>>>> FLASH BACK>>>>
[Jin POV]
Hindi ako mapakali sa isang tabi dahil sa sobrang kaba at excited kung ano naba nangyayari kay Nana, Gusto ko sanang pumunta sa competition kaso hindi pwede na dalawang tao ang umalis sa oras nayun masyado kasing madaming costumer ngayon.
Nawawala tuloy ako sa focus kakaisip kay Nana. Ano kaba Jin alisin mo muna ang utak mo kay Nana phew!
Ilang oras ang lumipas wala parin akong balita sa nangyari sana ok lng si Nana na mag-isa dun nakasandaang beses na ata akong kakatingin sa orasan eh,
“Hey! Jin, masyado kang halata, Nag-aalala ka kay Nana diba? Ikaw ang mukang kinakabahan dyan eh,” pangaasar nung mga kasamahan ko.
(#^______^#)
Ganyan ka lapad ang ngiti na pinakita ko with matching namamaga na ang face ko sa hiya hindi ko kasi mapigilan na hindi mag-alala eh,
“Sana maganda ang resulta ng laban nya”
“Ayiee, Nag-aalala talaga sya! Type mo si Nana ano? Para kang boyfie nya kung mag-alala!”
“Psh! Ano bang pinagsasabi nyo magkatrabaho lng kami ni Nana, Masama bang mag-alala sa kanya.” Nakangusong dahilan ko
“Ows, Di nga kahit konti wala kang pagtingin sa kanya?”
Bigla tuloy akong napaisip sa sinabi nya.
Ako magkakaroon ng pagtingin kay Nana?
“Uy! Nag-isip hahaha, para maconfirm natin Question and answer portion tayo, Deal?” aya nya sakin…
“Um… sige….” Sabi ko na napapakamot na lng sa batok.
“Anong gagawin mo kapag may nanligaw na ibang lalaki kay nana?”
“Uhmm..Ewan? Hindi ko alam?”
“Aish! Gandahan mo naman ang sagot mo! Ito na lng, Anong tingin mo kay Nana bilang babae?”
“Anong tingin ko sa kanya? Hmm.. Magaling, maganda,mabait minsan masungit bihirang ngumiti tsaka ka workmate?”
“Wala ka bang nararamdamang kakaiba kapag kasama mo sya?” tanong pa nya para bang naiinterview na ako nito ha,
“Masaya ako kapag kasama ko sya, kasi lagi nya kong ginagawa ng cake tsaka kahit masungit sya nakikita kong mabait ang kalooban nya”
“BOOO! Ang boring mo naman eto na lng, May nangyari naba sa inyo? Like kiss, holding hand, hugs or anything meron ba?”
Napakunot na ang noo ko kakaisip parang wala naman ganung nangyari.
“Ah! Nagyakap na kami nung una naming pagkikita pero hindi pa kami masyadong magkakilala nun”
“Naghug na kayo? Really? Teka, teka na excite ako bigla. Sorry hehe, Bkt kayo nagyakap nung araw nayun, tsaka sino ang unang yumakap si Nana ba? O ikaw?”
“Ako ang yumakap sa kanya, kasi ginawan nya ako ng napakasarap na cake, hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sya dahil sa sobrang tuwa”
“Aaahh, ganun? So anong reaksyon nya nung nagyakap kayo nakita mo ba?”
“Naramdaman kong niyakap nya rin ako, pero tinulak nya rin ako agad nun, pero hindi ko nayun pinansin kasi kumain agad ako ng cake eh, kaya hindi ko nakita ang reaksyon ng mukha nya” paliwanag ko.
Toinks!
“Aray! Bakit mo ko binatukan” inis na sabi ko kasi naman ang lakas ng batok nya sa ulo ko
BINABASA MO ANG
My Strawberry Cake [BTS Jin Short story]
FanfictionI love sweet Strawberry cakes <3 @TaehyungSyndrome tnx po sa Bookcover na gawa mo! hart hart <3333