six months after the first dialysis session

469 36 60
                                    

IMPORTANT NOTE:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IMPORTANT NOTE:

NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.

--------------------------

(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option, altho baka 'di niyo na po kailanganin at less than 1k naman po siya)

--------------------------

Something begins, something ends

In my life, it always stood still

However far I run

Kent, Andromeda

--------------------------  

Alaric stared at the moving cars below. Saglit siyang pumikit at huminga nang malalim. Langhap niya ang usok na nagmumula sa sinindihan niyang sigarilyo. Ibinuga niya ang usok palabas at nanatiling nakapikit.

Iba ang pakiramdam na nasa taas ng rooftop. Pakiramdam niya sa kanya ang mundo. Pakiramdam niya parang andali lang tumalon. Iyong konting hakbang lang.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Magiging ala-Superman siyang lilipad pababa, ang pinagkaiba lang wala siyang superpower kaya kung bumagsak siya, iyon na ang huli. But that's just him being sentimental at hindi naman siya suicidal.

"For a nephrologist, himala atang naninigarilyo ka," wika ng isang boses na nahimigan niyang nagmumula sa kanyang likod.

Iminulat niya ang isang mata para tignan kung sino iyon. It's Rooftop Girl or sometimes, he had playfully called her RG. Alam naman niya ang tunay nitong pangalan pero dahil ito na mismo ang nag-request na 'wag siyang tawagin sa pangalan ay 'di na niya ginawa. She's a patient of his. Ngumiti ito sa kanya at tinabihan siya sa railings.

"Buti na lang may railings dito, ano, Doc? Baka kung wala, tumalon ka na."

Marahan siyang natawa at inalis ang sigarilyo sa bibig. Itinapon niya iyon sa sahig at tinapakan. Unti-unting namatay ang usok hanggang naging isa na lang itong isang puting linyang pilit na inaabot ang langit. 

"Wala naman akong balak magpakamatay. Baka ikaw ang mas laging tambay rito. Besides, RG, alam mong ngayon lang ako nanigarilyo kasi na-stre-stress ako. First time lang talaga, promise."

"Alam ko," nakangiting usal nito. "Kung hindi lang madadagdagan ang sakit ko sa bato ng sakit sa baga ay baka sinamahan na kitang manigarilyo."

Napapailing na ginulo niya ang buhok nito na ikinasimangot lang ng dalaga. "Shut up."

Itinulak naman siya nito at agad siyang napaigtad, muntikan pa siyang bumagsak kung hindi niya lang naagapan ang sarili. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Binelatan lang naman siya ng dalaga.

"Ang sama talaga neto," napapailing na sabi niya. "And why are you here? Di'ba pinauwi na kita?"

"Ganto kasi 'yan, Doc. Ipinanganak ako na may radar sa ulo. Randam ko kung may nagmamaktol na pogi sa tambayan ko."

Tinignan niya ito at alam niyang nakangiti na siya kaya hindi niya pwedeng sabihan ang dalaga. Napailing siya. She wasn't this genuinely cheery before. Sadyang mas napaganda lang ng patuloy nitong pag-da-dialysis at nang pagbabago ng lifestyle nito ang temperament ng dalaga. Kaya mas nagiging cheery at positive ito.

At dahil palagi siyang nahahawa sa temperament nito, nawawala na rin ang stress niya.

"Si Arika na naman ba, Doc?" Bigla namang tanong ng dalaga, it was a name he haven't heard in a while.

"Si Arika na naman ba, Doc?" Bigla namang tanong ng dalaga, it was a name he haven't heard in a while

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLISHED AS PART OF THE ILYWAMHAK ANTHOLOGY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon