Chapter 1: The Magic Six

64 3 1
                                    

Boys Vs. Girls - Chapter 1: The Magic Six 

Andrea's POV~

"Bye Ma! Pasok na po ako." sabay kiss sa cheaks ni Mama.

"Bye Sweetie. Ingat."

Pasukan na naman. Kaexcite. Makikita ko na ulet ang mga bestfriends ko. Ay nga pala,hello sa inyo. Ako nga pala si Andrea Victorino. Ang pinakamakulit at dakilang fangirl. 4th year dito sa St.Aquinas Academy. At president ng Student Council. 

Pagdating sa school,andami agad tao especially boys. At malamang,inaabangan kami. Di naman talaga namin gusto na maging sobrang sikat dito sa school e. Sadyang hinahangaan lang kami ng mga tao. Minsan nga,pati personal life namin,inaalam nila. Inshort,wala na kaming privacy dito. Pero minsan,masaya din naman. Nakakakilala kami ng mga new friends. At parang naeexperience ko din yung feeling na iniidolize ng maraming tao. At naiintindihan ko naman yung mga taong humahanga samin,kasi FANGIRL din ako noh? Fan ako ng One Direction e. HEHE. I love Zayn <3

At tinawag nila kaming M6,short of Magic Six na binubuo ni ...

*Angelica Selga. Ang tinatawag nilang "Genius Princess". Maganda,pinakamatalino at Top 1 ng batch last year. Laging champion sa mga contest at laging inilalaban sa ibang schools. Marami ring humahanga sa kanya dahil nga sa talino nya. Maraming suitors at admirers pero wala syang sinasagot. Nagfofocus sya sa pagaaral. Pero may hidden talent yan si Angelica e. ANG MANGBARA! Champion yun sa pangbabara. Pero mabait naman yun.

*Nicollete Reyes. Ang tinatawag nilang "Silent Princess". Pinakatahimik sa grupo,pero minsan nagiging maingay din. Maganda,ang sweet nga ng mukha e. Kajamming ko lagi pag bored kami. Mahilig kaming pareho sa music. Si Nicollete ang pinakabata samin pero sobrang matured ng pagiisip. Pero sa kabila ng tahimik na mundo nya ,may pagkamasungit yan. Pero pag may problema,takbuhan yan si Nicollete. :)

*Kim Mojica. Ang "MVP Princess". Sobrang ganda at ang galing magvolleyball nyan. Kaya halos lahat ng member ng varsity dito sa school namin nilalagawan sya. Napakahyper nyan! Sobraaa! Pero pag may problema sya. Daig pa ang lantang gulay sa sobrang tamlay. Kaya hangga't maaari hindi namin sya pinapayagang magpaligaw e. Kasi baka jan pa sya masaktan. Sobrang mahilig sya magmall. At sa fashion. Pareho sila ni Justine. May-ari ang pamilya ni Kim ng isang company na nagtatayo ng mga condominium. Kaya nakapasok sya dito sa St. Aquinas :)

*Grace Niegas. Ang "Cool Princess". Ang pinakaastig sa'ming anim. May pagkaboyish pero habulin pa rin ng boys. Marunong magmotor. Oh diba? Ang astig. Tinawag syang 'Cool Princess' kasi astig sya. Di dahil sa malamig sya. Ok? HAHA. Don't get me wrong. HAHAHA. Okay,As I was saying,kaya ganyan si Grace,idol nya kasi si Avril Lavigne. Yung porma ni Avril,ginagaya nya. Pero di totally na ginagaya. Yung pananamit lang ni Avril ginagaya nya. At member sya ng band ng school. Vocalist pa kamo. 

*Justine Sigrid. Ang "Heartthrob Princess". Sya ang reigning Ms.Aquinas for the past three years. Wala pang nakakatalo sa kanya.  Fashionista din yan. Sa 'ming anim,sya talaga pinakaactive sa mga school activities. President ng English Club at member ng Journalism Club sa school. VicePresident pa ng Student Council. Magaling sumayaw at matalino din. Di daw sya mageentertain ng suitors ngayon kasi sabi nya magiging busy daw sya. If I know,ayaw nya lang talaga. Mataray yan madalas at may pagkamanhater ng konti. After syang iwanan ng ex nya na si Vien naging ganun na sya.  Pero nakamove on nman na sya e. Pero mabait yan. Mas madalas ko syang kasama kesa sa ibang girls. :)

At syempre,makukumpleto ba ang M6 kung wala ako? Syempre hindi. HAHHAHA! :D Ang nagiisang Andrea Victorino ng St. Aquinas :)

Mabait naman ako e. Hindi ako nangangagat. Sa aming anim,ako ang pinakamabait at pinakamaganda. HAHAHA! Joke lang. Dakilang Fan ng 1D :) At magaling ako kumanta. Music Lover din. Nagiging fashionista na rin dahil sa mga kaibigan ko. Tinatawag nila akong "Campus Sweetheart". Ewan ko kung bakit? [Wala na kasing maisip yung author] Ay ganon. Wala ng maisip yung author kaya yun ang tinawag sken. Ako nga lang naiiba e. Yung ibang girls 'Princess' ako lang ang Sweetheart. GE.HAHA. President ako ng Culinary Club sa school. Mahilig kasi akong magluto e. :) At yun nga,President ng Student Council. At sa maniwala kayo sa hindi,Kuya ko ang principal ng school na to. :3 

Pagbaba ko sa sasakyan,nagtilian yung mga estudyante. 

"Hi Ate Andrea!"

"Hi Andrea"

"Andrea,hello :)"

"Hello sa inyo :)" sabay smile. At naghiyawan sila. HAHA. Ang cutee *u*

"Ahm,Miss Andrea. Para sa inyo po. Ako po nagbake nyan." sabi ng isang Sophomore na studyante.

"Oh,thankyou! Anong name mo?"

"Aicelle Frances po."

"Thankyou Aicelle. Bye."

"Hey Andrea! here." sa di kalayuan nakita ko si Justine na andaming dalang flowers,ganun din yung ibang girls. May mga bitbit na kung ano.  

"Hi mga best! Kumusta vacation?"

"BORED -_-" sabaysabay nilang sabi. HAHAHHA! Mga itsura e. At pumasok na kami sa room namin. Nasa iisang section lang kaming anim. Sa Section IV-A or should I say Star Section. Kahit papaano naman,may mga taglay din kaming talino. HAHA. :)

****

Boys VS. Girls ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon