It's been a long ride but being with Andrei, parang hindi kapansin-pansin yung haba ng byahe lalo na at panay rin ang kwento niya. First time kong makita na nagsasalita siya ng ganoon kahaba at sobra akong natutuwa lalo na at ang ganda pagmasdan ang galaw ng labi niya habang nagsasalita."And we're here," Andrei said at doon ko lang napagtanto na nakarating na pala kami sa destinasyon namin. I blinked several times bago ako lumayo nang tingin kay Andrei at napatingin sa may labas ng kotse.
"Wow!" mangha kong sabi nang makita ko iyong lugar. Nandito kami sa Enchanted Kingdom and ganito pala kaganda ang lugar na ito kapag malapit ng mag-gabi.
"Let's go," aya ni Andrei sa akin. "Baka wala na tayong masakyan kung hindi pa tayo papasok sa loob." agad naman akong napatango sa kanya bago mabilis na bumaba sa kotse niya.
Hindi ko alam kung bakit may ganito akong pag-uugali. Sobrang saya ko kapag pumupunta ako sa mga ganitong lugar kahit na nakapunta na ako. It was like I've been here for so many times yet, it felt like it was my first time. Hindi ko talaga maipaliwanag iyong pakiramdam ko, masaya ako kahit hindi naman kailangan.
Or maybe... because I'm with Andrei kaya ganito ako kasaya lalo na nung hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papasok sa loob matapos niyang makabili ng ticket.
"What do you want to ride first?" tanong niya sa akin at mabilis kong inilibot ang paningin ko. Sobrang daming rides at sobrang ganda nilang lahat. Gusto kong sakyan lahat pero imposible iyon dahil anong oras na rin.
"Gusto kong i-try iyon," sagot ko kay Andrei nung makita ko yung carousel. Sa pagkakaalala ko, iyon yung isa sa mga gusto kong sakyan noon kasama si Tj pero ang haba ng pila kaya sumuko kami at pumunta sa iba. Buti na lang at hindi ganun kahaba ang pila ngayon.
"Your wish is my command," nakangiting sabi ni Andrei at tila unti-unting bumabagal ang pagtakbo ng oras habang nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. I don't know why pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko, alam kong napapabilis na niya ang tibok ng puso ko pero kakaiba ngayon. Sobrang bilis talaga na halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko.
Mahal ko na nga siguro siya because every seconds that I've spent with him... every minutes that I've been with his side... I love every moment of it.
Pagpasok namin sa loob ay agad akong inalalayan ni Andrei na makasakay sa isa sa mga kabayo bago siya sumakay sa doon sa may tabi ko at bago pa mag-umpisa ang ride ay tumingin ako kay Andrei at tinanong siya.
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin kasabay ng isang simpleng sagot.
"Dahil gusto kitang makitang nakangiti."
If only... if only I sorted out my feelings immediately, siguro hindi kami mapupunta ni Tj sa ganung sitwasyon pero masaya ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala at mahalin siya. Masaya ako dahil kahit papano ay alam ko pala kung paano ang magmahal.
Tj thought me how to fall in love kaya nagpapasalamat ako sa kanya, if I hadn't met Tj, siguro ngayon takot pa rin akong magmahal at puro pa rin ng katanungan ang isipan ko. All thanks to him kaya naman masaya na ako sa kung ano ang meron siya... kung ano ang meron ako ngayon.
Nakakailang ikot na kami nun nang humarap ako kay Andrei para tingnan siya at halos makaramdam ako ng pamumula dahil nakita ko siyang nakatingin sa akin.
"B-bakit?" nauutal kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay may dumi ako sa pagmumukha ko sa tuwing tumitingin siya ng ganun sa akin.
Bahagya naman siyang napailing sa akin. "Nothing, it just that..." he trailed off at halos nabigla ako sa sumunod niyang ginawa. Humarap siya sa akin at mabilis na tumapak doon sa may stirrup ng sinasakyan niya yung kanang paa habang yung kabila naman ay ipinatong doon sa may likuran nung sinasakyan ko at kumapit siya doon sa may pole.
BINABASA MO ANG
Something, Something (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsAll Cerrina Mae Selverio wants is to graduate from a nice school, kaya naman nung nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral sa St. Jude High ay mabilis niyang kinuha ang oportunidad. And with this opportunity, she met Andrei Pierre Palma. Unang...