Chapter 2

344 2 0
                                    

Tiningnan ko ang bahay namin sa huling pagkakataon, dahil baka Ito na yong panghuling masisilayan ko ang bahay nayan. Ang bahay kung saan ako lumaki at nagkamalay. Hindi man kasing gara tulang ng bahay nang mga mayayaman nagkakulay parin dahil sa aming pamilya.

Dahan dahan ng umandar ang sasakyan na maghahatid saakin papunta sa lugar na mag-sisilbing impyerno saakin. Nakatingin lang ako sa bahay namin hanggang sa lumiit na ito sa aking paningin saka tuluyang na wala na. Naguunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Wala mang hikbi na lumabas sa aking bibig, pero ang puot at sakit ay walang katumbas sa aking nararamdaman ngayon. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan na para bang sumasabay sa pighati ko. Napatingin ako kay manong na nagmamaneho parang wala lang, seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Kung pwede ko lang pakiusapan si manong na itakas ako, pero di pwede kundi si manong ang malalagot sa amo niya, sa laki banaman nang binayad saamin.

Binalik ko nalang uli ang tingin ko sa bintana. Dahan-dahang bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Napamulat ako nang may yumogyog sa aking balikat.

"Iha nandito na tayo." wika ni manong. Pagtingin ko sa bintana hapon na pala diko man lang namalayan.

"Eh manong sa'n po ba ang bahay? Wala naman pong bahay dito ah!?" nagtatakang tanong ko dahil ang natatanaw kolang ay isang malaking gate na may nakaukit na Clifford na gawa sa ginto. Napaisip ako paano pag matanda ang amo ko.

"Hindi, nakikita mo ang malaking gate na iyan?" tumango ako kaya pinagpatuloy ni manong ang kanyang pagsasalita."papasok tayo riyan tapos sa dulo niyan doon mona makikita ang bahay, ginising lang kita para ayusin ang sarili mo."

"Ahh" yan lamang ang nasabi ko.

Inayos ko ang nagusot kong damit at sinuklayan ang aking buhok gamit ang aking daliri.

"ok napo manong" saka ko inayos ang aking pagkakaupo.

Pinaandar na ulit ni manong ang makina ng sasakyan. Di na nakakapagtaka nang biglang bumukas ang gate.

Sinibolan agad ako ng kaba nang papasok na kami sa gate. Ito, na wala na talagang atrasan to. Pagpasok namin diko maiwasang di mamangha.

There's a lot of flowers along the pathway. Kung saan kami dumadaan ngayon. Along the straight pathway there is also a circular pathway where there is a water fountain in the middle and there it is the house I've been asking earlier. Ang bahay ay pang modernong panahon. Maganda sa labas paano pa kaya pag nasa loob kana.

"Iha, bumaba kana" napabaling ang atensyon ko kay manong. I was too occupied by the surroundings that I forgot what's my purpose on going here. Agad bumalik ang kabang kaninang panandaliang nawala.

Nanginginig ang mga paang bumaba ako. Nakasunod lang ako kay manong habang naglalakad. Mas dumoble ang kaba ko nang bumukas ang pintuan.

Isang seryosong matandang babae ang nagbukas ng pinto. Sigurado akong katulong ito dahil nakauniform ito nang pangkasambahay.

Napaigtad ako ng ngumiti Ito saakin. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti pabalik.

"pasok ka iha." sabi niya saka ako iginaya papasok.

"wag kang mahiya iha." sabi niya habang nakasunod lamang ako sakanya. Huminto kami sa kusina.

"Teka lang iha maghintay kalang riyan at ipaghahanda kita." nilibot ko ang tingin ko sa paligid at Isa lang ang masasabi ko 'ang ganda' di nga ako nagkamali na kung gaano kaganda sa labas ganon din sa loob. May pool sa kanilang backyard na natatanaw mula dito.

Virgin for saleWhere stories live. Discover now