Bumaba si Calvin mula sa sasakyan. Nakita niya ang kanyang Bespren na nakahandusay sa daanan. Sumisigaw si Calvin ng tulong na parang nababaliw.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang ambulansya. Isinakay si Alice papuntang ospital habang nasa gilid niya si Calvin na umiiyak at nagdadasal.
Nakarating na ang grupo sa Emergency room. Minabuting hindi muna pumasok si Calvin at pinayuhang manatili muna sa labas. Ngunit, makalipas ang isang oras ay lumabas sa ER ang doktor at sinabing wala nang buhay ang dalaga. Hindi daw nakayanan ang pagkabagok ng ulo sa sasakyan.
Tila pinagsakluban ng langit at lupa si Calvin. Hindi niya lubos maisip kung bakit nangyari sa kanya ang insidenteng ito. Nakokonsensya siya kahit hindi naman niya sinasadya ang aksidente.
Maya't maya ay dumating ang nanay ni Alice. Umiiyak ito katabi ng kanyang anak. Sinisisi niya ang nangyari sa kanyang anak kay Cavin. "walang hiya ka! Ba't mo nagawa ito sa anak ko?!" sabay sampal sa kanya. "hindi ko po sinasadya. Aksidente po ang nangyari. Hindi ko po magagawa sa kanya iyan." sagot ni Calvin na nanginginig sa takot at lungkot. "hinde!!!! Sinadya mo itong mangyari! Wala kang utang na loob! Malas ka! Isinusumpa ko, babalikan kita at magbabayad ka!"
Kumaripas ng takbo ang binata papunta sa kanilang Coffee Shop. Umiiyak ito ng todo. Habang ang kanyang mga katulong na sina Wayway at Saliduhay ay hindi umimik at nanigas sa sobrang shock.
Samantala, sa ospital, nabuhayan ng loob ang Ina ni Alice nang nabalitaan na na Comatose lang si Alice. Nagsinungaling ang doktor kay Calvin dahil sa sinabi rin ng Ina ni Alice dahil alam ng kanyang ina na makakasama sa kanya ang pagsama kay Calvin at hindi malayong manganib ang buhay niya. Pinayuhan sila ng doktor na sa US nila papagamutin si Alice dahil mas advance ang teknolohiya nila doon at doon lang mahahanap ang lunas na magpapagaling sa kanya. Sa buhay ng isang tao, may mga bagay talaga na hindi dapat pinaglalalapit. Ito ang mga bagay na hindi compatible at walang mararating kung magsasama ito. Maaring may pinagdaanang napakasalimuot na nagdulot ng isang pangyayari na nagpabago sa lahat.
Makalipas ang Isang Linggo ay aalis na ang mag-ina papuntang States. Minabuti nilang hindi na ipinaalam kay Calvin ang paglisan nila sa pinas. Samantala, kamamatay lang ng ina ni Calvin dahil sa sakit na Cyst ilang araw lang matapos ang aksidente na nangyari kay Alice. Ang kanyang Ama naman ay nakipaghiwalay sa kanya in dahil may mahal na itong iba. Naiwan nalan kay Calvin ang kanyang kapatid na si Red na 5 taong gulang pa lang. Wala silang mga pinsan. Namuhay na ulila sa mga magulang ang nagkakapatid. Halos di na masaya at matuwain si Red. Parate na lang itong nakatunganga at parang walang imik. Ngunit patuloy parin ang pamumuhay nila.
Makalipas ang 2 Taon, minulat muli ni Alice ang kanyang mga mata. Ang kanyang Ina ay nakahanap na ng kabiyak. Si Ronaldo. Isang espanyol na nagmamay-ari ng isang Coffee shop. Dahil naging mayaman na ang pamilyang Fidelity, maagang naipagamot at gumaling si Alice. Ang kanyang ina na nurse ay naging COO na ng Ronaldo's Coffee Shop. Nag-iba na ang kanilang pamumuhay. Naging mataray si Alice. Galit at poot ang bumalot sa puso niya. Nais niyang balikan ang Pinas. Balikan si Calvin. Hindi para maging Bespren. Pero balikan para maghiganti at maging tinik sa buhay niya.
"ahh....anak, may ipapakilala sana ako sayo!" wika ng kanyang ina.
"sino po?" sabi ni Alice.
' ah.. Siya pala ang nagsabi lahat ng nangyari sayo at kung bakit ka naaksidente. Si Margerie. Siya na ang magiging kaibigan mo at aalalay sa yo. Kinumbinse ko sya na sumama sa states at maging kaibigan mo. I'm sure magkakasundo kayo!"
"Hi Alice! Nice to see you again" wika ni Margerie.
"so , Margerie! Handa ka na ba sa paniningil ko?"
"GORA!!!!!"
At lahat tumawa pati si Ronaldo. Lahat ay nagbunyi at handa na sa paniningil kay Calvin. Humanda na siya sa pagbabalik nila. Parating na ag delubyo sa buhay ni Calvin.
Makalipas ang isang linggo ay bumalik na nga ng pinas sina Alice. Dumiretso na sila sa shop ni Calvin.
"Alice. buhay ka!! "
"hinde patay"
"pero bakit.. Bakit..( sabay hug)
"wag mo nga ako hawakan, ang dumi mo!"
"pero.."
"walang pero pero. Nandito lang naman ako at ang abogado ko. Nais ko lang naman PALAYASIN ang nagmamay-ari nito. Dahil ako na ang magmamay-ari nito."
"hinde... Hinde ko naman binenta to"
"hindi mo ba natatandaan? Diba may kaibigan kang nagngangalang Margerie? Well, binigay mo daw sa kanya ang papeles na nagsasabing ibibenta mi ang shop.!
"sandale..wala naman akong natatandaan!"
"well..shunga ka!dahil sa akin na ito. Wala akong pakealam kung hinde mo natatandaan. Hinde ko problema iyan. Bobo! Teka.. Lage ka naman bobo. Diba TOP 2 ka lang???? Pwe! Pahiya!
"sandale.... Di maari ito. Pano na ang kapatid ko? Kawawa naman siya!"
"Problema mo na iyon. Kung gusto mo, magtrabaho ka dito. Ikaw lang. Wala kang katulog o kaalalay. Ikaw lang. Para magdusa ka!"
"....."
"mamili ka. Piliin mo ang tama. Bobo ka kase eh. Hahahahah!!!!"
"o sige. Tatanggapin ko."
"pwes.. Ang sweldo mo ay 2,000 a month."
"sandale?? Hinde naman patas yan! Pano ko makakapagtapos sa kolehiyo nyan?? Tapos si Red mag-aaral na sy ngayong pasukan. Hinde yata patas iyan."
"pwes. Umalis ka na at wag nang babalik. "
"hinde ko maaring iwanan ito. Tinayo ito ng Inay at Itay ko. (umiiyak)"
"wag mo akong daandaanin sa paiyak na yan"
"Alice, bat ka ba nagkakaganyan sa akin? Ano ba ginawa ko? Diba bespren mo ako? Nakalimutan mo na ba yon?"
"nakalimutan ko na. Nahulog ata nung nabangga ako."
"yun ba? Hindi ko naman sinasadya iyon."
"sabihin mo yan sa pagong.! (tumatawa) "
At tuluyan nang umalis si Alice.
SA BAHAY NI ALICE
Aligagang-Aligaga ang Ina ni Alice dahil kaluluto lang ng menudo at baka daw mapanis
'Oh anak... Luto na ang menudo. Paborito mo to dba?"
"ay hindi. Hindi. Dba snabe ko na nay na paborito ko yan dba?"
"hay naku. Mas pilosopo ka pa kaysa kay Calvin. Ah.. Kumusta pala yung plano mo?"
"huh! Tagumpay nay! Hahaha.. Patuloy ko pang pahihirapan ang kanyang buhay. magiging tinik sa taksil kong bespren.
"manuti yan anak. Gantihan mo yan siya. Siya naman ang may kasalanam kung bakit ka naakaidente."
"pahihirapan ko talaga ang buhay niya. Magbabayad siya (*Evil Smile*).... Kumain na tayo inay!!"
"oh ayan ha... Meron tayong Menudo, Adobo, Steak, Fish Fillet, Corned Beef galing kay Senyora, Sunday at marami pang iba!
"Ang dami naman neto!!!! halina't kumain na tayo"
SA BAHAY NI CALVIN
" Hi Red! Oh ano? Nakatulog ka ba ng maayos?
"opo kuya. Nakatulog po ako. Sa katunayan, gutom na nga ako eh!"
"ahh. Ehh.. Red, Sabaw lang muna ang ulam naten ha!? Kase, may nangyari kanina. Kinuha ang shop naten at walang natera kundi yung naipon kong pera.(naiiyak)
"ok lang po yon kuya. basta magkakasama tayo! (hug)
"halikana... kain na tayo! alam kong gutom ka !"
"OK!"
BINABASA MO ANG
Ang Pilosopo kong Bespren
Teen FictionSi Calvin, isang pilosopong tao na bespren ni Alice na matalino at masayahing babae na may konting pagtingin kay Calvin. Ngunit sa kasamaang palad, naaksidente si Alice at nag-iwan ng pighati na nagpabago kay Calvin. Akala nya patay na ito pero yun...