Episode 3

136 7 0
                                    

Thirdy

Hindi ko maiwasang mapangiti habang naalala yung ginawang pagsalo sa akin ni Kai.

Inaayos ko ang kwarto ko ng biglang nahulog ang isang libro sa book shelf kinuha ko ito napansin ko ang isang lumang litrato na nakaipit sa libro.

Larawan ito noong bata pa ako kasama ang isang medyo matabang bata naalala ko si DaDa ito ang Bestfriend ko since kinder hindi ko maiwasang maiyak habang tinitignan ang larawan na kasama siya after graduation ng elementary nagkahiwalay kami dahil nag migrate sila sa bansang korea simula noon wala na akong balita sa kanila sayang hindi ko nasabi ang feelings ko para sa kanya.

Kamusta na kaya siya? Ano na kaya ang buhay niya ngayon? May girlfriend na kaya siya? Mga tanong na gumugulo sa isipan ko ngayon dahil sa larawan na muli kong nakita.

Kinuha ko yung phone ko at binuksan ang facebook para subukan na hanapin si DaDa kaso walang lumabas buong pangalan na niya hinanap ko kaso wala ibang tao ang lumalabas.

" DaDa sana naman magkita na ulit tayo " mahina kong bulong.

Bumaba na ako ng kwarto ko pagbaba ko naroon si Kai may dalang pagkain.

" Anak nariyan pala si Kai yung sa tapat may dalang pagkain para sa'yo "

" Hi Kai "

" Hello Thirdy dinalhan pala kita ng pagkain "

" Salamat Kai nagabala ka pa para diyan "

" Wala yun Thirdy "

Kinuha ko na yung mga dalang pagkain ni kai at pinagsaluhan naming dalawa.

Ang saya kasama na kumain si Kai isa sa mga member ng paborito kong idol group na B2B.

" Did you like it? " Tanong ni Kai sa akin.

" Yeah sobrang sarap ng pagkain Kai "

" Salamat nagustuhan mo ang niluto ko "

" Luto mo? "

" Yeah "

" Marunong ka pala magluto "

" Naman "

" Hayaan mo next time ikaw naman ang ipagluluto ko "

" Nak bagay kayo " sabat ni mama.

" Mama naman "

" Okay okay aalis na ako hindi ko na kayo guguluhin sa date ninyo "

" Ma naman! "

Umalis na si mama sa harapan namim naiwan kaming dalawa ni Kai.

" Pagpasensiyahan mo na si mama mapagbiro lang yan "

" Okay lang Thirdy "

" Pupunta na ako sa bahay ninyo maglilinis pa ako "

" Okay tutulangan kita na dalhin ang mga gamit "

" Sige "

Dumirecho na kaming dalawa sa tapat dala dala ni Kai ang mga cleaning tools.

" Sige na maglilinis na ulit ako Kai salamat ulit sa food "

" Welcome Thirdy "

Nagsimula na akong maglinis ng bahay nila Darren.

Napansin ko na bukas ang isang kwarto sa baba na tambakan ng mga gamit kaya hindi ko maiwasang pumasok sa loob.

Puro lumang gamit ang laman ng kwarto pumukaw sa akin ang isang lumang drawing ng babae at lalaki pamilyar sa akin ito bigla kong naalala eto yung drawing ko para kay DaDa may childhood friend na first love ko na rin.

Idol Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon