Chapter 1
“Kuya Ace! Kuya Ace! Gising naaaaaa! May pasok ka pa!”
“Oo, eto na babangon na.”
Nakakainis naman tong kapatid ko. Ang aga-aga nambubulabog.
Agad na akong bumangon at dumiretso sa banyo.
“Goodmorning pogi! First day mo ngayon, kailangan mong maging pogi. Madaming chix nanaman mamaya!”
Agad na akong naghubad at nagshower.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nag bihis ng pang porma at bumaba para kumain.
------
“Hoy, Angelo! Ang aga aga nakikipagtext ka nanaman, nilalangaw na yang pagkain mo” pang asar ko sa kapatid ko.
Si Angelo nga pala ay third year highschool na. Magkasunod lang kami kaya medyo close kami. Lagi ko siyang kasa-kasama kahit san mag punta.
“Atleast ako mag lovelife. Eh ikaw ba?” gumanti nanaman siya.
“Ewan ko sayo. Kumain ka nalang” mukhang barado nanaman ako.
"Nako. Tama na yan. Kain na kayo." habang hinahain ni mama ang ulam.
Marami na rin akong naging girlfriend pero hindi ko sila lahat sineseryoso. Chickboy e.
Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming sumakay sa kotse ni Papa papunta ng school. Pero sa totoo lang ay kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero tuwing unang araw ng pasukan ay lagi akong kinakabahan.
“Ace, mamaya hindi ko kayo masusundo. May meeting ako. Si manong Arnold nalang ang magsusundo sainyo” sabi ni papa na nagmamaneho
“Ah Pa, baka di po ako dumeretso ng bahay mamaya. Si Angelo nalang po ipasundo niyo. May lakad po kami ng barkada ko mamaya” sagot ko kay habang inaayos ang buhol-buhol na earphones.
“Osige”
-----
Pagdating naming sa eskwelahan, nakita ko agad ang bestfriend kong si Harvey.
“Oy, Harvey” sabay batok.
“Aray. Ang aga aga nambabatok ka.” Binatukan niya din ako.
“Aish. Ano kamusta?”
“Anong kamusta? Parang di tayo nagkita kagabi ah”
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is My Everything
RomanceIstorya ito ng isang lalake. Hindi niya inaasahan na ang babaeng makikilala niya ay magiging malapit sakanya.