CAKE 2

205 3 1
                                    

>>>Fast Forward>>>>

Natalo ako?

Natalo ako.

Anong gagawin ko?

Anong mukang ihaharap ko?

Paano ko sasabihin sa kanya?

Na

Na

Natalo ako.

*May tiwala ako sayo na ikaw ang mananalo* >>> Jin

SHIT!

Nakakainis, Umuwi akong talunan hindi pa alam yun ni jin dahil hindi sya nakapunta sa laban ko dahil naka over time sya sa shop na pinagtatrabahuhan namin. Hindi ko alam ang mukang ihaharap ko sa kanya naiinis ako sa sarili ko wala akong kwenta.

Gusto ko ng ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lupa.

Gusto ko ng laslasin ang wrist ko.

Gusto ko ng magpakalunod sa Hanriver.

Gusto ko ng tumalon sa taas ng namsan tower

Kakaisip ko

Hindi ko napigilan na hindi umiiyak halos nakailang kuskos ako sa mukha ko pilit kong binubura ang mga luha ko kaso wala eh, talagang umaagos lng yun ng walang hinto para ng gripo sa lakas ng tagas ng luha ko. Ang sakit sakit.

Sobrang sakit

Gusto kong sumigaw

Gusto kong kumapit sa mga yakap nya para gumaan ang loob ko.

Pero.

Wala akong mukang ihaharap sa kahihiyan

Gusto kong maipakita sa kanya na nanalo ako pero ni kahit konting award.Wala.

Mas magaling pa sila sakin

Gusto kong Makita ang ngiti nya nung. Nung mga araw na

Sinabi nyang sobrang sarap ng gawa ko pero

Mukang ma didisappoint lng sya

Sobrang, sakit talaga. (T,,,,T)

……………………………………………

Umuwi na ako, hindi na nga ako bumisita sa trabaho ko yung cellphone ko punung puno ng miss call nilang lahat pero hindi ko yun sinasagot dahil wala akong kwenta lahat sila sinuportahan ako pero,

Ayoko na munang mag-isip naiiyak nanaman ako

Habang naglalakd ako pauwi nagulat ako dahil. Nakita ko si Jin na

Na

Na

May kasamang babae?

Nagpanggap lng ako na hindi ko sila nakita, diretso lng ako sa paglakad hanggang sa nadaanan kona sila

“Oh!? Nana! Anong nangyari sa laban mo, kanina kapa namin tinatawagan eh” hindi ako huminto diretso lng ako sa paglakad kahit nagsalita sya, pero hinila nya ang wrist ko.

“Teka Nana, kinakausap pa kita”

“Sino sya Jin?” tanung nung babaeng kasama nya. Ang landi ng boses nakakairita sarap upakan.

“Sya yung sinasabi kong kasamahan ko sa trabaho” sagot ni Jin dun sa babae

“Ah, sya pala yun”

Ewan ko parang may kumurot sa puso ko nung sinabi nyang kasamahan lng sa trabaho. Tama yun lng naman talaga eh, ano pa bang inaasahan ko diba? hanggang dun lng

My Strawberry Cake [BTS Jin Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon