Chapter 5

4 0 0
                                    

Chapter 5

Seb's POV

Ano ba ang problema ng babaeng yun at naghintay sa akin! Wala na ba talagang ibang gagaawin yang babaeng yan kundi ang maging desperada kakahabol sa akin?!

Nakakabadtrip! Kinuha ko ang mga gamit ko dahil nandito ako sa school. Tumayo ako at lumabas ng room.

Luminga- linga ako at ng hindi ko siya nakita pumunta ako ng kotse ko.

Magboboxing ako ngayon tutal wala naman akong klase at salamat sa Diyos wala yung babaeng yun!

Nagdrive ako papunta ng boxing studio. Bago ang pupuntahan kong boxing studio so hindi pa ako masyadong pamiliar.

Pagpasok ko ng studio I noticed na mayroong nagprapractice. Tinignan ko muna yung babae na nagprapractice, yes babae, bago ako nagboxing.

Magaling siya, though hindi ko masyado makita yung mukha niya dahil nakatalikod siya.

Aalis na sana ako pero naring ko ang pangngalan ng babae. "That was good Unique! You're getting better and better!" sabi nang coach niya, ata?

Pero sandali lang! UNIQUE?! Nandito na naman ang babaeng yan?!

Bago pa siya nakalabas ng ring ay hinarangan ko siya sa entrance ng ring.

"TALAGA BANG GANYAN KANA KA DESPERADA NA MAKUHA AKO?" sigaw ko sakanya.

"SINUNDAN MO PA TALAGA AKO NO AT NAUNA KA PA!" dagdag ko.

"ALAM MO, HINDING HINDI KITA MAGUGUSTUHAN AT WALA AKONG PAKEALAM SA IYO! AT HIN---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mayroong nagsalita sa likuran ko.

"Unique, let's go! Mukhang hindi tayo welcome sa gym natin!" sabi nung boses.

"K-kuya..."

Lumingon ako para makita yung lalake pero teka lang... KUYA?! AT ANO DAW GYM NATIN?!

Nung lumingon na ako at nakita ko yung may- ari ng boses halos lumuwa yung mga mata ko.

Vector? Isa si Vector sa mga matatalik kong kaibigan. Hindi ko ngalang nakilala yung mga kapatid niya, mga magulang niya lang.

"Pare, nandi---" sambit ko pero hindi ko natapos dahil biglang nagsalita si Vector.

"Kung sa susunod na tratuhing mong ganyan ang kapatid ko, kalimutan mo na na mgakaibigan tayo!" litanya niya.

"Unique let's go!"

Narinig kong bumuntong hininga si Unique. "Opo, Kuya" pagsusunod niya.

Ano bang ang nangyayari? Kapatid niya si Vector? Paano wala ako may nakitang isang litrato sa condo ni Vector!

Nawawalan na ako ng gana para magboxing. Gayun paman umuwi nalang ako na badtrip because of that girl!

Pagkarapos ko doon umuwi na ako at natulog.

Tapos na ngayon ang klase ako pero as usual nandito na naman siya! Hindi na ako nag- aksaya ng panahon at nilapitan ko siya agad.

"Oh, andito ka na naman at let me guess yang pagkaing hawak mo ngayon ay para sa akin?!"

"Actua---"

Hindi ko siya pinatapos at nagsalita agad. "Alam mo, hindi mo ako madadal diyan sa mga pagkain mo at pagkamartyr mo!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ako bobo no! Akala mo lang! Tanga lang ang tatanggap niyan!"

"So tanga pala ako dahil kinakain ko amg luto ng kapatid ko?!"

Natigilan naman ako sa nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako at isang tiim bagang Wayde ang nakita ko.

At sandali lamg magkapatid?! Bakit hindi ko sila nakita ni Vector nung inuwi ko si alam niya nung tinangkang siyang i-rape?

Ano ba yan? Ni hindi ko alam na magkakapatid pala silang tatlo!

"Alam mo hindi mo kailangang tanggapin ang niluluto ng kapatid ko sa iyo dahil wala namang pumipilit" mahinahong niyang sabi.

"At isa pa, hindi naman ito para sa iyo, para to sa akin!" dagdag niya.

"Unique, let's go.Salamat pala sa pagkaing dinala mo" narinig kong sabi ni Wayde bago silang umalis.

Sumunod naman si Unique sa kanya at nakatulala lang ako hanggang sa pumasok na sila sa sasakyan nila at umalis na.

Ano ba ang nangyayari?! Nakaklito!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll See You TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon