IMPORTANT NOTE:
NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.
--------------------------
(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option, altho baka 'di niyo na po kailanganin at less than 1k naman po siya. Also, in-attach ko po ulit as an External Link ang full translation po ng song na nagamit po for this chapter at wala po akong mahanap na vid na may English lyrics. Hiyon lamang po, thanks for reading ^^
P.S. agen haha xD thank you so much edelrud, for your comments na medical-related haha xD because I researched as much as I can in two days na kulangan haha xD edited out the Stage 2 CKD, because originally, RG had Stage 3a, that's why ganern. Anyways, I edited it sa six months part 2, also as for your other comments, I'll give you a link to my research, please feel free to disprove it if ever. Cause I need accuracy for this one, thank you once again ^^)
--------------------------
I don't want you to see
all the marks on my skin
I don't even want you to smile
when I say that I am ugly
Tell me how to break the ice
Kent, Indianer
--------------------------
"Uyyyyy, Doc, 'di ako namatay dahil sa dialysis! Pa-kiss nga bilang reward," pilyang bati sa kanya ni Rooftop Girl pagdating na pagdating nito sa rooftop. Ito ang unang araw ng haemodialysis ng dalaga.
Apat na oras silang nagsama sa isang kwarto at kung ano-ano ang pinagkwekwento nito sa kanya. At kahit mukhang nahihilo at nagkaroon ng muscle cramps ang dalaga dahil sa proseso ay nagawa pa rin nitong magpatawa.
Lunch na natapos ang dialysis at dahil inimbitahan siya ni RG na kumain ay nandoon na naman sila sa rooftop. Pakunswelo raw ng Mama nito dahil sa ginawa niyang pag-sponsor at pagkausap sa ospital para matulungan sila sa expenses ng pagpapagamot ng dalaga.
Napapailing na ginulo niya ang medyo kulot nitong buhok. "Sira ulo ka talaga. Paano ka mamatay sa dialysis?"
"Malay mo, di'ba? Kaya kanina pa ako nagpapatawa para at least tumatawa akong mamamatay."
"Ang sarap mong pitikin ulit sa noo. Bakit ba ang morbid mo? Kaya ka nga nasa ospital para magpagaling, di'ba?"
"Luh, offended siya."
He sighed. Ipinatong niya ang pisngi sa kamay at tinitigan ito. Nakatingin din ito sa kanya at wagas kung makangiti.
He knew that she's trying to be positive. Nakokonsensya siguro ito dahil naabala siya. Feeling siguro ng dalaga ay nagkakautang na ito dahil siya pa ang gumagastos para rito.
She was so transparent it was almost funny. Calculating lagi si Arika kaya hindi niya alam kung ano ang iniisip ng dating nobya. Pero si Rooftop Girl, eto, trying hard na i-convince siyang iba ang nararamdaman nito.
"Luh, naiin-love ka na ba sa akin, Doc? Kanina ka pa nakatitig, ah."
Ipinatong niya ang kamay sa ulo nito dahilan upang matakpan ang mukha ng dalaga. "You survived your first day of dialysis, RG. Congratulations," isang maliit na ngiti ang ibinigay niya rito, "Hindi mo kailangang magkunwaring masaya sa harap ko, okay? Tayong dalawa lang naman ang nandito."
Natahimik ang dalaga at 'di nagtagal napansin niyang nanginginig ang mga balikat nito. She was crying. Yumuko ito. "W-Wow, ang talas ng pakiramdam mo, ah, Doc? May special power ka ba?"
"Nah," tinanggal niya ang kamay sa ulo ng dalaga at lumapit siya para yakapin ito. Mas humagulgol naman si RG. "Apparently, I'm just sensitive. It comes in handy." Pati siya naiiyak na rin.
Randam niya ang takot ng dalaga nung nag-dialysis sila kanina. Halatang nanginginig ang kamay nito at hindi ito makatingin sa tubes kung saan kitang-kita ang dugo nito. Nanginginig rin ang boses ng dalaga pero pinipigilan nitong hindi ipahalata.
Nanatili sila sa ganoong posisyon at masuyong hinahaplos niya ang buhok nito. Hindi nagsalita si RG, umiyak lang ito. Ilang minuto ang nakalipas bago ito na mismo ang sumira ng katahimikan.
"Dooooccc, akala ko talaga mauubusan na ako ng dugo. Andami kasi nun, e. Tapos ano, nakakasakit talaga sa katawan, ang hirap pang tumawa kanina," reklamo sa kanya ni RG. "Tapos, tawa ka pa ng tawa, akala ko tuloy hindi mo nahahalata. Nakakaiyak ka, Doc."
"Dinadaan talaga lahat sa biro," napapailing na sabi niya. Umiiyak na nga pero eto, kung ano-ano pa rin ang lumalabas sa bunganga. "Hay naku, gusto mo lang ata magpayakap, ano? Nakakailan ka na."
"Tungunu, ikaw kaya ang yumakap sa akin? Ikaw pa ang nambibintang."
Humiwalay na siya ng yakap rito at pilyong ginulo ang buhok ng dalaga. "Andami talagang sinasabi, nakakainis."
"Uy, tama na! Sh*t naman! Hindi naman ikaw ang magsusuklay. Ano ba, Doooooc?!"
Tinigil naman niya at siya pa mismo ang nag-ayos. He smiled. Simula nang makilala niya ito lagi na ata siyang ngumingiti. She's just... so genuine.
"Yee, crush mo na talaga ako, ano? Ngumingiti ka nang mag-isa diyan."
Eksaheradong sumimangot siya. "Diyan ka na nga, makahanap ng hindi assuming sa baba." Nagsimula siyang humakbang paalis pero hinila naman siya pabalik ng dalaga, muntik pa siyang mabuwal dahil sa lakas ng ginawa nitong paghatak sa kanya.
"Wow, grabe siya. Super sensitive mo talaga, Doc. Halika nga dito at i-ki-kiss kita para 'di ka na pikunin."
Sinabihan siya ng dalaga na sensitive pero hindi katulad ng iba na na-offend siya. Sa halip, natatawang ginulo na lang niya ulit ang buhok nito. Para itong asong pinangigigilan niya. "Puro kiss 'yang lumalabas sa bibig mo, ah. Mamaya patulan na kita."
"Shetes, in denial pa."
He snorted. "Kumain na lang kaya tayo, baka gutom ka lang kaya ang daldal mo."
Sasagot pa sana ito pero naunahan na ito ng sariling tiyan. Natawa naman siya na ikinapula ng mga pisngi ng dalaga. Para kasing baby lion na sinusubukang mag-roar ang tunog ng tiyan nito. Hindi pa saglit iyon, mahaba pang roar.
"Luh, nakaka-offend ka, Doc. Tawa ka ng tawa diyan."
"Sabi ko nga, kain na tayo."
If he ever fell in love with this girl, he's sure that he wouldn't regret it.
BINABASA MO ANG
The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLISHED AS PART OF THE ILYWAMHAK ANTHOLOGY ]
RomanceFebruary 14 is a curse. Laging hindi masaya si Alaric sa 14th. Laging nag-iisang ka-date ang sarili niya kahit pa may girlfriend siya. It has been that way for the third year of his relationship with Arika. Kahit hindi Valentines ay hindi niya talag...