Chapter 17

31K 1.2K 40
                                    

C H A P T E R 1 7

Hunter Carlson

Nang makaalis si Osang papunta sa trabaho ay wala na akong inaksayang panahon. Sana lang ay hindi ako abutan ng traffic sa daan kahit pa parang naiimposiblehan ako. Kung ano ang idadahilan ko kay Osang kapag hindi niya ako inabutan sa bahay mamaya ay hindi ko pa rin alam.

Bahala na.

But I needed to do this for myself. Hindi na ako makapaghintay na bumalik ang memorya ko. Kailangan ko na lang mag-ingat dahil possibleng nasa panganib nga ang buhay ko. Pero paano ko nga ba pag-iingatan ang sarili ko kung noong may memorya pa ako ay nanganib na ang buhay ko, ngayon pa kayang wala akong maalala?

Nang kumirot nang husto ang ulo ko ay pinigilan ko muna ang mag-isip.

Hindi makabubuti kung sa daan pa ako abutan ng pagsakit ng ulo.

Mabagal ang takbo ng bus at kulang na lang ay masigawan ko ang driver. Ganito ba talaga sa probinsya?

Fuck. I needed my car!

Tanghaling tapat nang makarating ako sa Manila. I couldn't believe that it would took that long. Kung mabilis lang siguro ang takbo ng bus ay hindi ako aabutin ng ganitong oras.

Bumili ako ng mumurahing sunglasses pati na rin ng cap at isinuot iyon. I should keep myself in low profile. Habang wala akong maalala, mas mainam na walang makakilala.

Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa San Victores Group of Companies.

Nang marating namin ang destination ko ay dali-dali akong bumaba at naghanap ng puwedeng pagtaguan.

Tiningala ko ang mataas na building na napalilibutan ng salamin. Sa bukana ay nakasulat ang pangalan ng kompanya in silver letters.

Dalawang guard ang nakabantay sa lobby at nagmamasid sa mga taong labas-pasok sa loob ng building.

Fuck. Paano ba ako hihingi ng tulong kay Uncle Bien ng walang makakapansin? Wala akong nakitang ibang impormasyon sa magazine maliban sa address ng kompanya. Saan ba ako nakatira? Saan nakatira si Uncle Bien?

Kumirot ang ulo ko at wala ako sa sariling tinutop iyon. Shit. Hindi puwedeng dito ako gumawa ng eksena!

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pilit na kinalma ang sarili. Kung kinakailangan kong maghintay ng ilang oras, gagawin ko. Pero makakauwi pa ba ako sa Bulacan? Paano si Osang?

Fuck. I didn't have her number!

I didn't have a cell phone either!

Umiling-iling ako at ngumiti sa kawalan. Tama bang magtiis ako sa hirap kung nagmamay-ari ako ng ganitong kalaking kompanya? May dapat nga ba akong katakutan?

Ugh, this was insane! Bahala na!

Mabilis ako lumabas sa pinagtataguan ko at humakbang palapit sa lobby. Pero hindi pa man ako nakalalapit nang husto roon nang may kung sinong biglang humila sa braso ko papunta sa ibang direksyon!

What the fuck?!

"Chill, Bro. Chill," bulong pa ng lalaki sa akin habang mahigpit akong hawak sa braso.

Kumunot ako at pilit itong kinilala. Pero tulad ko ay nakasuot siya ng cap at madilim na sunglasses. I couldn't see his fvcking eyes!

"Where the hell are you taking me?!" I asked calmly. Alam kong walang mabuting maidudulot kung gagawa ako ng eksena.

"I am taking you home, you idiot! Tsk!" inis pang sagot nito at agad na sumenyas sa sasakyang 'di kalayuan.

Shit. Am I being kidnapped?

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon