Chapter 3

12 0 0
                                    

“OMG! ACE!”

-_________________________-

“Ui brad, goodluck!” pang –asar ni Lawrence.

“Goodluck bro.” Isa pa tong si Andrew.

Baket nandito siya?! Bakit nandito si Loreen? Wag niyong sabihin na magiging kaklase ko to?

“ACEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!” Sabay hug sakin.

“Please lang, Loreen. Hinaan mo boses mo okay? Pinagtitinginan ka ng mga kaklase ko.” Pinipilit kong ilayo ang pagkakagapos niya sakin.

Si Loreen nga pala, ang ex kong hindi maka-move on sakin, kahit na alam niyang hindi ko siya sineryoso. Kaya ko lang siya niligawan nuon dahil nga sa isang dare. Isa kasi siya sa mga campus crush dito. Kahit na break na kami eh pinagkakalat niya paring kami pa.

“Mga kaklase NATIN Ace. Finally! Magiging kaklase na din kita!”

“Loreen, pwede ba, tigilan mo na ako? Matagal ko nang tinapos relasyon natin. At alam mong hindi naman talaga nagkaroon ng ‘tayo’ diba? Alam mong dare lang yon?”

“Ace, I know! Gusto ko lang naman maging friends tayo ulet eh”

“Yeah right.”

“Uhm, excuse me miss? Can you move don sa kabilang chair? Pwesto ko yan e.” Mataray na sabi ni Loreen sa babaeng katabi ko kanina.

“Hey Loreen, don’t be rude. Nauna siya jan sayo.”

“Hindi ayos lang. Sige dito ka nalang.” Sabe nung babae.

“Thank you!” Sabay plastic na smile sa babae.

Nakakairita talaga tong si Loreen. Shet naman. Bakit pa siya nilagay sa section na ito. Nakita ko naman sila Andrew at Lawrence na natatawa.

Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa desk, habang si Loreen naman ay nagreretouch. Grabe lang, bakit ba ako pinapahirapan ng ganito.

Dumating na ang adviser namin at nagsimula na siyang magpakilala.

“Goodmorning seniors. I am sir Oscar Segarrio and I will be your class adviser. So to start our day, I would like to ask each student to stand here and introduce yourselves. State your name, age, and a fact about yourself. For the new students, also include your previous school. Let us start from Mr. Ramirez.”

O____O

Baket saken pa magsisimula?! Hays.

Tumayo nalang ako sa harap at nagpakilala. No choice e.

“Goodmorning everyone, I am Ace Gabriel C. Ramirez. 16 years old and I am a human”

Sabay tawanan mga kaklase ko.

“Alright, thank you for that wonderful fact Mr. Ramirez” Ang sarcastic na sabi ni sir Oscar. “Okay, next.”

Ang sumunod naman sakin ay si Loreen.

“Hello classmates, I am Loreen Abigail M. Delos Santos. 15 years old and Ace is my one and only.”

Sabay “ayhiiiiieeee” ng mga kaklase ko.

“I know guys. We are so bagay together diba?”  

 wtf?

Bakit ba ayaw akong tigilan nitong si Loreen. Kala ko ba gusto niya lang makipag kaibigan ulet?Bakit pa kasi ako pumayag sa dare na yon. Tanga mo Ace, tanga tanga mo.

“Okay, that’s enough Ms. Delos Santos. Next please.”

Siya na....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend is My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon