IMPORTANT NOTE:
NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.
--------------------------
(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option, altho baka 'di niyo na po kailanganin at less than 1k naman po siya)
--------------------------
When the meter has been turned on
everything disappears in the rain
without a trace
& like a whisper
Kent, 747
--------------------------
"Si Arika na naman ba, Doc?"
"Hindi. Ano ka ba? Matagal ko na ngang sinabing naka-move on na ako."
His thoughts were more or less occupied by the smiling girl at his side.
Tinignan niya ang dalaga. May laman na ito at hindi na katulad ng dati na sobrang payat. The puffiness in her eyes are starting to gradually lessen as well. At mas mukha na itong healthy kaysa sa dati.
Hanggang ngayon, ipinasasalamat talaga niya sa Diyos na nagawa niyang kumbinsihin itong magpagaling. Because he wouldn't have been able to know her more. RG is very different from Arika.
Ibang-iba ang hitsura ni RG sa kanyang ex. While his ex had huge eyes, RG's was small. Sa liit noon ay para na itong nakapikit kung tumatawa. Hindi rin heart shape ang mukha nito, oval. Medyo payat na oval. Pero kung ngumingiti ito, lumulobo ng konti ang oval. And she never looked at him like she's calculating what he's going to do next.
Pantay lang sila kung nagkwekwento. He knew as much as she does. May mga nakakapansin na nga na sobrang close nila. Pero hindi naman imposible.
Paanong hindi? Si RG ang nakakaalam kung paano siya patawanin kung down na down siya. At siya ang nakakapansin kung pinipilit lang nitong maging masaya. And he saved her when she tried to die and he's also the doctor who promised her a second chance.
Wala mang actual na lunas ang sakit ng dalaga ay magagawa naman nilang tigilan ang progreso noon. Nasa Stage 3a ang CKD ng dalaga, mild to moderate lang sana iyon pero nung nalaman na nila, nag-progress na sa 3b, pero mabuti na lang at naagapan bago pa iyon mag-progress.
Hindi naging madali ang pinagdaanan ng dalaga for the past six months, but here she is, still alive and kicking.
"So, kung hindi si Arika, anong rason at naninigarilyo ka dahil sa stress?"
"Dahil sa'yo. Na-stre-stress ako sa'yo."
"Ay, wow, grabe siya."
She pouted.
Natatawa at napapailing na lang siya. Ang cute talaga nito kapag nag-pa-pout. Yes, he thought she's cute.
"Yung totoo, Doc. Ano ba talaga?"
Ibinalik niya ang tingin kay RG. "Ikaw ba? Yung totoong rason."
"Sabi ko nga may radar ako, ang kulit mo talaga."
"Di nga?"
"Bastos. Ibalik ba naman sa akin yung tanong ko sa kanya? Ikaw pala ang mas masama sa atin, e, Doc."
He shook his head. Iba talaga ang sense of humor nito. He loved it though.
"Wala lang. Gusto ko lang magpahangin. Alam mo na, masaya lang at hanggang ngayon buhay ka pa," marahan siyang natawa.
Ang totoong rason kung bakit nandoon siya ngayon ay dahil umiyak na naman siya. Bumubuti na kasi ang lagay ng ilan sa mga pasyente niya, kasama na doon ang dalaga. Hindi dahil malungkot siya kundi dahil masaya siyang nadudugtungan pa rin ang buhay ng mga ito dahil sa kanya.
"Keri pa ba ng bulsa mo, Doc?" Nangingislap na ang mata nito at mukhang may sasabihin itong kapilyahan. "Mukhang napapamahal na kasi ang dialysis ko, e."
"Ano ka ba? Syempre, okay lang. Kailangan kong mag-effort para sa future girlfriend at magiging asawa ko."
"Luh, advance mag-isip. 'Di ka pa nga nanliligaw."
"Baka ikaw ang hindi pa sumasagot."
"Assumero!"
Tumawa lang siya at inilahad ang kamay sa dalaga. Tinanggap naman nito iyon at ipinatong nito ang ulo sa kanyang balikat. He kissed her hand. He could admit that he was already in love with her. Nakakatawa rin kung papaano nangyari.
BINABASA MO ANG
The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLISHED AS PART OF THE ILYWAMHAK ANTHOLOGY ]
RomanceFebruary 14 is a curse. Laging hindi masaya si Alaric sa 14th. Laging nag-iisang ka-date ang sarili niya kahit pa may girlfriend siya. It has been that way for the third year of his relationship with Arika. Kahit hindi Valentines ay hindi niya talag...