang shunga lang.

"Yung madali lang."

"Okay. Ganito, you sit beside Gwyne and tell her that you still love her and you want her to be yours again."

There.

My world stopped.

Kaya nga pinili ko yung dare para maiwasan ko si Gwyne tas ito papagawa nila? Kamalasan nga naman.

"U-uy. Huwag naman ganon."

Inhale, Jboy.

"Bakla ka yata, tol. Sabihin ko na--"

Kita sa reactions nila na shocked sila.

Tumayo ako at tinabihan si Gwyne.

"HAYY! Huwag na nga la--" inunahan na ako ng kaba.

"No no no no! Touch move! Buti nga sayo yan lang eh! Yung amin nga mas marami yung nakakita eh!

"Unless, tinototoo mo."

Okay.

Chance ko na 'to.

"Gwyne, I still love you. Can you be my girl again?" Sabi ko habang nakayuko.

And then naghiyawan lahat ng kaklase ko.

Iniikot na nila yung bote at lumipas ang mga minuto. Wala pa ring nagssink-in sa utak ko. Kung paano ko yun nagawa.

"YEAH MEN!"

Bumalik yung kaluluwa ko nang sumigaw yung katabi ko.

"Kay Gwyne na! Uh-huh!" At nagsayaw-sayaw siya.

"Truth sa akin." Then nagsmile siya.

Bakit ba ganoon na lamang? Na sa simpleng ngiti niya ay tumitigil ang mundo ko?

"Truth? Well sige, tumabi ka kay Jboy at sagutin mo yung mga sinabi niya sa'yo either in a positive or negative way."

Why on earth nabuhay pa itong mga kaklase ko?

The next thing I know, she was beside me. She was looking straight into my eyes, making me feel like an angel was looking at me, it makes me feel like I want to stop the time and make her look at me straight into my eyes all the time.

Huminga siya nang malalim.

At sobra na akong kinakabahan.

Please Gwyne. Say yes.

"Okay. Alam kong past is past, 2 years na ang lumipas at... binabalik-balikan ko pa rin 'yun. Jibs,  I still love you. Kung joke lang iyong kanina, I-D-C. Pero, OO. I can be your girl again."

Your girl again.

Your girl again.

Your girl again.

Your girl again.

Your girl again.

Your girl again.

Your girl again.

Your girl again.

Your girl again.

Your girl again.

at patuloy na nag-eecho yung boses niya sa isipan ko.

Am I dreaming?! Totoo lahat 'to?!

"Gwy--"

Hindi ko na naipatuloy lahat ng sasabihin ko dahil...yinakap niya ako.

"Jboy, I missed this so much."

"You are officially my girl again." Then I hugged her back.

***

Bitin? LAMPAKE. mwahahaha >:)

Totoo yung:

*hindi pumasok yung teacher kaya nag-truth or dare.

*truth or dare ng ibang kaklase.

*dare ni Jboy.

*ex ni JBoy si Gwyne.

*friends sila ngayon.

Hindi totoo yung:

*mga pangalan

*yung pinagsasabi ni Gwyne.

*sumali si Gwyne sa laro.

And yep, kya ko nagawa itong one-shot na'to dahil sa kanila.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon