86

1K 40 1
                                    


- MAINE'S POV -

Nalipat na si Chard sa Private room.

Kasalukuyan pa rin akong nakaupo sa couch dito.

Hindi pa din talaga ako makapaniwala na ang asawa ko ang nakaratay sa higaan na nasa harapan ko.

Please tell me. Panaginip lang to diba? 
Isa lang tong Bangungot.

Bakit nangyare to?
Kanina lang kausap ko pa siya.
Sabi niya pauwi na siya.

Pinahid ko ang luha ko.
Nahihirapan na din akong imulat ang mata ko dahil sa kakaiyak.

Nabaling naman ang tingin ko ng bumukas ang pinto, iniluwa naman nito si Mommy Rio.

Kita sa mukha niya ang panlulumo ng makita ang sitwasyon ng Anak niya.

Agad naman akong lumapit at yumakap sa kanya.

Muli, lumandas na.naman sa pisnge ko ang mga luhang kanina pa naguunahang lumandas.

" Mom.. Si... Si Richard po "
Humihikbi kong sabi habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Pinaupo na muna ako ni Mommy Rio sa couch dahil anymoment magbebreakdown na ko.

" Shhh. Hija kumalma ka muna. Anak kumalma ka muna at baka ano pang mangyare sa iyo "
Pagaalala ni Mommy Rio.

Ramdam ko na nahihirapan din siya sa sitwasyon ng Anak niya.

" Anak... Ano bang nangyare? Paanong naaksidente ang Anak ko ?"
Umiiyak niyang tanong.

kwinento ko naman kay Mommy Rio ang totoong nangyare.

" Uhm Hija. Kailangan mo nang magpahinga. Sige na ako na munang magbabantay kay Richard "

" Mom ayaw ko po. Dito lang po ako babantayan ko muna ang Asawa ko "

" Hija... Kailangan mong magpahinga. Promise if may response man. About sa asawa mo. Tatawagan kita... Sige na magpahinga ka na muna "

Tumango naman ako.

Lumapit muna ako sa Asawa ko tsaka siya hinalikan.

" Mister ko. Dapat pagbalik ko gising ka na ah. I love you. Mahal na mahal ka namin. Gising ka na ah. Hihintayin ka namin ni Seb tsaka ng Baby sa tyan ko. Gising na Daddy ah "
Hinalikan ko ulit siya bago tumalikod.

" Mommy. Ikaw na po munang bahala ah. Mom.. "

Niyakap niya naman ako.

" Oo anak. Pangako. Sige na magpahinga ka na muna. Alam kong pagod ka. Ingat pauwi ah. "

Nagpaalam na ko tsaka lumabas ng kwarto ni Chard.

Kailangan kong maging matatag para kay Chard, kay Sebastian at sa batang nasa sinapupunan ko.

Sumakay na ko sa kotse ko atsaka yun minaneho.

Maingat akong nagmaneho habang nasa kahabaan ng byahe.

Hindi ko naman maiwasan na maiyak.

Matiwasay naman akong nakarating sa bahay.

Pagpasok ko tahimik ang buong bahay.

" Chard. Mister ko andito na ko.. Asan ka na "
Sigaw ko .

Pero wala akong nakuhang Response.

Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig.

Napadaan naman ako sa Dining tsaka nakita ang mga Niluto.

Anniversary nga pala namin ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako.

Umakyat na ko para makapagpalit ng damit.

Humiga ako sa higaan namin na para bang pagod na pagod.

Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko.

Ano wala na ba tong kapaguran?

Kinuha ko ang Phone ko at dinial ang number ng Asawa ko.

Laking gulat ko ng nasa tabi ko pala yun.

Sinagot ko yun at kinausap.

" Mister ko, asan ka na. Gising ka na dyan oh. Di ko na kaya eh. Please wag ka naman matulog ng matagal. Miss na kita eh. Miss na miss na kita. Konting oras ka palang na natutulog na walang kasiguruhan kung gigising pa pero miss na miss na kita. Mahal.... Love... Yabs ko. Gising na. Kailangan kita ngayon oh. Kailangan ko ng yakap mo. Kailangan ka namin ng mga anak mo. .."
Umiiyak kong sabi sa telepono.

Baliw ko noh??
Wala eh. Miss ko na talaga ang asawa ko.

Pinatay ko na ang tawag tsaka ipinikit ang mata ko.

Sana paggising ko bukas gising na din ang asawa ko.

______

Nagising naman ako ng may humahaplos sa mukha ko.

Iminulat ko ang mata ko.
Umaga na pala.

" Mommy.. "
Napatingin naman ako sa nagsalita.

Ang Anak ko.

" Baby ko.. "
Niyakap ko ang Anak ko.

Pinipigilan kong wag umiyak sa harap niya.

" Mommy... Why are you Crying? Where is Daddy po "

Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko.

" Uhm. Anak nagiisleep pa si Daddy eh. "
Pagpapliwanag ko.

" Wala naman po si Daddy dito sa Bed "
Pilyong sabi ng Anak ko.

Napangiti naman ako.

" Basta... Have you eat youre breakfast already "

Umiling naman ang anak ko.

" Baby sino naghatid sayo dito?"

" Si Mamang po. Downstair prepared daw po siya ng Breakfast "

" Ok shower lang si Mommy ah. Then baba na tayo para magbreakfast. Behave lang ah "
Pagpapaalala ko sa anak ko.

Tumango naman siya.

Mabilis naman akong naligo at nagbihis.

Buhat buhat ko si Seb habang pababa kami.

Naabutan naman namin na. Naghahanda si Nanay ng Almusal.

Pinaupo ko na muna si Seb sa highchair niya.

Binuksan ko ang takip ng pagkain.

Kukuha na sana ako para sa anak ko ng maramdamang umikot ang sikmura ko kaya naman dali dali akong tumakbo papuntang lababo.

Naramdaman ko naman na hinahagod ni Nanay ang likod ko.

Nagmumog ako tsaka agad na yumakap kay Nanay.

" Nay... Si chard po.. "

" Shhh. Binalita na saken ni Balae ang nangyare... "

" Nay.... "

Pinaupo muna ako ni Nanay.
Hinainan naman niya na si Sebastian.

Nagulat naman ako ng hawakan ni Nanay ang kamay ko.

" Anak tapatin mo nga ako.... Buntis ka ba ?"

Hinaplos ko naman ang tyan ko tsaka mapait na ngumiti.

" Opo Nay.... "

" Anak. Mas lalo mong tatagan ang loob mo. Lalo na ngayon na may panibagong pag-asa ang dadating. Anak wag kang panghinaan ng loob. Kayanin mo. Para kay Seb.. Para sa inyong mag-iina "

" Opo Nay "
Niyakap ko naman si Nanay.

Tama siya. Mas kailangan kong maging matatag. 
Para sa mga Anak ko...

P S E U D OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon