Magsisimula ang chapter na ito sa highway ( oo sa highway! as in sa highway). Nagmamaneho si Calvin kasama si Alice patungo sa bahay ni Alice. ( kakaumay na!). Biglang nagutom ang kumukulong tiyan nina Alice kaya nag-isip-isip sila kung saan sila magmemeryenda ( kahit gabi na )
A: uy sa Mcdo bes.. dahil LOVE KO TO!
C: hay naku mabuti pa sa Jollibee BIDA ANG SAYA!
A: KFC na lang kaya? para KAPAG FRIED CHICKEN.! dba favorite yun?
Halos lahat na lang ng restaurant ay nabanggit na hanggang sa sabay silang nagsaliata at... " MANG INASAL! UNLIMITED RICE PA!"
Nagtungo ang dalawa sa Mang Inasal. Sakto wala masyadong tao kaya maluwag at marame pang bakante. Umorder sila ng masasarap na pagkain at inumin at dahil dyan naiinggit ang Author sa mga pagkain.
kumakain ang dalawa nang may tumawag sa CP ni Alice pero nahulog ito sa sahig. " ay.. yung IPhone ko!" wika ni Alice. "Wow! nahiya naman ako sa Wilphone ko!" pasigaw ng babaeng sa kabilang lamesa. Pero di na tayo magtatagal diyan... Back sa call tumawag ang kanyang Ama sa kanyang cellphone. "Anak, anong oras na.... blah blah blah" (pagod ang Author sa kasusulat ng ........ ng ating mga magulang)
Papalabas na sila sa Mang Inasal at nagkwekwentuhan.
C: ang ganda ng mga bituin. Alam mo pag darating na ang tamang babae sa buhay ko, ipapakita ko sa kanya itong mga bituin sa kalangitan kasama sya.
A: talaga? sno kaya yun? ....ah! si Margerie.. uuyyy.. si Margerie(:( nagseselos si Alice)
C: ano ka ba! matagal na yun! (kinikilig <3) tsaka, di pa nya ako sinasagot. Pero ayaw ko na mag expect. Pero mahal ko talaga sya!
A: ah.. ganun ba (naluluha si Alice)
Sa isipan ni Alice ay nagaeselos ito. Ito ang nasa isipan nya:
"sana ako na lang. Ako na lang sana Calvin. Nandito naman ako parate sa tabi mo? kung alam mo lang. Kung alam mo lang.
Sa kalagitnaan ng gabi, sa isang maliwanag na buwan, naglalakad papauwi na may bibit na luha sa kanyang damdamin. =(
Nang makauwi na si Calvin, "Pagod na pagod na talaga ako!! Gusto ko nang matulog!" Sabay bukas sa Front Door. "SHOCKS!" nabigla si Calvin pati na ang narrator nang nagBULAGA si Saliduhay sa amo.
"SIR! EATTTT BULAAGAAA!!!!"
"ITTSSS SHOWWWTIME!" sagot ni Calvin na namumula sa pagkabigla.
"Bat mo ba ako ginlulat?"
"Eh kasi po Sir, may nagpapabigay sa iyo ng letter?"
"Letter? kanino?"
"Ewan ko po,, basta nakita ko lang jan sa may mailbox."
Ang nakasulat sa letter ay ganito:
Dearest Calvin,
Pupunta ako dyan sa susunod na araw. Hintayin mo ako ha sa may puno ng Narra. Miss na miss na kita. Maghintay ka ha! PROMISE YAN!
Love, ----------------secret
"Weird!"
"OO nga Weird!"
Hindi alam nina Calvin at Saliduhay maliban na lang sa Author, kung kaninon sulat iyon. Kaya naman pinost nya sa Facebook ang sulat at nagtanong-tanong kung kanino galing ito.
Pero halatang gabi na kaya natulog na lang sila at ipagpabukas na lang ang Mysterious Letter na natanggap nila.
Kinabukasan ng Linggo
*binuksan ang TV*
"Salamat Doc! Salamat Doc!"
Pero walang kinalaman ang TV sa istoryang ito. Mabalik sa kwenro, Umaga iyon ng Linggo at katatapos lamang mag simba nila Clavin sa Simbahan. Ang plano ni Calvin ay puntahan ang mysteriosong babae se sulat. Kaya naman naman di na papatagalin pa ng Author ang istorya.
Sa May puno ng Narra sa likod ng Gaisano Mall
"Nasaan na sya!" nagtatanong sa sarili na parang wala sa sarili.
Nang biglang tinakpan ng babae ang mga mata ni Calvin sa likod. Pero naialis naman ito ni Calvin, lumingon at sinabing,
"MARGERIE?"
"Hey, Calvin! Nice to see you! MAlaki na pinagbago mo ha!"
"Uh,,oo nga! bat mo pa pala ako pinapunta dito?"
"Ah,, gusto ko lang kasing sabihin na... I LOVE YOU! Sinasagot na kita!"
"Pero sabi mo, ayaw mo akong makasama dahil wala akong silbe"
"HIND! Di totoo yun! mahal kita dahil may future ako sayo------ ah,,ang ibig kong sabbihin.."
"May Future? Bakit? MAHAL MO BA KO DAHIL KAILANGAN MO KO? O KAILANGAN MO KO KASI MAHAL MO KO?"
"Hindi, PERO<<<"
"Enough! Kahit kailan hindi ko naisip na magagawa mo yun! pero oo, nagawa mo na at di mo na maibabalik iyon."
"Alam mo Calvin, bat mo ako papakawalan, eh ang GANDA GANDA ko pa naman! wala ka nang hahanapin pa! Bakit? mas lamang ba sa iyo ang Bespren mong si Alice? yung babaeng di naman ganun kagandahan kasi sa laki ng eyeglass?"
"At nakita ko na ang totoo mong ugali MARGERIE. AND I SEE YOUR TRUE COLORS SHINING THROUGH! Nagkamali pala ako!"
Sinampal siya ni Margerie! At nagsalita "Balang araw, luluhod din ang mga Tala! at kasama ka na doon" Sabay walk-out.
Dahil naman nagbabatuhan na sila ng linya, makikisali na rin ang narrator, (Margerie, YOU'RE PATETHIC!) ]
Pagkatapos ng mahabang convo nina Calvin at Margerie, Ay umuwi na lang sila dahil AWKWARD!!!
Calvin's Journal
Nasaktan talaga ako kanina. parang sasabog ang dibdib ko. Wala ao\kong makausap. Tanging si Alice lang ang makakaintindi nitong nararamdaman ko. Expert kaya yon pagdating sa love. Nasaan na kaya sya ngayon?? at eto,,, namumula pa ang pisngi ko dahil sa sampal nya. tskk.. -Calvin
BINABASA MO ANG
Ang Pilosopo kong Bespren
Teen FictionSi Calvin, isang pilosopong tao na bespren ni Alice na matalino at masayahing babae na may konting pagtingin kay Calvin. Ngunit sa kasamaang palad, naaksidente si Alice at nag-iwan ng pighati na nagpabago kay Calvin. Akala nya patay na ito pero yun...