67

1.1K 37 0
                                    

" P S E U D O "

CHAPTER - SIXTY EIGHT

- MAINE'S POV-

This is it...

Ito na talaga.. Ito na talaga ang araw na hinihintay ko - nating lahat.

Pagkagising ko naginat ako atsaka nagdasal.

" Lord thank you po, sa paggising saken. At sa mga mangyayare sa araw na to. Ito na po yun. Ito na yung matagal kong hinihintay.. Salamat po ulit "

Bumangon ako tsaka binuksan ang kurtina ng bintana ko,
Btw since kahapon hindi na kami nagkita ni Chard.
Gaya ng Tradisyon na isang araw bago ikasal ay dapat di muna kami magkita.

Andito ako sa bahat samantalang si Chard ewan ko kunf nasaan Charot.

" Makulay na araw World. Please be good to me. Be good to all of us Today and Everyday "
Masaya kong bati.

Bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto.

Si Nanay pala.

" Nay.. "
Niyakap ko si Nanay.

" Anak this is is. This is your dream. Sana masaya ka "
Nakangiting sabi ni Nanay habang naluluha.

Naiiyak din tuloy ako.

" Opo Nay. Ito na po yun. Konting oras na lang "

Hinawakan naman ni Nanay ang mga kamay ko.

" Basta, Maine anak ko. Always remember na andito lang kami lagi para sa iyo. Para sa inyo. Sana ang Dyos anf maging sentro ng relasyon niyo. Anak sana maging masaya ka sa panibagong yugto ng buhay mo. Mahal na mahal kita anak ko "
Niyakap ko naman si Nanay.

Drama talaga nito.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako bumitaw sa yakap ni Nanay.

" Nanay naman eh. Nagpapaiyak pa. Opo... Mahal din po kita Nay kayo po nila Tatay "

" O sige na. Maligo ka na para. Makapaghanda ka na. Sige na anak una na ko ah. "
Hinalikan ni Nanay ang pisnge ko bago lumabas.

Gaya ng utos ni Nanay naligo na ko.

Nagkuskos akong mabuti. Minsan lang ikasal eh hahaha.

So ayun na nga Body scrub tsaka medyo nagbabad ako din ako.

Ewan ko ba. Kunakabahan ako haha.

After ko maligo nakarobe lang ako.

Pumunta ako sa harap ng salamin tsaka tinitigan ang sarili ko.

Ganda ko talaga.

Nagblower na ko ng buhok para mas mabilis matuyo.

Kumuha ako ng notebook para isulat ang Vows ko..

' Yabs, Love, Daddy ...
Richard Faulkerson. 
Six years ago hindi ko inimagine na ako ang papakasalan mo....'

Napangiti naman ako ng mapait ng maalala ang mga nangyare Six years ago.

Yun yung nasaktan ako kahit wala naman akong karapatan, yung nagmove on ako kahit di naman dapat. Yung yung mga panahong kaibigan lang pala ako sa kanya. Yun yung mga panahong hinintay ko na bumalik siya gaya ng pangako niya. Yun yung mga panahong...

Napatigil naman ako sa pagiisip ng may kumatok ulit sa pinto.

" Pasok "
Sigaw ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Nicole..

Naging kapated na din ang turing ko dito eh.

" Ate Maine... Nakakaistorbo ata ako "
Malambing niyang sabi.

Oo, Ate ang tawag niya saken. 

" Hindi naman. Bakit? May kailangan ka ba ?"

Umiling naman siya tsaka napansin ang hawak kong papel.

" Vows mo?"

Tumango naman ako.

" Alam mo Ate. Richard is so lucky to have you. Na sayo na ata lahat eh. Wife material tapos mabait pa. Ate pag may ginawa sayo si Richard sabihin mo sakin ah. Akom bahala sayo hahah "

Nagtawanan naman kami.

" Ay Ate. Andyan na pala yung make up artist na magaayos sayo. Papasukin ko na "

Tumango naman ako.

Maya maya kasama niya ng pumasok ang mga magaayos sakin.

Pinaupo na nila ako tsaka sinimulang ayusan.

" Maam. Ang ganda niyo po "
Sabi ng bakla na nagaayos ng buhok ko.

" Ay true ka dyan binsent ang ganda nga ni Maam "
Sabi din ng isa nginitian ko lang sila 

Nagpatuloy na ulit sila sa pagaayos saken.

Hangang sa matapos na kong ayusan.

" Wow "

Yan lang ang nasabi ko pagkaharap ko sa salamin. Ako ba talaga toh? Ang Ganda.. Ko

Busy ako sa pagtitig ng repleksyon ko sa salamin ng may kumatok ulit.

Bumukas yun at pumasok sila Nanay, Tatay, kuya at kasama si Seb na nakaayos na.

Naglakad palapit sakin si Seb habang may hawak na maliit na box.

" My... Give Dada "
Bulol niyang sabi.

Kinuha ko naman yun tsaka hinalikan ang pisnge ng anak ko.

" Wow. Gwapo naman ng Sebastian ko .. "

Bumungisngis naman ang anak ko.

Lumapit naman saken ang Tatay.

" Hay. Ikakasal na ang Prinsesa ko ah. Anak.. Lagi mong tatandaan ah. Na andito lang kami. Mahal na.mahal ka namin "
Hinalikan ni Tatay ang noo ko.

" Opo. "

Kinindatan naman ako ni Kuya kaya inirapan ko lang siya.

" O Anak. Mauuna na kami doon sa simbahan ah. See you "
Pagpapaalam sakin ni Nanay.

Tumango ako bago sila lumabas.

" Maam bihis na po kayo "

Tinulungan nila akong magbihis ng gown ko.

Wow ulit .. Ang Ganda ko .. 

" Wow. Maam Maine mas lalo po kayong gumanda sa suot niyo. "

Nginitian ko ulit siya.

Inalalayan nila ako para makasakay sa Bridal Car ko.

Habang nakasakay ako sa sasakyan di ko mapigilang mapaluha.

' Ito na yun. Yung pangarap kong kasal. At yung pangarap kong tao na mapakasalan. Naeexcite ako.. Naeexcite ako sa bagong yugto ng buhay ko. '

Napatigil ako sa pagiisip ng tumigil ang sasakyan.

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita na nasa labas na kami ng Simbahan.

This is it ... Ito na talaga yun.

" Maam andito na po tayo "
Bati ni kuyang driver.

Eh? Talaga ba? 

Tumango na lang ako.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagpasya na lumabas ng sasakyang to.

Nakasara na ang pinto ng simbahan.

Alam kong ako ang hinihintay ng mga taong nasa loob.

Takbuhan ko kaya to? Charot hahah.

Inalalayan ako ng mga tao dito na makapunta sa harap ng pinto.

Ito na ang pinto ng karunungan . Charot hahah

Ito na ang pinto. Once I enter it there's no turning back (HU)

" Maam ready na po "
tanong nila saken.

Tumango ako. At sa ikalabinlimang pagkakatao bumuntong hininga ulit ako.

Ito na...

P S E U D OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon