Juliet's POV
Im on my way to School. Lunes na!
"Manong dito nalang ako" Bumaba ako sa may Entrance Gate. Naglakad na ako papasok.
"Sya ba yung lalakeng sinasabi nila?"
"Oo sya yun. Grabe pinag-uusapan talaga sya sa Website ng school kagabi"
"Oo nga eh sayang gwapo at known pa naman"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sino bang lalaki ang pinaguusapan ng mga toh? OnLine naman ako kagabi pero bat di ko yun alam.
Dumiretso ako ng classroom at si Gela ang sumalubong sakin. "Naku! Girl bat di mo ko nireplayan kagab---" Natahimik sya. Hinila nya ako papunta sa chair.
"Sabay kayo ni Romeo Pumasok?" tanong nya. Lumingon naman ako para tignan si Romeo kakarating nya lang rin. Umupo sya at sumandal sa arm chair nya. Nangyare dun!?
"Hinde. Pano kami magsasabay eh ang sikip sikip sa hallway tsaka nagkakalat mga chismosa" Nilabas ko notebook ko sa Math dahil yun ang first subject namin.
"Alam mo ba ang Hot topic?" tanong nya. Umiling naman ako.
"Hinde. talagang Hot!?"
"Sobrang Hot. Alam mo ba yang Romeo mo nahuli nakikipag-makeout sa isang baba-"
"WHAT!?" O_O No way. Tumawa sya. Binatukan ko nga si Gela. Grabe ha!
"Eto naman.. Syempre Joke lang yun. Ang Hot Topic ay Nakipagbugbugan daw yan si Romeo kahapon sa ibang section na Bball player. Ang Chika Sa MVP pa daw na kablockmate nya. Dahilan? Girl! Nagmamagaling daw yang Romeo mo." Bugbugan sa MVP Player.
Wait "MVP!?" tumango naman sya. Lokong Hector yan ah! Wala naman syang karapatan bugbugan si Romeo!
Kinapalan ko mukha ko dahil konti palang naman kame kasi Maaga pa. Tumabi ako kay Romeo.
"O-okay ka lang?" Parang nagulat naman sya.
"Oo bakit?" Sabi nito.
"Nabalitaan ko ka--"
"Wag na natin pag-usapan" sabi ni Romeo ng nakayuko.
"Sorry" Tumango lang sya. Di ako umalis sa upuan. Nag si datingan na ang iba naming classmate at yung mga barkada ni Romeo.
"Pre nangyare!?"
"Nabalitaan namin sa Site kagabi"
"Naku! Bro Hot topic ka" tapos nagtawanan sila.
"Tapos na ba kayong mag salita!? Sira na nga ang araw ng tao sirain nyo pa" sigaw ko na kinagulat nila at ni Romeo pero yumuko rin sya ulit.
Dumating na yung May ari ng upuan na seatmate ni Romeo pero sinenyasan ko lang sya na dun muna sa upuan ko umupo.
-
Nagring na ang bell para sa Recess at Tumayo na ako para kunin Wallet ko at Sumabay kay Gela.
Paglabas namin ng room "Anyare sayo girl!? Lumandi ka ha. Tinabihan mo ung Romeo na yun!? Tinablahan ba yang kagandahan mo?"
"Di naman kame nagkapagusap ng maayos pero nakatabi ko sya feel ko na eto na ang simula DESTINY ito Gela..." sabi ko with smiling face habang naglalakad kami papuntang Canteen. Rinig ko parin ang bulungan sa Hallway.
"Destiny!? Ayan ka nnman! Girl Ang love dapat hinihintay yan"
"Gela.. Sabi nila Ang love 'it is not to be waited for it is to be achieved' Dapat mag effort din tayo hindi lagi dapat hinihintay yan"
"Pano pag nakita mo na tapos di mo na pansin?" sambit nya
"Malamang di ito ang tamang panahon" Gela Ano ba!
"Pano pag tamang panahon na hindi mo lang talaga napansin?" pangungulit nya
"Kung sya, edi sya. Heller. Magpapapansin sya"
"Akala mo kayo talaga ni Romeo nuh?"
"Hindi Akala. Dahil sa Huli kami talaga"
"Ilang beses ka nang nasaktan dahil sa Crush na yan. Take Note Crush pala lng yan Juliet ha!"
"Eh hindi kame para sa isa't isa eh ano magagawa ko?"
Nakarating na kame sa Canteen. Bumili na ako ng Sandwich at Mogu Mogu pang inom.
Umupo muna ako dahil pumipila pa si Gela sa Curls. May bumato sakin na Papel. Nakalukot. Binuksan ko to at may nakasulat na 'Love is everywere' tapos may nakasulat sa baba na galing kay '-B' Bigla naman akong kinabahan. Nang maala ko si Barney! Di naman nakakatakot si barney actually favorite ko pa yun eh. Kaso dahil lang dun Natatakot na ako. Langya.
Dumating si Gela at nag snap sa harapan ko. "Uy Julieta! Namumutla ka?" Tumayo na ako para maglakad pabalik kame ng Classroom.
"Ki-Kilala mo ba si Barney?" tanong ko kay Gela hang kinakabahan pa rin sibrang lakas ng Kalabog ng puso ko.
"Ba-Barney!?" sabi ni Gela.
"Oo. Barney. kilala mo?"
"As in B A R N E Y?"
"Oo nga kilala mo ba?"
O_O "Oh My God Girl!"

BINABASA MO ANG
The other way around
Fiksi RemajaHindi lahat ng Alam mo totoo, Hindi lahat ng Gusto mo nakukuha mo. Dahil sa Buhay minsan kailangan mong Tanggapin na may mga bagay na akala mo Para sayo, Pero para sa iba pala. -RL