C H A P T E R 5
Mariposa
Lutang akong napatitig sa mukha ni Hunter habang naghihilot pa rin siya ng kanyang sentido. Nagbibiro ba siya? Sa ganitong ka delikadong sitwasyon, nakukuha pa niyang magbiro?
E, gago pala talaga, e!
"Tinatanong kita nang maayos. Seryosong bagay ang nangyari sa'yo! Huwag na tayong maglokohan, please! Ano bang nangyari sa'yo?!" sunud-sunod ko pang tanong sa mahinahong boses.
Saglit ko ring tinapunan ng tingin si Kuya na diretso pa ring nakatitig kay Hunter.
"W-ala akong maalala... S-ino ka ba? P-aa-"
"Wala kang maalala?" singit pa ni Kuya na mas lalong sumeryoso ang mukha.
"Kuya, please. Huwag mo na sakyan ang trip niya, please," pakiusap ko pa sabay pinandilatan ito ng mga mata. "Are you sure wala kang maalala?"
"I really can't remember a single thing," desperado pa ring sagot nito.
Tinutop nito ang noo na para bang sumasakit iyon.
Shit. Wala talaga siyang naaalala? Seryoso ba 'to? Hindi ba pang teleserye lang 'tong ganitong eksena? Hindi ba kapag nauntog man ang ulo, it's either may malaking bukol sa ulo o pechay na lang? May sense ba ang mga pinagsasabi ko?
"Can you remember your name?" seryoso ko pang tanong habang pinag-aaralan ang kanyang reaksyon.
"My n-ame?" Muli siyang malalim na napaisip, pero bandang huli ay marahan na lamang na umiling.
"Who am I?" Naguguluhan pang aniya habang hinihimas ang noo. "How did I get here? Do I live here?" magkasunod pa niyang tanong na nagpatulala sa aming magkapatid.
Umaarte ba 'tong loko na 'to?
"Wala kang maalala?" paniniguro ko pa habang nakatitig sa kanyang mga mata. Pero nang tumitig siya ng diretso sa akin ay noon ko napagtantong hindi talaga siya nagsisinungaling!
Wala siyang naaalala!
Kumunot ang kanyang noo. Tila nangangapa sa mga nangyari. Nawala ang nagtutumayog na confidence sa katawan. Para pa nga siyang maamong tupa at malayung-malayo sa nasaksihan kong hambog noon. Mukha rin siyang takot na takot.
Isip, Osang. Ano na?!
"You don't remember that I am your wife?" nagpipigil pa ng ngiting tanong ko na nagpaikot naman sa mga mata ni Kuya.
I am just testing him just to be sure. Tutal mukhang wala naman kaming choice kundi tulungan siya.
Marahan lang ulit siyang umiling habang nakakunot-noo. Para bang iyon ang pinakawalang kwenta sa mga sinabi ko.
Siraulong 'to, a. Mukha bang impossibleng puwede niya akong maging asawa?!
"What happened to me?" muli ay pag-uusisa niya.
"You had an accident," simpleng sagot ko lang sabay makahulugang lumingon kay Kuya. Sa ngayon, alam kong hindi makabubuti ang sabihin sa kanya ang nangyari. Paniguradong magpupumilit siyang umalis at malalagay sa peligro ang kanyang buhay. "Nalaglag ka sa puno ng saging habang namimitas ng bunga."
Sumilay ang mumunting ngiti sa labi ni Kuya, pero hindi naman siya kumontra. Mukhang nakukuha naman niya ang ibig kong mangyari.
"Really?" nakakunot-noo pa niyang tanong habang matamang nakakatitig sa akin. Sobrang ganda talaga ng mga mata ng gagong ito!
Shit. Focus, Osang!
"Duda ka?" nakataas-kilay ko pang tanong habang si Kuya ay hindi na napigilan ang matawa.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH A MONSTER
General FictionSi Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napagtanto kung gaano kasama ang ugali nito. Nang maaksidente ang lalaki at nawalan ng memorya, noon niya...