<Louis POV>
Matapos maoperahan si Natalie at madugtungan yung buhay nya .. Ang laki na ng pinagbago nya. Di tulad ng dati, naging masayahin na sya.
Naaalala ko yung una ko syang na-meet. Sya na yata ang pinakamagandang babae na nakita ko, mala-anghel yung itsura. Black hair and deep black eyes na nagco-compliment sa maputi at makinis nyang kutis. Pero bukod sa magaganda nyang features, mapapansin mo ang pagiging fragile nya. Patpatin yung katawan nya. At ang sabi sakin dati ni lola, may sakit daw sya sa puso.
Di ko pa naiintindihan yun dati. Bata pa kasi kami nun. Di ko alam na ganun yun ka-grabe na anytime, pwede sya mamatay. Mapapansin mo ang kalungkutan sa mga mata nya, kahit di pa sya umiyak. Ang alam ko unwanted child sya e. Pamilyadong tao kasi yung biological father nya. Dahil sa depression, yung nanay nya naging Alcoholic at Chain smoker kahit pinagbubuntis pa lang nito si Natalie. Kaya ang resulta, si Natalie may sakit sa puso.
Di pa kami ganun ka-close dati. Casual lang. Hindi tulad ngayon. Lagi ko lang sya dati pinagmamasdan sa malayo. Tahimik sya. Lagi lang syang nakakulong sa kwarto, minsan nakikita ko syang nagbabasa ng books or novels, minsan naman nakatutok sya sa laptop. Napagmamasdan ko lang sya ng matagalan kapag bumababa sya sa sala para mag-piano. Ang sarap pakinggan ng musikang nagagawa ng kamay nya. Bukod pa don, ang sarap nya din pagmasdan.
Kasalukuyan kaming nasa Bundok ngayon. Nagpi-picnic. Nasa harap ko sya habang tinutulungan namin ang isa't isang i-set yung uupuan naming tela. Di ko mapigilang di tumitig sa kanya. Ang ganda nya kasi. Kahit buong araw ata di ako magsasawang tumitig. Napakaamo ng mukha. Napangiti na pala ako ng hindi ko namamalayan.
" Bakit? may something ba sa mukha ko? kulangot meron? " seryoso nyang tanong.
Napatawa ako. Si Natalie talaga. Hindi nya nare-realize na minsan nakakatawa sya kahit di naman nya sinasadya.
"Wala. Natuwa lang ako sa pinagbago mo".
"Huh?"
"Tumaba ka kasi". nakangiti kong sabi sa kanya kahit di naman talaga yun yung iniisip ko. Dual meaning naman yung statement ko kanina. Di lang naman sya nagbago physically. Pati morale nya nagbago din.
"Aaay!.." sabay pout nya. Ang cute!
"..pero in a good way or bad way?" tanong nya pa.
" In a good way. Wag ka mag-alala, compliment yun." bumagay kasi sa kanya nung nagkalaman yung katawan nya.
"Hmp! compliment daw." sabay halukipkip at side view ng mukha na nakachin-up
"Oo nga! Ang kulit nito haha"
"Tse!"
"Haha, o ayan, tapos na tayo dito. Iihawin ko na yung pagkain natin Princess. Dyan ka lang o kaya gusto mo maglibot-libot muna. Matagal ka din nawala." pag-change ko ng topic
"okay.." ngumiti sya. "maglalakad-lakad lang ako. Pupuntahan ko na din yung ilog banda dun. Malapit lang naman e."
"As you wish Princess", nakangiti kong sabi habang nag-bow ako sa kanya nang nakalagay yung kanang kamay ko saking tagiliran bandang tyan. Yung gesture ba ng mga Knight. Lumaki yung ngiti nya sa ginawa ko. Tas nag-bow din sya sakin. Princess style naman. Kunwari nakasuot sya ng gown kasi nakapormang hawak sa tagiliran nya yung mga kamay nya.
"Byee!" nag-wave na sya tas naglakad na . Ang kulit talaga.
Ilang minuto yung lumipas bago ko na-set yung pag-iihawan ko. Sisindihan ko na dapat yung mga uling nang bigla kong narinig yung sigaw ni Natalie.
" Louis! Louis! "
Madali kong binitawan yung mga papel at lighter at tumakbo papunta sa may ilog kung saan ko narinig yung boses nya. Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong ok sya. Tumingin sya sa gilid nya para iparating sakin kung bakit sya sumigaw. Pag tingin ko doon, may lalaking puro galos na nakahiga. Lumapit na ako para tumulong.
<Natalie's POV>
Nung naglalakad-lakad ako, nakita ko ang pinakagwapong nilalang sa mundo.
Nakahiga sya dun. Malapit sa Ilog. Ang dungis nya. May mga lupa sya sa katawan. Pero di ko pa din mapigilan yung tibok ng puso ko. Ang gwapo nya parin kahit ganun.
Lumapit pa ako ng dahan-dahan. Hindi manlang sya kumikilos. Nandun lang sya, nakapikit. Patay na kaya yun? Hmm..
Lumapit pa ulit ako. Nakahinga ako ng malalim nung nakita kong marahang gumagalaw yung dibdib nya. Taas-baba. Atleast, sure na akong humihinga sya.
Nung nakalapit na ako ng tuluyan, mga ilang minuto ko tinitigan yung mukha nya. Grabe lang. Papabilis ng papabilis yung tibok ng puso ko. What's wrong with me?
Hindi ko na napigilan yung sarili kong hawakan yung mukha nya. Nagulat ako ng biglang syang dumilat. Since malapit yung mukha ko sa kanya kakatitig, nagulat din sya siguro.
"Aahh!" napasigaw sya habang napabalikwas. Ang cute nya! haha! di ko napigilang ngumiti ng bongga. Napapikit sya saglit. Nasaktan ata tas nung tiningnan nya ako ulit, tumaas ng papasalubong yung kilay nya. Nagtataka ata kung bakit ko pinindot-pindot yung pisngi nya. Bakit ba? tine-testing ko lang kung may malay sya. At siguro, sa ngiting pang-autistic ko ngayon, di na ko magtataka kung mukha akong manyakis sa paningin nya. Eeeww.. Tsk tsk.. Erase-Erase. Bago pa maging awkward ang lahat, ni-regain ko yung confidence ko . bwahaha ^_^
" Manong 'bat dito ka natutulog?" .Amp. mukhang tanga naman yung tanong ko. Hayan mo na. May masabi lang talaga. Hindi ako makapag-isip ng tama. Naba-blangko yung utak ko. Ang gwapo kasi! Nakakadistract. Isabay mo pa yung bilis ng tibok ng puso ko. Ang epal lang nitong bagong heart ko. haynako. Relax Natalie, relax. simpleng pakikipag-usap lang 'to sa isang estranghero.. tsaka diba dito ka magaling ... sa Poker Face.
Yung reaksyon ng mukha nya nung tinawag ko syang manong parang nairita. Wala naman akong masamang ibig sabihin dun e! Di rin naman ako nang-aasar. Alangan namang tawagin ko syang kuya e hindi ko naman sya kaano-ano. Nasanay lang akong tawaging manong yung mga hindi ko kakilala. Tsaka sa itsura nya, halata namang mas matanda sya sakin. Mga nasa 6' yung height nya. Tall, Dark and Handsome. Moreno, Brown yung mata , yung features nya parang may lahi syang foreign. Matangos ang ilong, umaanggulo ang Jaw line at ang katawan... Ehem .. Muscular. ^_^
"Nahulog kasi ako e .. Muscle cramps" . Diretso lang nyang sinabi sakin. Kahit na ganoon, nakaramdam ako ng kilabot, In a Positive way. Ang gwapo ng boses nya. Lalaking-Lalaki. Kinikilig ata ako. Ano ba to? .. Hindi naman ako ganito pag nasa paligid ni Louis e.
"Hahaha! " okay ngayon mukha na talaga akong baliw sa paningin nya. Isang baliw na manyakis. Great!
Nakakainis lang .. naba-blangko talaga utak ko. Hindi manlang ako makapagsimula ng isang matinong usapan. Tsk. Napansin kong tumaas nanaman yung kilay nya. Tsk. Siguro naiirita na talaga sya sakin. T^T
"Baket? may nakakatawa?" tanong nya.
Di ko na lang pinansin yung halatang pagkairita nya at ngumiti na lang.
"Wala-wala ... hehehe .. kelangan mo ng tulong? Wait lang .. LOUIS! LOUIS!." dire-diretso kong sabi. Ayoko na kasing pahabain pa yung usapan namin. Baka mairita nanaman sya sa sasabihin ko.
Maya-maya dumating na si Louis. Halatang nagtatanong yung mukha nya nung tiningnan nya ako. Nagkibit-balikat lang ako habang tumingin sa gilid ko kung nasan yung lalaki. Nung makita nya yung itsura 'non, na-gets na nya kagad. 'Di ko na kinailangan pang magsalita. Tinulungan na nya tumayo yung lalaki at Inalalayan na ito maglakad habang ako, nakasunod lang.
<A/N>
sorry .. parang filler lang to.. walang masyadong events.. nag-i-introduce pa lang kasi ako ng mga characters e.. hehe.. peace ^_^
picture ni Louis sa gilid ------>>>>>
Ang cute nyan! bago kong kinalolokohan.. para akong baliw na napapangiti pag nakikita ko pictures nya. haha.. Teppei Koike.. another Japanese actor ^_^
BINABASA MO ANG
♦Timeless♦
RomanceShe loves him. He doesn't know. A victims of difficult circumstances. Will the hands of fate make a sudden turn for two hearts destined to be one?