C H A P T E R 1 8
Mariposa
Halos maghapon akong hindi mapakali sa hindi ko maunawaang kadahilanan. Kulang na lang ay hilahin ko talaga ang oras para lang mag alas cinco ng hapon.
"Susunduin ka ba ng boyfriend mo?" nakangising tanong pa ni Rhys nang palabas na kami ng opisina.
"Hindi 'no!" mabilis ko rin namang sagot sabay ayos sa aking sling bag.
"Hey!"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Si Calvin.
"Sabay na ako sa inyo," nakangiting sabi pa nito.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang impit na sigaw ni Rhys. Para bang kinilig. Luka-luka talaga.
"Sure," iyon na lamang ang naisagot ko habang pinipigilang 'wag paikutin ang mga mata ko sa reaksyong iyon ni Rhys.
Mabuti na lang at naunang lumabas si Ma'am Gina, kung hindi ay dalawa na silang gumigisa sa akin ngayon.
Nang makalabas kami ng munisipyo ay halos mapalis na agad ang mga empleyado. Mukhang hindi lang ako ang naghihintay ng alas cinco, a.
"Saan ang bahay mo, Osang? Ihahatid na kita," kaswal na sabi pa ni Calvin.
Nakangiting sumenyas sa akin si Rhys na para bang nangungumbinsing pumayag na ako. I wonder kung alin ang hindi niya naintindihan sa sinabi kong may boyfriend ako?
"Hindi na, Sir Calvin. Kaya kong umuwi mag-isa," magalang ko rin namang tanggi.
"Ayan ka na naman sa Sir Calvin mo, Osang. Hindi naman ganoon kalayo edad natin." Nagkamot pa ito ng ulo.
Ngumiwi ako at mapaklang ngumiti.
"I think on the way naman ang sa inyo."
"I'll take it from here."
Literal akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na iyon. Marahan akong lumingon at agad ko ngang nasalubong ang gwapong mukha na iyon ni Hunter. Hindi ko man kita ang mga mata niya sa suot na sunglasses ay natitiyak kong siya iyon. Maayos din ang pagkaka-shave ng kanyang facial hair. Para bang katulad noong unang beses ko siyang makita sa personal.
He looked so handsome and... hot.
But wait.
Anong ginagawa niya rito?!
Agad na nanlaki ang mga aking mata at mabilis na kumilos. Inilabas ko ang panyo sa aking bulsa at agad iyong itinakip sa mukha ni Hunter na naguguluhan pang tumitig sa akin.
"What are you doing?" bulong pa nito.
"Guys, una na kami. See you tomorrow!" mabilis na paalam ko pa sabay malakas na hila sa braso nito palayo roon.
Hindi naman na nagawang makasagot ng dalawa marahil na rin sa sobrang gulat.
"Anong ginagawa mo rito?!" kinakabahang tanong ko pa habang pilit na tinatakpan ng panyo ang mukha nito. Halos magkandarapa ako sa pagtakip sa kanyang mukha dahil sobrang taas niya kumpara sa height ko. "Hindi ba sabi ko, 'wag kang aalis sa bahay!"
"Sinusundo lang naman kita-"
"Sabi ko nga, hindi puwede, 'di ba? Bakit ayaw mong makinig?!" gigil pang sabi ko sabay tulak sa kanya papasok sa loob ng humintong trysikel.
Kakamut-kamot naman siya ng ulong sumunod at halos magkandauntog sa bubong ng trysikel.
"I don't understand. Anong mali sa pagsundo ko sa 'yo?" nakakunot-noong tanong pa niya. "O ayaw mo lang pasundo kasi may ibang maghahatid na sa 'yo?"
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH A MONSTER
General FictionSi Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napagtanto kung gaano kasama ang ugali nito. Nang maaksidente ang lalaki at nawalan ng memorya, noon niya...