Kabanata 5

3 0 0
                                    


Marga's Pov

3 months na agad agad ang nakalipas at ilang weeks na lang ay pasukan na first year college na ko ang kukunin ko sana ay business pangarap ko magtayo ng sariling business. Papunta na kami ni Tin tsaka Ricca sa St. Agustin College.

"Teh ang laki neto na" wika naman ni Ricca

"Tara na sa admission para makuha na natin sched natin." Anas naman ni Tin

Alas onse na ng tanghali at sobrang tirik na tirik ang araw kailangan na naming magmadali dahil papasok pa ko sa shop ng ala una.

Pag pasok mo ng gate makikita agad ang malawak na field may mga puno sa gilid para kahit papano malilim meron ding mga bench na pwedeng tambayan. Nakapaligid naman sa field ang mga building. Tatlong malalaking building ito at sa gilid naman ng pangatlong building ay nandon yung canteen ang gulay mga mumsh ang laki neto at glass wall ito kaya kitang kita kung ano ang nasa loob neto. Maraming tao ang lalakad siguro ay katulad namin kukuha din sila ng sched para sa pasukan next next week.

"Ang nakalagay dito sa information ang admission office ay nasa Ag bldg." sabay turo ko sa unang bilding.

Naglakad na kami doon at sobrang daming tao ang haba ng pila.

"Marga baka hindi ka na makapasok niyan ah."

"Oo nga ate gurl. Parang traffic sa edsa to"

Pumila na kami at binigyan kami ng number ni kuya guard 250 ang akin 249 at 248 naman sila ricca at tin.

Tinext ko na si ate Mik na baka hindi ako makapunta dahil nandito ako sa school at nakapila sumagot naman eto agad at sinabing tinext na din daw niya si Sir.

Tumitingin tingin lamang ako sa paligid pansin na pansin kung sino ang mga nakaaangat ang gan-ganda ng mga pananamit nila. Nagulat na lang ako ng may grupo ng mga babae ang dire-diretso papasok wait hindi ba sila pipila?

Ay kaya naman pala halatang mga mayayaman at mga maldita. Sa suot pa lang nilang mga kulorete sa mukha mahahalata mo na agad na mayayaman ito. May ilang studyante ang umapila.

"Excuse me miss, can't you see? May pila"

"I don't care. We don't" mataray na wika nito. Ang ganda sana niya maputi ang kinis kaso ang sama ng ugali. Nagtawanan naman ang mga kasama nitong nga babae. Bali apat sila.

"Wag na wag nilang babanggain yan nako nako." Wika naman nitong nasa likod ko napatingin ako sa kanya at ngumiti naman ito saakin.

"Hi miss. Carl" sabay extend ng kamay nito inabot ko naman at nagpakilala din.

"Ahm hello marga. What do you mean 'wag na wag babanggain' who are they?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Wait are you new here?" Tumango naman ako.
"Oh that's why you don't know them. Well the girl with the red bag is Claire Sta. Ana she's the daughter of the famous Miguel Sta. Ana the artist and she's the Queen of St. Agustin, the girl with the yellow hairband is Mika Domingo daughter of Senator Domingo. And the other two girls is their alalays. Jaz and Mae but pakapangyarihan din naman sila dito sa school. Group nila yung madaming takot dahil nga mga brat sila at palaban walang pumapatol dahil makapangyarihan sila."

Teka sino ba to ba't ang daming alam neto.

"I am Carl Jim Agustin." Wika nito

Napatulala ako sa kanya ha? Agustin di kaya? Anak ng gulay!

"A-anak ka ng may ari nitong school?" Eh bat sila nakapila pa

Tumawa ito at bahagyang namula. Weird "Yes i am that boy. Kung hindi ka taga dito eh taga saan ka pala?"

"Galing akong bicol." Sagot ko dito tatanong ko sana kung bakit nakapila pa siya eh anak naman pala siya ng may ari. Humarap na ako dahil siniko ako ni Tin sabay nguso sakin sa gilid nanlaki ang mata ko ng makita ko si Sir Pau may kasama siyang tatlong lalaki. Nagtatawanan sila at naglalakad sa kabilang side madaming babae ang nagpapapansin sa kanila pero wala silang nakukuhang atensyon sa mga ito.

Patuloy pa din kami sa paghihintay kung ako kay Carl ay pumasok na ko o kaya naman di ko na muna kukuhin ko sched ko ang init init at ang haba ng pila pera nagttyaga siya dito. Pinunasan ko ang noo ko ng may naramdaman akong onting pawis dito. Inabala ko na lang ang pagtingin sa paligid. Madaming nakatambay sa mga bench, naglalaro sa fields at ang iba naman may nag bboy/girl hunting. Halata mo dahil ang mga lalaki ay kumakaway at tinatawag ang mga babae. Ang mga babae naman may nagtuturo ng mga lalaki na siguro ay bet nila ganon. Yung iba naman ay wala nakatambay.

Di ko napansin na mag aalas kuwatro na pala at sa wakas ay kami na agad ang susunod lima kasi kada pasok so bali kaming tatlo nila tin at si Carl at ang isa pa niyang kaibigan ata dahil nadinig ko din na naguusap sila.

Nang makapasok kami ay bumungad samin ang isang office na may mahabang couch na kay brown at isang lamesa sa harapan nito sa gilid naman ay may malaking bookshelf. Bumungad samin ay isang nasa 40's na matandang babae but still she's very beautiful with her color black dress angat na angat ang kulay nito at baka bun ang kulay itim nitong buhok mukha siyang masungit pero ngumiti ito saamin.

"Please take a sit guys. Sorry for waiting by the way my name is Marielle Agustin i am the director." Ngumiti ito saamin at napadako ang tingin sa katabi kong nakayuko.

"Oh son?" Gulat na tanong nito. I heard the gasp of my friends sa narinig nila sa director. Nagtaas ito ng ulo at binati ang ina

"Hi mom!" Sabay tayo at bumeso sa nanay niya. Somehow i missed my mom too hindi ko man lang siya nakita ni picture walang naipakita ang lola't lolo ko. Siniko ako ni Tin dahil inaabot na pala samin ang sched namin. Inabot ko ito at tumayo na kami si Carl ay nasa tabi ng mommy niya at nag c-cellphone. Ngumiti naman ito saakin at ngumiti din ako.

"I'll see you next week students" ngumiti kami at lumabas na hindi na din lumabas sila Carl.

"Hoy babaita, gwapo yun ha!!" Kinikilig na sambit ni bakla. Natawa na lang kami ni Tin sa kakirehan nito.

Mabilis lumipas ang isang linggo kinabukasan ay pasukan na. Nandito kami ngayon sa sm para mamili ng mga kakailanganin namin.

Mahigit isang oras na ang lumipas at nandito kami ngayon sa food court para kumain. Bumili kami sa tropical hut ng chicken and rice with drinks ganun na din kila Tin. Si ricca ay nandun na sa table para isave ito. Nauna na ko kay Tin dahil may titingin daw siya ng desserts.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE NEVER ENDS Where stories live. Discover now