Chapter 2
Nandito ako ngayon sa bahay nila Kuya Yohan. Kakabalik lang nila from their honeymoon.
"Ate Jane, paano mo maiimpress ang isang lalake?" tanong ko kay Ate Jane, wife ni Kuya Yohan.
"Aba! Dalagang dalaga na ah!" pang- aasar niya sa akin."Sige na Ate Jane sabihin mo naaa!" I pleaded.
"Alam ba to nang mga Kuya mo?" tanong niya. Umiling ako. Napabuntong hininga siya.
"Ate sige na, please don't say anything" I pleaded again. "Okay" she answered.
"Jane, tara na!" sigaw ni Kuya Yohan from the kitchen. "Alis na kami princess, ha?" pagapapaalam ni Kuya at hinalikan ako sa noo.
Naudlot ang paghihingi ko ng advice kay Ate Jame. Hmmp!
Makaalis na nga! Kainis! Oh wait! May game pala si Seb! "Manong punta tayo school" sabi ko sa driver ko.
Nakarating na kami at madaming tao ngayon. Eh, paano ba naman gwapo ang star player eh.
Pumasok na ako at nagtago. Nagtago ako kasi kailangan baka makita ako ni Seb papagalitan ako. Papagalitan ako dahil ayaw niya na manuod ako ng game dahil mawawalan siya ng gana makita lang ang mukha ko.
Sakita ano? Okay lang mahal ko eh. Ayan na! Naguumpisa na ang game. Galing talaga ni Seb!
Half time na aalis sana ako para bumili ng snacks ng...
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" narinig ko ang sigaw ni Seb at lumingon sa kanya pero sana hindi nalang.
"B*TCH! LUMABAS KA NGA, NAWAWALAN AKO NG GANA MAGLARO EH!"
Lumingon ang lahat ng tao sa akin at tumawa yung iba naman nagbubulungan.
"Yan kasi pumunta pa!"
"Desperada, pabayaan mo na"
Lumabasa ako ng gym na umiiyak. Pumunta ako sa sasakyan at umalis na kami ng driver ko.
"Princess ba't mugto ang mga mata mo?" tanong ni Kuya Vector. Dito din tumitira kasi sina Kuya Vector at Kuya Wayde.
Hindi ko pinansin si Kuya Vector at pumasok na sa kwarto ko. Kainis! This is one of the times na wish ko may condo ako!
I won't give up Seb. Hindi kita iiwasan! Lalaban ako kasi sabi ng mga Kuya ko na mahahanap ko din ang happiness ko.
I believe na ikaw yon Seb!
"Princess? Kain na tayo" sabi ni Kuya Wayde through the door.
I didn't answer. "Princess?" he asked. I still didn't answer. After a few seconds I heard footsteps going away.
I will not give up Seb... I will not give up!
I kept on repeating those words inside my head, believing that its true.
Sana marealize mo na hindi kita lalayuan. Umiyak lang ako magdamag hanggang sa natulog ako.
Nagising ako ng madaling araw. Bumaba ako para kumain dahil nagugutom ako dala ng hindi ako nakakakain ng hapunan.
Pagbaba ko nakita ko ang dalawa kung Kuya. "Kuya Vec? Kuya Wayde? Anong ginagawa niyo?" tanong ko.
"Princess, ba't gising ka pa?" tanong ni Kuya Wayde na parang hindi mapakali. Ano bang problema nila?
"Wayde, Vector! Kusina!"
Nagulat ako sa nagsalita. Si Kuya Zairon iyon, hindi pwede ako magkamali!
"Wayde! Vector! Ano---"
Nagulantang si Kuya Yohan. "Kuya? Ba't kayo nandito?" tanong ko. Pagkasabi ko non lumabas sina Kuya Zairon at Kuya Xavier.
Gaya nila Kuya nagulantang din silang dalawa. "Princess?" sambit ni Kuya Xavier. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Kayo, ba't kayo nandito?" tanomg ko. Hindi sila umimik. Ano ba ang ginagawa nila dito?!
BINABASA MO ANG
I'll See You Tomorrow
RomanceA girl, trying hard to win a guy's heart. A guy, waiting for the one girl he has only loved. Will this girl be successful in capturing this guy's heart? or will the guy live his happily ever after with the girl he is waiting for?
