56

1.3K 52 1
                                    


- RICHARD'S POV -

Nagising ako ng may yumuyogyog saken.

" Daddy gising na.. May work ka pa diba ?"
Sabi ng Gumigising saken.
Its Maine.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko tsaka bumangon.

" Goodmorning ... "
Nakangiti kong bati sa kanila.

Pero pagtingin ko tulog pa sila. Hays ayos ako ang ginising at siya naman ang natulog.

Tinignan ko naman ang mag-ina ko... Ang himbing ng tulog nila.

Dahan dahan kong hinalikan ang maliit na noo ng anak ko.

Napangiti naman ako ng mapansing nakangiti ang anak ko habang natutulog. Kita ko tuloy ang maliit na biloy sa pisnge niya.

Bumangon na ko para magshower.

Kailangan ko ng pumasok sa office ngayon sabi ni Dad.

Hindi naman daw ako ang nakamaternity rest pero bakit daw hindi ako nagtratrabaho.

Hays. Kahit labag sa loob ko kailangan kong pumasok para sa Kompanya at para sa mag-ina ko.

Pagkalabas ko galing sa CR gising na si Maine.

Nagaayos siya ng gamit ni Baby habang nakatalikod.

Nakatapis lang ako ng tuwalya .. So it means half naked ako. Kaya naman nakaisip ako ng pilyo hahah.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya tsaka siya Niyakap patalikod.

Hinalikan ko ang batok niya na nagpakiliti sa kanya.

" Chard.. "
Gigil na suway niya saken.

" Bakit Mommy "
Malandi kong tanong.

Tulog pa naman si Seb seb eh. 

" Pwede ba. Wag ka munang humarot dyan.. Aba magdadalawang linggo pa lang yang anak mo. At yung tahi ko hindi pa magaling. Abahhhh "
Panenermon niya saken.

Napaupo naman ako sa kama.

Hayst. Naglalambing lang eh.

Nagulat naman ako ng ihagis niya saken ang damit ko.

" Yan na yung susuutin mo sa office. Naplantsa ko na yan. "
Sabi niya saken.

Pero ako kunware nagtatampo pa din.

Nagulat naman ako ng yakapin niya ko.

" Wag ka na magtampo.. Diba pinaliwanag ko naman na sayo.. Tsaka if pwede naman papayagan kita eh. Kaya lang hindi nga pwede kaya tiis ka muna. "
Sabi niya saken.

Pinaupo ko siya sa lap ko.

" Talaga.. Papayagan mo ko "
Nakangiti kong tanong

Tumango naman siya. 

" Kung.. Pwede. Eh hindi pwede so Magtiis ka dyan "
Sabi niya saken tsaka tumayo.

Kinuha niya si Seb seb tsaka nagpaalam na bababa na.

Naiwan na naman ako.

Sa bagay. Kaya ko naman talagang magtiis eh. Basta para sa kanila ng anak ko.

Nagbihis na ko tsaka bumaba na din.

Naabutan ko naman na nagluluto si Maine habang nasa Stroller si Seb.

" Mommy ako na dyan.. "
Prisinta ko.

Pero sinenyasan niya lang ako na wag na. At ako na lang daw muna ang bahala kay Seb seb.

Lumapit naman ako sa anak ko tsaka siya binuhat.

" Parang ayaw ko atang pumasok ah. Ayaw kong iwan ang Seb seb ko "
Sabi ko habang buhat buhat ang anak ko.

" Daddy hindi naman pwede yun. Sige na. Alam kong ayaw mong iwan si Sebseb pero kailangan eh. Kain ka na muna "
Sabi sakin ni Maine tsaka kinuha si Seb seb saken.

Kumain na ko.

After ko kumain.
Nagpaalam na din agad ako na aalis na dahil malelate na din ako.

" Bye. Mommy... Babye Baby Sebseb ko "
Pagpapaalam ko sa kanila.

Hinalikan ko ang noo nila bago ako sumakay sa kotse ko.

Ganto pala feeling pag may Anak ka na noh? Yung feeling na gusto mo lagi mo siyang makita. Makasama.
Yung feeling na.para kang bumalik sa pagiging kinder na ayaw mong iwan ka ng Nanay mo.
Parang ganon.

Hayst. Di pa ko nakakalabas ng gate namin pero namimiss ko na siya. Miss ko na ang Seb seb ko..

P S E U D OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon