Napatigil ako sa pagpa-piano nung maramdaman kong sumikip yung dibdib ko .. Ang hirap huminga ..
Umakyat ako sa kwarto ko .. . Uminom ng gamot . Naisipan kong humiga sa kama. Nararamdaman ko na kasing oras ko na ... At kung mamamatay ako .. gusto ko yung mapayapa . .. Tanggap ko na naman e.
Sumilip ako sa bintana. Dahil sa nakataling kurtina, kitang-kita ang maliwanag at bilog na buwan. Ang tahimik .... nakakabingi ang katahimikan.
Ang sakit.... Ang sakit sakit na ng puso ko. Napapikit ako sa mga mata kong nangingilid ang luha. Ang lamig.
Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata para mapakita kay lola na payapa akong lilisan. At sa huling pagkakataon, tinitigan ko ulit yung buwan.
Palabo na ng palabo yung paningin ko. Bumibigat na din ang mga mata ko. Pagod na pagod na ako. Gustong gusto ko na magpahinga.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
<Natalie's POV>
Pagmulat ng mga mata ko ... puro puti lang ang nakita ko . Nasa langit na ba ako?
Pero syempre, alam ko naman talaga ang sagot sa katanungan ko . Natural hindi. Ang gaga ko talaga ... kasi , nandito ako ngayon sa isang napakapamilyar na lugar. San pa nga ba? edi sa Ospital.
Buong Childhood ko ata halos sa ganito na ako tumira. Sakitin kasi ako e ... Ano pang magagawa ko? edi tanggapin na lang yung Realidad. Dumating yung time na napagod na rin ako lumabas-pasok, labas-pasok sa Ospital. When I was 13, I quitted going to school. From the city, I moved here in the province, then I started Home studying and learned playing the piano.
Mas relax ang buhay dito. Fresher air, Mas tahimik, maaliwalas ang paligid -- malapit sa kalikasan. Nakatira ako sa bahay ni lola. 5 yrs na rin kasi 18 na ako ngayon e. Kasama namin yung naulilang anak ng dati naming hardinero ... Si Louis. Inampon na sya ni Lola .. kaya sama-sama, kaming tatlo ang nakatira sa bahay.
Oks na oks ako dito. Mas naii-stress kasi ako sa magulong buhay namin ni Mama sa Maynila. Anak kasi ako sa labas. Ayun ... In English.... Illegitimate Child.
Ang drama ng buhay ko... Nanay ko Alcoholic (chain smoker din) ... ako naman may sakit sa puso. Puro ba problema? .. Hindi naman .. Well-off kami financially .. dahil na rin siguro sa sustento ng Father ko.
Hindi ko naman masisisi si mama e. Nagmahal lang naman sya. Nagmahal sa maling tao at maling pagkakataon.
Ako kaya? Hmmm... para akong timang! .. mahina na nga yung puso ko iisipin ko pa yung mga ganyang bagay . Baka maaga ako matigok nito e! haha :'>
Pero seriously ... sana maranasan ko din yung nararanasan ng iba. Gusto ko ma-experience magmahal at mahalin. Masarap kaya sa feeling? Masaya ba? ... Naiinggit ako sa mga kaedaran ko na may mga lovelife. Obviously... .. ako kasi wala.
Dahil sa health condition ko .. hindi ako pala-labas ng bahay. 'Homebody' nga sabi nila. Kaya binubugbog ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga books and novels .. na Romance genre syempre.. hehe .. at pati sa pag-iinternet ^_^
Madami nga kong Online Friends. Ka-message, Ka-chat. Ka-blog, Ka-tweet..... At sa totoo lang .. wala akong friend in real life. Not technically WALA kasi nandyan si Louis . Si Louis lang.. .. Ang looser ko talaga >_<
kung san-san na naglakbay yung utak ko.. Hmm.... Balik sa Realidad.. Ilang araw na kaya? O ilang linggo? gano katagal na ba ako dito? Ang alam ko mamamatay na ako e. Naagapan ba ako at naisugod kagad dito sa Ospital? Ano kaya yung himalang nangyari?
Ang naaaala ko lang ay yung gabing nasa sala ako ... .. Nagpa-piano. Yung gabing wala si Lola .. Wala din si Louis...
<A/N>
So ayun.. .. yung nasa prologue po.. si Natalie po yun, nde po si Selene.. ^_^
anyway.... naii-stress ako kakahanap ng pwedeng i-cast na character.. suggest naman kau.. promise nde ako nangangagat.. hahaha.. wala manlang nagco-comment.. di ko tuloy alam gagawin sa story na to.. tsaka sa mga readers.. siguro mga once a week lang ang UD.. minsan lang ako bumaba ng bundok para mag-net sa comp shop e! lol.. Joke lang ^o^
suggest kau ng sa character ni Franz.. . yun yung nde ko mahanapan e.. hmm.. kung wala akong mahanap.. si Lee Min Ho na lang.. HAHAHA .. again.. Thanks sa readers :'>
nga pala.. check nyo yung picture sa gilid.. si Natalie, nde na kulay violet ang labi! hahaha :'>
mags-start na ako maglagay ng mga picture sa gilid sa mga future updates ko.. byee :3
BINABASA MO ANG
♦Timeless♦
RomanceShe loves him. He doesn't know. A victims of difficult circumstances. Will the hands of fate make a sudden turn for two hearts destined to be one?