Patikim

17 0 2
                                    

Prologue

Marga's Pov

"MARGARETHHH!!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang walang humpay na boses ng aking mapagmahal na tiyuhin. Lagi na lang ganyan pwede naman akong gisingin sa magandang paraan hay nako!

Gulat na lang ako ng dabungin ang pintuan ko sa kwarto ko, Grabe naman si tiya! "Hoy baka naman pwedeng magsaing ka na don at magluto ka na ng ulam, Gutom na kami!" Tiya Agnes

"Kaya niyo na yan tiya! Pagod na pagod po ako kakagraduate ko lang! Give me a break tita!" Pasinghal na sabe ko, Kakagraduate ko lang sa highschool dito saming probinsya at yung pera na ginamit ko ay sarili ko nagttrabaho ako sa palengke.

"Eh siraulo ka pala e! Ako ang may ari ng bahay na to at pati mismo yang hinihigan mo ay pagaari ako kaya kung hindi mo kaya ang mga pinapagawa ko ay LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO!" ayyy galit na talaga si tita, Di man lang mabiro tumayo na agad ako dahil baka nga mapalayas ako ng di oras!

Tumayo ako at pumuntang kusina, Kinuha ko ang rice cooker at nagsalang ng sinaing. Ang aking tiya ay asawa ng tiyo ko na kapatid ng aking nanay kaso nga lang namatay ang nanay ko nung bata pa lang ako may sakit kasi siya sa puso at ang tatay ko ay ewan ko ba lumaki ako ng walang tatay e. Ang tiya ko ay may apat na anak puro mga lalaki at ayaw na ayaw ko sa kanila kasi sobrang masasama ng ugali. Ang kanilang ama ay wala na din namatay na din siya sa sakit din sa puso.

Binuksan ko ay ref na maliit at walang kalaman laman kundi tubig lang kupo pupunta pa ko ng palengke nito! Sabagay okey lang makikita ko naman ang si bes hahaha

"Tiya wala na po tayong stocks sa ref, Wala po akong lulutuing ulam" tinignan niyo ko ng masama, Oh bakit parang ako may kasalanan e sila nga yung malalakas kumain e.

"Oh" sabay abot niya sakin ng 100 piso "Gusto ko ng tilapia at isingang mo, Bilisan mo at baka dumating na sila moymoy" tumakbo na ko at pumara ng tricycle

"Manong alam niyo na HAHAHA!" Masayang bati ko kay mang kanor "Ikaw talagang bata ka nakakagulat ka naman, Sa palengke ano?" Sabay tango ko sa kanya, Lumipas lang ang ilang minuto ay nasa palengke na kami, Maliit lang kasi ang probinsya namin. "Oh manong hintayin niyo po ako ah, Bibili lang ng tilapia para sa tiyahin ko mabilis lang ako. Babooo!" Tumakbo na ko dahil baka mapagalitan na naman ako ng tiyuhin ko.

"Hoy gaga!!!" Sigaw ni Ricardo, Siya ang beshie ko lalaking lalaki yan, Tumakbo lang ako at hindi siya pinansin nagmamadali ako baka mahampas ako ng tita ko mamaya na lang puntahan ko siya. May tindahan sila pero sa tiyo niya yun at dun din ako minsan nagttrabaho

"Magandang umaga!! Hmm.." Nakangiti kong sabe at sabay inamoy yung isda, "Oh nandito na pala ang prinsesa ng palengke HAHAHA! Fresh na fresh ang nga isdang yan margarita! Masayang sabe sakin ni Aling nena, suki na ko dito at halos buong palengke ay kilala ko hahahaha ako pa ba, Margareth Sophia Alcantara, Ang babaeng sobrang ganda HAHAHAHA

"Aling nena magkano po ba ang tilapia niyo?"

"85 ang kilo"

"Sige ho isang kilo at baka mapatay na ko ng tiyuhin ko"

"Hay nako bat ba kasi ayaw mong umalis na diyan sa tiya mo" hala ka kala mo naman alam niya kung may pupuntahan pa ko wala na

"ALING NENA BILIS NA KUPO!! Baka umuusok na ilong non"

"Eto na oh" sabay abot ko ng isang daan at abot naman niya sakin ng plastic at sukli ko

Tumakbo na ko at ramdam ko na ang takot ko sa tiya ko, At nung nasa tapat na ko ng tindahan ni beshie ay sumigaw ako "HOY MAMAYA TAYO MAGUSAP"

Dali dali akong pumasok ng bahay at pagpasok ko ay naamoy ko na ang mga usok ng sigarilyo hudyat na nandiyan na ang tatlong anak ni tiya ang isa ay nasa manila.

"Hoy bilisan mo gutom na kami" sabe ni kuya moymoy, Sila kaya magluto ano nakakapagod na kasi

Ilang sandali pa ay tapos na ko maghain at ilagay ang ulam na niluto ko, Sabay sabay silang umupo sa lamesa, Uupo na sana ako ngunit pinigilan ako ni tiya

"Oh oh anong gagawin mo? Uupo? Hindi bakit pamilya ka ba namin? Hindi din kaya umalis ka sa harap namin bago pa kami mawalan ng gana! Alis!" Aray naman hindi man lang ako alukin kung kumain na ba ko.

"Hoy bingi ka ba? Umalis ka na, Sino ka ba?" Sigaw na sabe ni kuya Mon ang panganay na anak. Pagkasabe niya ay nagtawanan na sila. Nangingilid na ang mga luya ko kaya bago pa tumulo yun ay tumakbo na ko, Pumunta ko sa likod bahay may puno din dun at dun ako laging tumatambay. Umupo ako sa sinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko na nakatiklop.

Wala na bang katapusan to? Bat ba kasi kayo nawala agad lola at lolo sino na lang ang kakampi ako? Kayo na nga lang iniwan niyo pa ko agad. Sa tatlong taon ko na naninirahan sa tiya ko walang araw na nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Labing lima ako nung namatay ang lola't lolo ko at ngayon ay labing pito na ko, Gustong gusto ko nang umalis dito pero hindi ko naman alam kung saan ako pupulutin.

"Hoy! Umiiyak ka na naman diyan." Nagulat ako ng nakita ko siyang muli, Si christine bestfriend ko din yan tatlo kami. Kaya ako nagulat dahil ngayon na lang ulit kami nagkita umuwi kasi siya ng manila at dun na nagaaral

"Tin tin?? Inaaaaayyyy waaaaaahhh omg namiss kita alam mo ba yun?" Naiiyak na wika ko sa kanya at niyakap siya

"Namiss din kita huhuhu..." naiiyak din na wika niya "Pero teka nga bat ka nga pala umiiyak? Wag mong sabihin na.. dahil na naman sa tiya mong sobrang bait?" Lalo akong naiyak dahil sa sinabe niya kilalang kilala niya na talaga ko

"Okey lang sanay na ko, Nga pala anong ginagawa mo dito?"

"Actually may tatlong araw lang ako dito kakadating ko lang may kukunin lang ako sa bahay namin na papeles na kakailangin ko para sa kolehiyo"

"Ah ganon ba! Kamusta ka naman dun?"

"Okey lang masaya din naman, kung gusto mo pwede kang sumama sakin sa manila" nagulat ako sa alok niya at hindi nakapag salita agad

"Friend i"ll help you naman. At may alam din akong pwede mong pagtrabahuhan"

"Hindi ko alam kung kaya ko tin, tsaka walang wala ako ngayon. Ang pera ko lang talaga ngayon ay kikinse lang sukli pa ni tiya ito"

"Basta kaya kitang tulungan at pagisipan mo at may dalawang araw pa naman ako dito, Ha! Alam mo naman kung saan ako pupuntahan ha! Sige na punta muna ko kay ricardo" ngumiti muna sakin at lumakad na siya sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Sumama na kaya ako?

Pau's Pov
We're at the cafeteria kasama ko yung mga bugok kong kaibigan. Break namin ngayon kaya dito kami lagi tumatambay kasi madaming magaganda dito

"Pare kailan ka ba magtitino?" Karl
Humagalpak ako ng tawa sa tanong niyang yan

"Karl pare sayang ang gwapo kong mukha kung magseseryoso ako sa isang babae lang."Sabay kindat sa mga babaeng nasa kabilang table lang at sympre kinilig naman sila lakas ko talaga

"Matinik ka talaga dude! Kaya idol kita e. Anakan mo ko paulo" Ken. Sabay tawanan naming lahat

"Tsk tsk dami mong alam pare. Gayahin mo ko loyal sa isa lang sympre"

"Wala sa vocabulary ko yan pare hanggat madaming chicks diyan nandun ako"

"Grabe ka pare, Dami mo nang nasaktan ewan ko na lang pag bumalik lahat sayo yan. Tch" Lester. Hindi mangyayari yon madaming nagmamahal sakin.

Bakit siya ba pinahalagahan ako nagpakaloyal ba siya sakin?

LOVE NEVER ENDS Where stories live. Discover now